Chapter 25.1 - Emergency

1209 Words

"KATIE, ikaw na ang magdala nito kay Sir Khai sa pool area." Labag sa loob kong tumango sa sinabi ni Sonya at kinuha na sa counter ang tray na naglalaman ng juice at dessert. Napabuntong hininga ako bago natagpuan ang sariling tinatahak na ang daan patungong pool area. Bago tuluyang lumabas doon, ikinalma ko pa muna ang sarili para maging normal ang mga kilos. Kaagad kong namataan si Khai na nakababad sa pool, nakasandal siya sa kanto nito. Nang maramdaman ang presensiya ko ay napunta sa akin ang atensiyon niya. "Ilapag ko na lang ito sa lamesa, Sir," imporma ko at umiwas na ng tingin sa kanya bago pa man magtagal ang titigan namin. Hindi ko na hinintay ang tugon niya. Tinungo ko na ang lamesa sa gilid ng pool area at inilapag na roon ang mga dala. "May iba ka pa bang kailangan, Sir

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD