"MAMAYA ay dadating na ang mga bisita ni Sir Khai. Nalinis nyo na ba ang pool na siyang pagtatambayan nila?" naniniguradong tanong ni Manang Cecilia. Lahat kami ay mabilis na nagsitanguan bilang tugon sa kanya. "Mabuti naman. Sa ngayon, ipagpatuloy nyo lang ang ginagawa nyo habang wala pa ang mga bisita." "Opo." Nang umalis na sa harapan namin si Manang Cecilia ay nagkanya-kanyang balik na kami nina Lily, Sonya at Maya sa mga trabaho namin. Ngayong araw ay linggo. Mukhang gustong mag-relax ng binatang amo namin matapos ang nakaka-stress na buong linggo. Kaya naman kagabi pa lang ay sinabihan na nito kami na maghanda at linisin ang bahay para magmukhang presentable sa mga bisita. Ito ang dahilan kung bakit abala na agad kaming mga kasambahay kahit na umaga pa lang. "Makikita na naman