"SIR... Sir Khai," bulalas ko. Kung anong gulat sa mukha ko ay siya namang pagiging blangko lang ng mukha niya. "Ate?" Napakurap-kurap ako nang marinig ang boses ni Keeyana. Hanggang ngayon ay bakas pa rin ang pagkagulo sa kanya habang palipat-lipat na ang tingin sa akin at kay Khai. Sa halip na magpaliwanag sa kapatid para malinawan ito, ibinalik ko ang atensiyon sa amo. Mukhang nang iiwan ko siya kanina sa labas ay sumunod ulit siya sa akin. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit niya 'yon ginawa. "Are you not going to introduce me to her?" tanong ni Khai na tila mababakasan ng pagiging sarkasmo. Umawang ang bibig ko. Anong... anong kalokohan 'tong ginagawa niya? Napatitig na lang ako kay Khai nang tumingin siya kay Keeyana. Nabigla pa ako nang ngumiti siya sa kapatid ko. "Hi,