HINDI na rin ako nagtagal sa hotel ni Mr. Hakenson. Bumiyahe na rin agad ako para magtungo naman sa restaurant ni Khai. At nang tuluyang makarating, saglit akong natulala sa harapan nito. Hindi ko inaasahan na ganito pala kaganda ang pagmamay-aring restaurant ni Khai. Masyado itong maganda at mukhang mamahalin. The exterior design of the restaurant was elegant. Kung hindi ako nagkakamali, ang pagkakadisenyo nito ay maihahantulad sa Western style na talaga nga namang umaangat ang pagiging elegante. Matapos ng ilang segundong pagtitig sa aking harapan ay inayos ko na ang sarili. I went to the entrance—a double-columned entrance portico. Pagkarating ko pa lang sa harapan ng malaking pinto ay sinalubong na ako ng isang empleyado. Magalang ako nitong binati bago pinagbuksan ng pinto. Nah