CHAPTER 8 ELSIE OWEN "Tss.. He's so mean." komento ni Maricel habang hinihiwa ang pork steak sa plato nito. "Yeah, right. Sarap sapakin." nanggigil kong tinuhog ang shrimp tempura na parang si Abcd iyon. "Weeh? Baka mahal mo?" Muntik na akong mabilaukan sa sinabi nito. "H-Hindi aah." "Bakit nabubulol ka?" usisa nito. Mas masahol pa si Maricel kaysa kay Boy Abunda ah. Grabe. Nakaka-pressure! Namamawis tuloy ang kili-kili ko. "Tse! Gusto mo ikaw sapakin ko?" masungit kong sabi dito. Nginitian lang nya ako at tumuloy na sa pagkain. Kanina, nang sabihin iyon ni Abcd, ay parang may kirot akong naramdaman. Yung feeling na gustong-gusto kong i-flush si Abcd sa toilet. Buti nalang at inaya akong mag-bonding ni Maricel. Mapapalayo ako ng kaunting oras kay Abcd dahil kung hindi, baka umuwi