CHAPTER 9 ELSIE OWEN "Where have you been, huh?!" kita ang galit sa mga mata ni Abcd. Ni hindi ko nga ito matingnan sa mga mata dahil sa takot ko. Ngayon lang ako natakot ng ganito. "Akala ko may nangyari ng masama sayo!" "K-Kasama ko si M-Maricel. N-Nag-EK kami." nanginginig kong sabi. Mas lalong humigpit ang hawak nito. "Hindi ba't sinabi kong may lakad tayo?! Ipinahiya mo ko sa magulang mo at magulang ko!!" "'W-Wag kang sumigaw. Please." Alam kong mali ako. I admit it. Nakalimutan ko. Anong magagawa ko? Masama bang mag-enjoy?! "I'm so mad---No. I'm furious, Elsie! Mas mahalaga pa ba ang babaeng iyon kaysa sakin?! Hinahawahan ka nya ng kalandian nya!" nagpanting ang tenga ko sa narinig na term nito sa kaibigan ko. "Punyeta!" Kumawala ako sa hawak nito. Walang sinuman ang may kara