Chapter 7 - Accusation

2233 Words

"HUH?" Iyon agad ang lumabas sa bibig ko nang marinig ang sinabi niya. Ni hindi nga ako sigurado kung 'yon ba talaga ang narinig ko. "Huwag kang magpanggap na inosente," sabi niya nang galit pa rin. "Akala nyo, hindi ko malalaman?" "Ang alin?" "Ang relasyon nyo ng ama ko!" Kulang na lang yata ay malaglag ang panga ko sa lupa sa sobrang pagkakaawang nito. Nawiwindang ako sa mga naririnig kay Sir Khai. "I observed you these past few days. Unang kita ko pa lang kasi sa 'yo rito sa bahay ay ramdam kong may kakaiba," tumigil siya para ngumisi, "hindi nga ako nagkamali. Ngayon ay sigurado na akong babae ka nga ng ama ko." "Sir, nagkakamali ka," tanggi ko agad. Hindi ko malaman kung ano ang pumasok sa isipan niya para maisip ang imposibleng bagay na 'yon. "Hindi kita kokomprontahin kung hi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD