16

1132 Words
Chapter 16 3rd Person's POV "Ano— nakikipagkilala lang siya," ani ng babae na nagngangalan na Syra matapos makita na may ga estudyanteng napapadaan. Feel na feel ng dalaga ang atensyon. "Nakikipagkilala? Dude, hindi ka yata marunong kumilala ng taong kakagatin mo sa paa. Girlfrie—" "Kung tapos na kayo aalis na ako. Tama na siguro ang halos 2 minutes kong pakikinig sa inyong dalawa," bored na sagot ni Apollo bago tumalikod. Napahiya ang pinakaleader ng varsity team kaya agad ito pinalibutan ng mga kasamahan nitong lalaki at ngumisi. "Hindi mo ba kami kilala? Ha?" Hindi gumalaw si Apollo nang itulak siya ng isa sa mga lalaking humarang sa kanya. "Oy mga pre. Mukhang nagkakasiyahan kayo diyan. Baka gusto niyo kami isali." Napatingin ang lahat sa apat na lalaki na bumaba ng hagdan. Ngumisi si Elliseo matapos makita si Apollo na hindi 'man lang tinapunan ng tingin. "Akala ko ba Apollo may date ka? Ano pang ginagawa mo dito?" "Masyadong madaming langaw at basura na nakakalat sa daan. Hindi ako makaalis," ani ni Apollo na kinangiwi nina Jaxon. Mukhang napikon ang mga kaharap kaya babantan nito si Apollo nang bigla na lang ito bumagsak. "Bullseye!" natatawa na sambit ni Jaxon bago lumingon. Nakita nila si Grim na walang emosyong nakatingin sa mga lalaki. Dito din nanggaling ang librong tumama sa mukha ng lalaking susuntok kay Apollo na agad nag-panic matapos dumugo ang ilong nito dahil sa pagbato ni Grim ng libro. "Hindi kasing haba ng pasensya ng taong kaharap niyo ang pasensya ko kaya kung hindi kayo aalis ngayon sa daanan ko. Pare-pareho kayong gagapang palabas ng building," malamig na sambit ni Grim. "Uh oh! Mukhang wala sa mood ngayon si Vergara," ani ni Elliseo na natatawa. "Babe, hayaan mo na sila, tara na." Hinila-hila ni Syra ang braso ng kasintahan bago tiningnan ang grupo ng TK na hindi 'man lang siya tinapunan ng tingin. "Hindi pa tayo tapos," may diin na sambit ng binata. Hinawakan ng binata ang kamay ng girlfriend niya at saktong pagharap ng mga ito ang pagdating nina Chloe at Wax na naghihilahan. "Bilisan mo na! Siguradong nandito sila ngayon. I feel it!" "Gaga ka! Baka busy—" Napatigil ang dalawa matapos makita ang mga taong nasa harapan nila. "W-Wax," ani ng isa sa mga binata. Nanlaki din ang mata ng babaeng nagngangalan na Syra matapos makita si Wax. Agad naman nakabawi si Wax at ngumiti. Humakbang ang lalaki pero hindi patungo sa direksyon nila. Nilampasan sila ni Wax dahilan para sundan siya ng tinging ng buong varsity team. "Kyaah! Ayon sila! Sabi sa iyo nandito sila," ani ni Chloe na hinila-hila si Wax. Nandoon pa din ang pag-aalala ni Chloe pero ng makitang hindi affected si Wax medyo nabawasan iyon lalo na at nasa harap nila si Apollo. "Wax, papunta na sana ako sa classroom niyo," ani ni Apollo na kinatawa ni Wax. "Alam ko kaya kami na pumunta dito. Galing kaming cafeteria tapos alam kong galing ka sa pagbubuhat ng props niyo kaya nagdala na din ako ng tubig," ani ni Wax bago inabot kay Apollo ang hawak niyang bottled water. "Wax," Napalingon si Wax nang may taong humawak sa braso niya. "Hindi mo na ba ako naalala? Ako si Lan—" "f**k!" napamura ang lalaki nang pilipitin ni Apollo ang kamay ng lalaki. Madilim ang mukha ni Apollo na kinagulat ng mga humarang kanina kay Apollo. Hindi nila iyon nakita sa expression ng binata matapos nila ito harangan kanina. Nag-panic si Syra at pinigilan si Apollo. Nagkukulay violet ma ang braso ng lalaki kaya agad na ito pinigilan ni Wax na nagulat din sa nangyari. "Apollo tama na," ani ni Wax nang makita na palapit ang mga kasamahan ng binata. Binitawan ni Apollo ang lalaki matapos hawakan ni Wax ang kamay ni Apollo para kumalma. "Ayan, mga feeling kasi. Isang mangaagaw at feeling gwapo," ani ni Chloe na may pagkadisgusto sa mukha. "Ikaw!" ani ni Syra na susugurin si Chloe. Humarang si Wax at masamang tiningnan si Syra. "Kung ayaw niyo ng gulo. Lubayan niyo kami ni Chloe at ikaw Syra tigilan mo ang kakatihan mo at matuto kang makuntento. Sabihin mo din diyan sa boyfriend mo huwag niya ako biglang hahawakan. Hindi kami close," asik ni Wax bago hinawakan si Chloe. Tumalikod si Wax at nilapitan si Apollo. Bakas sa mukha ni Apollo ang pagkairita. Nagpakita naman ng hindi maintindihan na expression si Wax na mas kinainis ng binata. Nagpaalam ang TK kay Apollo at sinabing may 3 minutes na lang siya para makarating sa meeting room. Dinala sa clinic ang captain ng varsity team at hindi 'man lang ito nilingon ni Wax. Nilingon ni Syra si Wax na kasalukuyang kaharap si Apollo na kinagitgit ng dalaga. "Pupunta na ako sa meeting room. Bumalik na kayo sa classroom niyo, kita na lang tayo mamayang uwian," ani ni Apollo matapos tumalikod at naglakad palayo. Hinawakan ni Chloe ang kamay ni Wax na kasalukuyang nakayukom. "Bakit ba kasi kailangan ko pa sila makita? Ang laki-laki ng mundo bakit ba dito pa sila tinangay ng masamang hangin," may inis ns sambit ni Wax. "Affected ka pa din ba?" tanong ni Chloe na may pag-aalala. "Hindi ko alam pero kumukulo talaga ang dugo ko kapag nakikita sila," ani ni Wax na may pagkadisgusto sa mukha. — Wala sa mood si Apollo buong meeting kaya talagang mabigat ang naging atmosphere sa loob ng office. Limang band group silang nasa opisina pero katulad ng offer ng director. Tutugtog sina Apollo para sa openning at sila din ang huling magpe-perform. Matapos ang meeting lumabas ang TK sa opisina. Agad sila umalis sa palapag na iyon at sinundan si Apollo na patungo pabalik sa classroom nila. "Himala leader, hindi ka pupunta kina Wax?" ani ni Keehan matapos makita na ang direksyon na tinatahak ni Apollo ay pabalik sa classroom nila. This past few months and days kapag may vacant subject or vacant time ang leader nila hindi nila ito nakikita sa classroom kaya isa ng malaking himala kung magbabalak ito manatili pa doon ng tatlong minuto. Hindi sumagot si Apollo kaya inakbayan ito ni Elliseo na natatawa. "Leader, kung ako sa iyo pupuntahan ko si Wax dahil baka sa mga oras na ito ginugulo na iyon ng mukhang bisugo na nakabanggan natin kanina. Wala sa TK ang talunan pagdating sa pag-ibig," ani ni Elliseo habang hawak ang dibdib. "Nakakasuka lalo na kung nanggaling iyon sa playboy na katulad mo Elli boy," ani ni Jaxon na nakangiwi. Dahil doon kinutusan siya ni Elliseo at napabitaw kay Apollo. "Apoll—" Naputol ang sasabihin ni Elliseo matapos makita na nawala na si Apollo. Nilampasan nina Grim si Elliseo na ginagala ang paningin sa paligid matapos mawala ni Apollo. "Nasaan na si Apollo? Biglang nawala," tanong ni Elliseo bago hinabol sina Grim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD