CHAPTER 7

2029 Words
CHAPTER 7 ELSIE OWEN Kasalukuyan kaming nanunuod ng isang boring game ng biglang mamatay ang mga ilaw. Napausog ako bigla sa gawi ni Abcd. "OH MY GOD!" nagpa-panic kong sabi. "Tss. Ngayon pa nawalan ng power! Ganda ng laban eh!" naiiritang sabi nito at tumayo. Hinatak ko ang damit nito. "Abcd.." "What?!" "Abcd... T-Takot ako sa d-dilim." "Magsindi ka ng kandila." sabi nito at pilit na tinatanggal ang kamay ko. "W-Wala ka bang generator?" nanginginig kong sabi. "Wala." "Abcd.. wag mo kong iwan dito." ngayon lang ako nagmakaawa ng ganito, hindi pa niya mapagbigyan. Asar! "Kukuha ko ng kandila. Bitaw nga." "S-Sasama ko.." tumayo na ako at hinawakan ito sa braso. Nakakahiya naman baka mapunit ko pa ang damit niya. "Hayst!" Naglakad na kami. Pareho kaming nangangapa dahil hindi makita kung saan ang papauntang kusina. "Bitawan mo nga ako. Paano ko makakakilos kung----" Napasimangot ako. "Ang dami mong reklamo! Sinabing takot ako sa dilim eh!" "Lumayo ka ng kaunti." "Bakit ba?! Arte mo!" "Kasi yung dibdib mo, dumidikit sa braso ko. Na-a-arouse ako! Lintek naman." namula ako sa sinabi niya. Kinurot ko ito sa braso. "Lintek ka din! Ang p*****t mo!" "Tss. Kasalanan mo." sabi nito at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad, i mean, pangangapa. Sa wakas ay nakarating na kami sa kusina. Nakapa ko na kasi yung kitchen island ee. Hindi ko pa din binibitawan ang braso nito. Takot talaga ako sa dilim.. nung bata kasi ako ay may humatak sa paa ko nung natutulog ako.. Frank pala iyon ng pinsan kong si Zia. Kaya ayan.. dala ko pa rin hanggang ngayon. Ayaw ko na sa madidilim na lugar. Naramdaman kong yumuko si Abcd. Malamang ay kinukuha nito ang kandila mula sa cabinet. Pinakikiramdaman ko ito. Naging alerto tuloy ako sa paligid ko. Sinisindihan na ni Abcd yung kandila nang may biglang kumalabog. Napayakap ako kay Abcd. Wala akong pakielam kung na-a-arouse siya. Problema niya iyon. "M-May m-multo ba dito?" "Ano ba, Elsie. Sinabing---" "Wala akong pakielam! Problema mo yan!" hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kanya. "Problema mo rin to. s**t! Elsie, lumayo ka ng kaunti." "Bakit? Tigilan mo kasi ang kakaisip. Natatakot na nga ako eh." mangiyak-ngiyak kong sabi. "Tumitigas kasi." "H-Hawakan ko na nga lang ang kamay mo! Kainis naman eh!" hinaplos ko ang braso nito pababa sa kamay nito. "Good Girl." Mainit ang palad nito. Nakaka-relax. Malambot pa kaya hindi ko maiwasang hindi ito paglaruan at pindut-pindutin. Wala naman itong reklamo kaya pinagpatuloy ko lang. Naupo ulit kami sa sofa at ibinaba nito ang kandila sa gilid ko. Wala akong magawa kundi paglaruan ang palad at daliri nito. "Abcd... Inaantok na ko." mahina kong sabi. Itinaas ko ang dalawang paa ko at itinuntong ang ulo ko sa dalawang tuhod ko. "So? Matulog ka." masungit na sabi nito. "Anong oras ba magkakaroon ng kuryente? Inaantok na ko." sabi ko. "A-Ayaw kong matulog na madilim." "Eh, kapag pumikit ka, madilim rin naman ah. Ano pinagkaiba nun?" he chuckled. "Basta! Ayaw ko.." "Kung gusto mo, sasamahan kita hanggang sa makatulog ka." hinaplos ng hinlalaki nito ang likod ng palad ko. "H-Hindi mo ko gagalawin?" "Hindi ako namimilit ng tao, Elsie." Inaantok na talaga ako. Tatanggihan ko pa ba? Ayokong mapuyat. Kawawa naman yung eyebags ko.. manganganak ulit. "F-Fine." Tumayo na kami at dinala nito ang kandila sa kwarto ko. Binuksan namin ang bintana para hindi masyadong mainit. Hindi naman kami malolooban dahil nakatirik ang bahay namin sa isang eksklusibong subdibisyon. "Kailangan ba talaga may barikada?" kunot-noong tanong nito. "Kamay mo lang ang kailangan ko no. Naninigurado lang." "Tss." nahiga nito at ganun din ako. Nakapatong ang kamay namin sa barikada. "Wag kang gumawa ng kahit ano ha. Sasapakin kita." "Oo na. Goodnight." "Night." pinikit ko ang mga mata ko at nakatulog. Nagising ako nang may biglang tumunog ang phone ko. Babangon sana ako para makuha iyon sa side table pero parang may mabigat na nakadagan sa akin. Braso?! Panlalaking Braso?!! Oh. s**t!! Tinanggal ni Abcd ang barikada? Naramdaman ko rin ang buhok nito na nasa pagitan ng leeg at balikat ko. Bakit ngayon ko lang nalaman masarap magkaroon ng katabi? Oh, shocks!! Yung phone ko nga pala. NIyugyog ko ang balikat nito. "A-B-C-D." "Hmm?" napapikit ako nang umungol ito.. Oh, gosh!! Kill me!! Nase-sexy-han ako sa ungol niya!! "A-B-C-D." mahina kong ulit. "What?!" "May tumatawag sa phone ko." "Sagutin mo." sumiksik muli ito sa leeg ko at lalo akong hinapit. "Eeh, hindi ko abot." eeh, kasi naman nakadagan yung braso niya.. hindi ako makakilos. Bumangon ito at ito na mismo ang kumuha ng phone ko. Gosh!! Medyo dumagan pa siya sakin aah! Sinasadya ba niya yon?!! Feeling ko sinasadya niya ee!! Nang ibigay niya iyon sakin ay tumigil na ang ring nito. Pagbukas ko ay numero lang ang naka-register. "Ay, wala na. Tumigil na." "Tss. Tulog pa." bumalik ulit ito sa tabi ko. Hinapit niya ulit ako at siniksik ang ulo ko sa dibdib niya. Inaantok pa ako kaya palalampasin ko muna ito. Mamayang umaga ko nalang siya gigisahin. Nagising ako na wala na si Abcd sa tabi ko ngunit naiwan ang amoy nito sa unan ko. Niyakap ko iyon at inamoy. Bango naman! Nakakaadik. Bumangon ako nang may makita akong note sa side table ko. Binuksan ko iyon. Puntahan mo ko sa opisina mamaya. Ten a.m sharp. -A "Katarantaduhan. Tsk!" naiiling kong sabi. Nang sumapit ang ten o'clock ay saka palang ako umalis ng bahay. Dinala ko ang kotse ko at tinahak ang daan patungo sa opisina nito. Nang makarating ako doon ay sumakay ako ng elevator. Pangalawang beses ko na palang makakapunta dito. Malamang ay hindi na ako natatandaan ng sekretarya niya dahil maayos na ang pananamit ko ngayon. Bumukas ang elevator sa Top Floor. Lumabas ako at dire-diretsong lumakad patungo sa office ni Abcd. "Ma'am, hindi kayo pwedeng pumasok." pgil sakin ng mahaderang sekretarya. Bakit ba palagi siyang kontrabida? Tinaasan ko siya ng kilay. "Excuse me?" "Eh, kasi sabi ni Sir walang pwedeng pumasok sa opisina nya kundi ang asawa nya." nakapamewang nitong sabi at tinaasan din ako ng kilay. "I'm his wife." taas-noo kong sabi. "Ows?" "Aba't----" "Maraming babaeng naghahabol kay Sir, malamang isa ka sa mga yun no." natatwa nitong sabi. Aba't ang babaeng mukhang dibdib na ito?! Ininsulto ako?! Hindi ba niya alam na maaari kong bilin ang buong pagkatao niya at isama pa ang peke niyang dibdib! Dinuro ko ito. "Hoy, Babaeng mukhang Manok na di-naliligo. Kung ako sayo, papasukin mo na ko kung ayaw mo pang mawalan ng trabaho!" "Aba! Ang isang katulad mo ay imposibleng magustuhan ni Sir! Mas mukha ka pang lalaki kesa sa kanya." ininsulto na naman niya ako! Handa na akong bigwasan ang mahaderang mabahonng manok na ito nang bumukas ang pintuan ng opisina ni Abcd. "Anong nangyayari dito?" sabi nito. "Sir, ito po kasing si Ma'am, nagpupumilit pong pumasok." at nagsumbong ka pa?! Sana alam mo kung sino ang kinakalaban mo! "She's my wife." diretsong sabi nito at nilapitan ako. "I told you so." sabi ko sa sekretarya nito at tuminging muli kay Abcd. "Fire her." "What?! S-Sorry po, Ma'am. H-Hindi ko naman po kasi alam." natatarantang sabi nito. Kanina maka-insulto ka sakin wagas-wagas.. nagyon.. lumuhod ka at dilaan ang sahig. Ayokong ipadila ang mga paa ko. Baka magka-buni pa ako dahil sa kanya. "No. I can't accept your apology." madiin kong sabi. "Fire her. Now." "Unreasonable. Let's go." hinatak ako ni Abcd ngunit inalis ko ang kamay nito. "Wait! Fire her first!" turo ko sa sekretarya niyang ngayon ay mangiyak-ngiyak na. "Let it go, Elsie." "No way! She insulted me!" i folded my arms in front of my chest. "Mahirap humanap ng bagong sekretarya ngayon. Tara na." Kumunot ang noo ko. "Huh?! Saan ba kasi tayo pupunta?" "Mag-go-grocery tayo. Wala ng stock sa bahay." "Ah. Ok. Wala na rin akong stock ng conditioner saka face wash. Let's go." nakangiti kong sabi at ako na rin mismo ang humatak dito. "Tss. Girls." Wow! Nakakapanibago si Abcd ngayon ahh.. Pinagbuksan ako ng pinto! Naman. Naman! Gentleman ang peg niya ngayon.. Ano kaya ang plano niya? Habang nagda-drive ito ay binuksan ko muna ang phone ko. Tatlong missed call na naman at puro galaing iyon sa number lang. "Sino kaya itong palaging tumatawag sakin?" nagtataka kong sabi. "Baka ex-boyfriend mo." "Sana nga meron no. Duh." inirapan ko ito. "NBSB ka?" bakit parang hindi siya makapaniwala? "Wag mo ng ipangalandakan no. Sapakin kita eh." inambaan ko ito. "I just can't believe it." "Manahimik ka nga, itulak kita palabas ng sasakyan to." banta ko sa kanya. "NBSB, huh. Interesting." hinawakan nito ang labi at tumingin sakin. Iniwas ko ang paningin sa kanya. Nakaka-distract kasi ang paraan ng paghaplos nito sa labi. "Shut up and drive." namumula kong sabi. Siguradong hindi nito iyon nahalata dahil nakatingin ako sa labas. Nakarating kami sa Mall at nag-grocery. Kasalukuyang nagbabayad na si Abcd ng mga pinamili namin ng kalabitin ko ito. Nilingon niya ako. "Abcd. Samahan mo kong bumili ng damit." nakangiti kong sabi. "Ikaw nalang. Intayin nalang kita sa kotse." seryosong sabi nito. I rolled my eyes. "Duh! Nasa iyo kaya ang credit card ko. Diba binilin sayo ni Mama na wag akong pahahawakin ng credit card." "Oh, yeah. Fine. Thirty-minutes." "Fine." nanalo na naman ako. Iniwan muna namin ang mga pinamili sa iwanan ng mga gamit at nagpunta na sa department store. Nakasunod lang ito habang ako naman ay pumipili ng mga damit. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Masyado na kasing luma ang mga damit ko sa bahay.. Last week ko pa kasi iyon binili. "Elsie! Dalawang oras na tayo dito! May napili ka na ba?" nilingon ko si Abcd na parang nanlalata na. Nakita ko sa likuran nito ang mga babaeng nakatingin at nakangiti dito. Nagbubulungan pa ito at biglang ngingiti. Hoy! Asawa ko yang ginagahasa niyo sa mga mata niyo! "Hmm. Mukha kasi akong makalumang tao sa mga damit dito. Tara sa kabilang department." nakangiti kong sabi dito. Hinawaka ko ang braso nito at hinila. Kumunot ang noo nito. Napangiti ako lalo ng malusaw ang mga ngiti sa mukha ng mga babae. "God, napapagod na ko." naipunas nito ang dalawang kamay sa mukha. Ngumisi ako. "Sandali nalang." "Pang-ilang sandali mo na ba yan? Nagugutom na ko at masakit na ang mga paa ko." "Reklamador. Nakapili na po ako." naaawa na ako kaya sampung damit nalang ang kinuha ko. Sayang ang dami pa namang magaganda. "Thank goodness!!" Nagbayad na ako at kinuha ang plastic bag. Nilapitan ko si Abcd na ngayon ay nakaupo sa isang sofa. Naptigil ako sa paglalakad nng may tumwag sa pangalan ko. Paglingon ko ay isang magandang babae. Nakangisi nitong sabi nang makalapit na sakin. "OH MY GOSH, ELSIE!!" "Who are you?" kunot-noong tanong ko sa kanya. "Its me, Maricel. Don't you remember me?" she pouted her red perfect lips. "Maricel Ramirez!?" "Geez! Yes!" Nagyakapan kami. Tumalon-talon kami habang tumatawa. God! I missed my first bestfriend!! My very first bect friend!! Natigil kami ng may tumikhim. Naghiwalay kami at nakita ko ang seryosong mukha ni Abcd. "Oh, I forgot. Maricel, this is Abcd, my husband. Abcd, this is Maricel, my heroine." "Husband?" "Heroine?" sabay nilang sabi . "Yep! Nag-out of town kasi kami nila Mama noon at naligaw ako sa park. Natagpuan nya ako at dinala sa mga magulang nya. Ini-report naman nila sa mga pulis ang nangyari at natagpuan ako nila mama. Simula nun naging mag-best friend na kami. We attended same school in Elementary and Highschool kaso umalis siya ng bansa para makapag-aral ng medicine sa London." kwento ko kay Abcd. "Oh. He doesn't know?" tanong ni Maricel. "Not yet. Isang buwan at dalawang linggo palang kami ikinasal." "Arranged Marriage?" I shrugged. "Well, yeah." "Tss. How unlucky." mahinang sabi nito pero sinasadyang iparinig sa amin ni Abcd. Napangiti ako. Siya parin pala ang bestfriend kong very possessive pagdating sa akin. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako maligawan dati..dahil inaaway nito ang mga lalaking lumalapit sa akin. "Pardon?" kunot-noong tanong ni Abcd. Uh-oh. "No offense, but I don't like you for her." walang prenong sabi ni Maricel "Well, who says I like her?" diretsong sabi ni Abcd. Biglang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya sa kadahilanang hindi ko malaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD