CHAPTER 10 ELSIE OWEN Busy ako sa kakawalis ng bakuran namin nang bigla kong marinig ang sigaw ni Abcd. Binitawan ko yung walis tingting saka pinuntahan ito. Ano na naman ba ang reklamo niya? Grabe! Nagsisipag na nga ako sa gawaing bahay, ang dami pa nyang reklamo. "Ano na naman ba ang problema, Abcd. Alam mo tatanda ka sa sobrang reklamador mo. Kagabi ka pa, e. Hindi ba maganda ang gising mo? Para kang babae, grabe, daig mo pa ako kung tumili." Talak ko habang papasok ng bahay. Nakita ko itong nakatayo sa harap ng pintuan ng kusina at matalim na nakatingin sakin. Nginitian ko ito. "Good Morning, husband." "What did you cook? The kitchen's a mess!" Pumunta ko sa puwesto nya. Ano bang ginawa ko? Pagtingin ko sa kusina. Oh, right. Tiningala ko si Abcd na hanggang ngayon ay matalim ang t