"UY, Katie!" Saglit akong napasulyap kay Lily na siyang tumabi sa akin. "Bakit?" tanong ko habang abala sa paghuhugas ng mga plato. Kakaalis lang ni Sir Gab kaya naman iniligpit ko na ang naging kalat nila ni Khai sa salas. "May chika ako sa 'yo!" Bumungisngis pa siya nang matapos na sabihin 'yon. Bahagyang tumamad ang mukha ko sa nalaman. "Ano?" tanong ko at hindi ipinakita ang kawalan ng interes sa sinabi niya. "Sa tingin ko, may gusto sa 'yo si Sir Gab." Natigilan ko ang ginagawa. At sa pagkakataong ito, nakuha na niya ang buong interes ko. Nakakunot ang noo ko nang ituon ang atensiyon sa kanya. "Ha?" tanging nasabi ko. "Ang sabi ko, sa tingin ko ay may gusto sa 'yo si Sir Gab." Natanga ako sa harapan niya at hindi malaman ang magiging reaksiyon sa narinig. "Ano bang pinags