MAYA'T maya ang lingon ko sa bukana ng bahay habang abala sa pagma-mop sa sahig. Halos kalahating oras na ang lumilipas simula nang pumasok ako sa loob ng bahay, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok si Khai. Ang buong akala ko ay susunod na rin siya, pero mukhang umalis pa yata. Kanina nang makarating, hindi ako nakatakas sa pang-uusisa ng tatlo. Nagtataka sila kung bakit bahagya akong natagalan sa restaurant ng amo namin. Ang alam lang kasi nila ay maghahatid lang ako ng naiwang gamit nito. Nagdahilan na lang akong inutusan pa ako ni Khai ng ibang bagay kaya natagalan. Alam ko kasing ang nangyari kanina ay hindi dapat na ipagkalat sa iba. Bumuntong hininga ako nang matantong balewala lang ang pagtingin ko sa bukana ng bahay. Inalis ko na sa isipan ang amo at ipinagpatuloy na l