NANG makapasok ng silid ay sumalubong sa akin ang isang lalaking nakaupo sa paanan ng kama na siyang naghihintay sa pagdating ko. Ang malamig niyang aura ay tila mas pinapalamig ang gabi.
Nang maisara na ang pinto ay dahan-dahan na akong naglakad patungo sa kanyang harapan dahilan para makuha ko ang atensiyon niya at mapatitig siya sa akin. Mula paa ay tumaas ang mga mata niya sa katawan ko hanggang sa mukha ko dahilan para makaramdam ako ng matinding pagkailang.
Ang paraan ng pagtitig niya sa akin ay nakakapaso. Para bang hinuhubaran na agad ako nito kahit na hindi pa naman kami nagsisimula. Mas lalo tuloy lumalala ang kabang nararamdaman ko at tila gusto ko na lang tumakbo palabas ng silid na ito.
“Good evening po,” mahina kong bati nang tuluyang makarating sa harapan niya.
Wala siyang naging tugon sa pagbati ko. Tanging pagsasalubong lang ng kilay niya ang ginawa niya.
Kinagat ko ang ibabang labi at pinagmasdan siya, pinag-aaralan ang itsura ng lalaking kaharap. Hapit sa kanyang katawan ang suot na itim na polo dahilan para lumabas ang magandang korte ng katawan niya. Ang ilang butones naman ng polo niya ay nakabukas kung kaya’y lantad sa aking harapan ang maputi at matipuno niyang dibdib.
Nang magtuon ang mga mata ko sa mukha niya ay napalunok ako. He looks cold and arrogant with his monolid eyes, pointed nose, and prominent jaw.
“Tatayo ka lang ba riyan?”
Kumabog ang dibdib ko nang bigla na lang siyang magsalita. Kahit ang boses niya ay malamig at mala-misteryoso. Humugot ako nang malalim na hininga at pinilit ang sariling magsalita.
“Ako po si Katie,” pagpapakilala ko. Hindi ko alam ang eksaktong gagawin sa ganito. Sa tagal kong nagtatrabaho sa club na ito, ito ang unang beses na makapasok ako ng VIP room.
Halos mapatalon ako sa pagkabigla nang maramdaman kong hinapit niya ang baywang ko dahilan para magkalapit kami. Dahil sa ginawa niya ay ramdam kong nagsisimula nang manginig ang mga tuhod ko.
“I know your name,” matipid, ngunit misteryoso niyang sabi. Dahil nakaupo pa rin siya sa paanan ng kama ay kinailangan niya pang tumingala para matitigan ang mukha ko.
Bahagyang namilog ang mga mata ko nang tumayo siya. Sa pagkakataong ito, ako naman ang kailangang tumingala upang matitigan ang mukha niya. Mas matangkad siya sa akin nang halos kalahating dangkal.
Halos pigilin ko ang sariling hininga nang dumapo ang malaki niyang kamay sa aking pisngi, sakop na sakop nito ang isang bahagi ng pisngi ko. Bumali ang leeg niya at nagkaroon ng linya ang noo.
“Why do you look scared, huh?”
Lumunok ako at mabilis na umiling. Naalala ko ang bilin ng manager sa akin kanina. Hangga’t maaari, huwag kong ipahalata na ito ang unang beses ko upang hindi ma-turn off ang costumer.
“Nabigla lang ako,” pagdadahilan ko.
Nagtagal pa ang titig niya sa akin na tila sinusuri ako bago tumango, mukhang naniwala na. Binitiwan na niya ang aking pisngi at baywang. Bumalik siya sa pagkakaupo sa paanan ng kama.
“Sit on my lap,” utos niya at seryoso akong tiningnan.
Napatitig ako sa kanya, hindi malaman kung gagawin ba ang utos niya o hindi. Pero nang makita ko ang pagkabagot sa mukha niya ay mabilis akong tumango. Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob nang gawin ko na ang ipinag-uutos niya. Dahan-dahan akong naupo paharap sa kandungan niya.
Nagkagulo-gulo na ang isipan ko nang tuluyan na kaming magkalapit ng lalaking kaharap. Gusto ko man umurong dala ng takot, hindi ko naman maigalaw ang mga paa sa tuwing maiisip ko ang kalagayan ng bunsong kapatid.
Sumubsob ako sa dibdib niya nang ipulupot niya ang mga braso sa baywang ko at hapitin ito. Bumigat ang bawat paghinga ko nang mapansing kakaunting distansiya na lang ang namamagitan sa mukha naming dalawa. Kaunting galaw na lang ay tuluyan nang magtatamaan ito.
Sinapo niya ang pisngi ko at bahagyang inanggulo ang mukha. Nanigas ako sa kandungan niya nang maramdaman kong dumikit na ang kanyang labi sa labi ko.
Gusto ko siyang itulak palayo sa akin, ngunit hindi ko magawa. Kumuyom ang mga kamao ko nang maisip na naman ang kapatid. At sa pagkakataong ito, pilit ko nang tinanggal ang takot sa dibdib ko. Kailangan ko itong gawin para sa bunsong kapatid.
We were in that position for seconds before he finally moved his lips. Mariin kong ipinikit ang mga mata at hinayaan siya sa ginagawa.
He bit my lips hard. Umawang ang bibig ko para dumaing sa sakit dahil sa ginawa niya. Sinamantala naman niya ang pagkakataon na ‘yon para pasukin ang kabuuan ng bibig ko. Dala ng pagkabigla sa ginawa niya ay mahigpit akong napakapit sa balikat niya.
Nang magsawa sa aking labi, bumaba ang mga halik niya patungo sa leeg ko. Parang may sariling utak ang katawan ko na tumingala ang ulo sa kisame ng silid para mabigyan ng daan ang labi niya.
“Sir...” I moaned when he bit my neck. And now, he’s sucking it hard! Hindi na ako magtataka kung mag-iiwan ng marka ang ginagawa niya sa akin ngayon.
“Khai… that’s my name,” usal niya nang saglit na tinigilan ang ginagawa, ngunit agad din ibinalik ang labi sa leeg ko.
Parang bigla akong nataranta nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakapulupot sa akin ng robang suot. Doon ko lang natantong tinanggal na pala niya ang pagkakatali nito. Bumagsak iyon sa sahig nang tuluyang mahubad sa akin. At ngayon, tanging ang lingerie na lang na suot ang natitira sa katawan ko.
Mariin akong napapikit nang maramdaman kong naglalakbay na ang kamay niya sa katawan ko. Sobra-sobra ang kabog sa dibdib ko sa tuwing mararamdaman ang bawat haplos niya. His warm touch was making me lose my sanity.
Bumuga ako nang malalim na hininga nang maramdaman kong bumagsak na ang likod ko sa malambot na kama. Puno ng kaba ang mga mata kong pinagmasdan siya sa ibabaw ko. Kita ko ang pag-igting ng panga niya. Bahagya namang magkasalubong ang kilay niya habang nakatitig sa akin.
Napigil ko ang sariling hininga nang mapansing bumababa na muli ang mukha niya sa akin, pero sa halip na sa labi ko dumeretso ay nagtungo siya sa bandang baywang ko. Mahigpit akong napakapit sa bedsheet ng kama nang maramdaman kong dinampian niya ng halik ang kanang bahagi ng baywang ko.
“I like your tattoo,” usal niya gamit ang malamig at tila namamaos na boses.
Sinilip ko siya sa ibaba ko at naabutang titig na titig siya sa tattoo na nasa baywang ko.
“Katie…” dahan-dahan niyang sambit. Iyon ang naka-tattoo sa katawan ko.
Wala ako sa sariling napalunok. Pakiramdam ko ay biglang nanuyot ang lalamunan ko. Kakaiba ang epekto sa akin nang banggitin niya ang pangalan ko. Para bang napakasarap nito sa pandinig. Gusto kong ulit-ulitin.
Saglit akong sinulyapan ng tingin ni Sir Khai bago muling dinampian ng halik ang tattoo ko. He even licked it!
Ibinaon ko ang likod ng ulo sa kama at mariing pumikit, dinadama ang sarap na dulot ng ginagawa niya sa akin. Ang kaba ko at takot kanina ay tila unti-unti nang nawawala at napapalitan na ng kakaibang emosyon na hindi ko maipaliwanag.
“Katie!”
Mabilis akong nagmulat ng mga mata nang marinig ko ang malakas na sigaw na ‘yon. Kasunod nito ay ang sunod-sunod na pagkalabog sa pintuan ng VIP room.
Dahil sa istorbong dumating ay tumigil si Sir Khai sa ginagawa at napunta ang atensiyon sa pintuan. Bumakas sa mukha niya ang iritasyon.
“I’ll fix this,” mabilis kong sabi at umalis sa ilalim niya. Dinampot ko muna ang roba sa sahig at sinuot ito bago tuluyang binuksan ang pinto.
Kumunot ang noo ko nang tumambad sa harapan ko si Lexi. Mas lalong nangunot ang noo ko nang hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinuli na niya ang pulso ko at sinimulan nang hatakin patungo kung saan.
“Saglit lang! Ano bang nangyayari? Saan mo ‘ko dadalhin?” sunod-sunod kong tanong habang sinusubukang kumawala mula sa hawak niya. Pero masyadong mahigpit ang hawak niya sa akin dahilan para mabigo akong makawala sa kanya.
“Huwag ka munang magreklamo! Nire-raid ang club ngayon kaya kailangan nating tumakas!” pasigaw niyang tugon na nagpalaki sa mga mata ko.
“Nire-raid tayo?” hindi ko makapaniwalang gagad sa sinabi niya.
Tumigil na siya sa paghila sa akin nang marating namin ang isang pintuan sa dulong bahagi ng club. Sa pagkakatanda ko ay pintuan ito patungo sa likod ng club kung saan kami puwedeng tumakas.
“Oo, kaya bilisan mo at baka mahuli tayo ng mga pulis!”
Dahil sa sinabi ng kaibigan ay ako na mismo ang nagbukas ng pintong nasa harapan namin. Nang makalabas ay nagmamadali kaming tumakbo ni Lexi patungo sa madilim na kalsada upang makalayo sa club.
Nang tumigil kami sa pagtakbo ng kaibigan ay pareho kaming hinihingal. Nagsisimula na rin akong lamigin dahil tanging ang lingerie at roba lang ang suot ko. Hindi ito sapat para proteksyunan ako mula sa malamig na gabi.
“Salamat,” hinihingal ko pa rin na sabi at binalingan ang kaibigan. Kung hindi niya ako pinuntahan sa VIP room ay malamang nandoon pa rin ako hanggang ngayon at baka nahuli na ng mga pulis.
“Buti na lang talaga ay nasabi sa akin kung anong room ka kaya napuntahan agad kita,” sabi ni Lexi na naghahabol pa rin ng hininga.
Inalis ko na ang tingin sa kaibigan at humugot ng sunod-sunod na hininga upang maikalma na ang sarili, pero nang may maalala ay natigilan ako sa kinatatayuan.
“Si Sir Khai, naiwan sa VIP room!” bulalas ko at mabilis na tumingin kay Lexi. Parehong nanlaki ang mga mata namin nang matanto ‘yon.