TANGING pagka-ilang lang ang nararamdaman ko habang kasama sa isang table si Khai at Kisses Suarez. Gaya ng sinabi ng binatang amo ko, isinama niya ako. Hindi ko naman magawang tumanggi lalo na't alam ko ang totoong dahilan kung bakit niya ito ginagawa. Sa mga oras na ito, parang shield niya ako. Ako ang gagamitin niyang panlaban sa dating nobya niya nang tigilan na siya nito. Napaayos ako ng upo nang makarinig ng tikhim. Nagmula 'yon kay Kisses. Nang magtama ang tingin namin, ngumiti siya. Pero hindi ako tanga para hindi makitang peke lang ito. Tila napipilitan lang. "Talaga bang dito lang siya sa harap natin habang magkausap tayo, Khai?" Baling nito sa lalaking nasa tabi ko. "Yeah," agad na tugon ni Khai. "Kisses, she's my girlfriend. Kaya kung ano man ang pag-usapan natin, gusto kon