17

1190 Words
Chapter 17 3rd Person's POV Patungo si Apollo sa classroom ni Wax nang saktong pagtapak niya sa huling baitang ng hagdan ang pagsalubong ni Wax. Naitago ng binata ang hawak na lalagyan sa likod ng makita si Apollo. "Apollo, pinabibigay ni Wax!" biglang sulpot ni Chloe sa likuran ni Wax at kinuha ang lalagyan. "Chloe!" ani ni Wax na may namumulang mukha. "Kaninang umaga pa ito sa iyo hindi mo pa naibibigay paano ito makakain ni Apollo kung itatago mo," ani ni Chloe na agad binigay kay Apollo. Tiningnan iyon ng binata bago tingnan si Wax na hindi makatingin sa binata. "Para sa akin ito?" tanong ni Apollo. Nahihiyang tumango si Wax na kinangiti ng binata. Bubuksan iyon ni Apollo nang bigla siyang pigilan ni Wax. "H-Huwag dito. Nakakahiya ang daming nakatingin," nahihiya na sambit ni Wax. Hindi kasi iyon ng tipo na dapat ipalandakan kung kakainin lalo na kung lalaki ang pinagbigyan iyon ni Wax. Hindi iyon pinansin ni Apollo at binuksan ang lalagyan. Humagikhik si Chloe matapos makita ang mga design na ginawa ni Wax sa pagkain. Mga bulaklak na gawa sa orange, bunny na gawa sa apple, sandwitch at ilang grapes na ginawan niya din ng disensyo ng bulaklak. "Parang ayoko na tuloy kainin," ani ni Apollo na may seryosong expression. Kukuhanin iyon ng binata nang bigla iyon iangat ni Apollo. "Hindi ka ba magagalit kung idi-display ko ito sa kwarto ko?" tanong ni Apollo na may hindi maintindihan na expression. "Ha? Loko ka ba? Hindi mo pwedeng i-display iyan— hindi sinasayang ang pagkain," hindi makapaniwala na sambit ni Wax. Binaba ni Wax ang kamay niya na kina-pokerface ni Apollo. "Masyadong cute hmm," ani ni Apollo. Tinititigan ni Wax si Apollo hanggang sa pumasok ang first ex niya which is si Lance. Flashback "Ano ako babae? Ano itong mga ito?" gusot ang mukha na sambit ni Lance. Pinagtawanan kasi siya ng mga barkada nito matapos siya dalhan ni Wax ng lunch box. "A-Akala ko kasi magugustuhan mo," ani ni Wax. Buong gabi iyon ginawa ni Wax at nilagay niya lahat ng effort doon para matuwa si Lance sa unang anniversary nila. Ngumit imbis i-appreciate iyon ng binata binigay lang ito sa kanya pabalik at sinabing hindi iyon kakainin. End of the flashback "Teka kuhanan na lang natin ng litrato Apollo!" excited na sambit ni Chloe. Lumapit naman ai Chloe hawak ang camera niya at kinuhanan ng litrato ang ginawa ni Wax. Pinagtitinginan sina Chloe at Apollo sa hallway kaya hindi maiwasan ni Wax mahiya lalo na at hawak ni Apollo iyong pagkain na binigay niya. "Send mo ulit sa akin iyan mamaya," ani ni Apollo. Napangiwi si Wax at sgad pinaghiwalay ang dalawa. "Gosh, nakakahiya. Pumasok nga muna tayo sa classroom. Ikaw Apollo, akin na muna iyan— nakakahiya kung dadalh—" "Binigay mo na ito sa akin kaya wala ng bawian," ani ni Apollo na pinipigilang matawa dahil pilit na kinukuha ni Wax ang pagkain. Dahil doble ang tangkad niya sa binata hindi iyon makuha ni Wax. "Apollo! Huwag ka ngang mang-asar. Don't tell me ipalalandakan mo iyang pink na lalagyan habang naglalakad tayo pabalik ng classroom," ani ni Wax. Tiningnan siya ni Apollo na parang nagtataka. Tiningnan ni Apollo ang lalagyan at ngumiti. "Pumasok nga ako sa school na nakapink na jacket at yellow na green na t-shirt diba. Magdala pa kayo ng ganito?" tanong ni Apollo matapos ipakita ang lunch box. Umiwas ng tingin ni Wax na para bang may hindi ito nagustuhan sa sinabi ni Apollo. "Naku! Mabuti pa bumalik na tayo ng classroom! Kainin mo na iyan Apollo, kaninang umaga pa ang mga pagkain na 'yan baka hindi na din maganda sa panlasa," basag ni Chloe sa mabigat na atmosphere. Pumasok sina Apollo sa classroom. Humila ng upuan ang binata at agad kumuha ng pagkain sa lalagyan. Kumagat agad ang binata. Kumuha naman si Chloe ng ubas sa lalagyan. Nailuwa nito ang sinubo na ubas ng mag-iba nga ang lasa 'non. "Anong nangyari?" tanong ni Wax kay Chloe na agad uminom ng tubig. "Iba na ang lasa 'nong pagkain," ani ni Chloe na nakangiwi— agad kinuha ni Wax ang lalagyan at kinuha ang sandwitch na kinagatan ni Apollo. "Hindi na maganda ang lasa, tapon na natin ito," ani ni Wax. Kumunot ang noo ni Apollo at sinubukan kuhanin ang lalagyan. "Pinahirapan mo it—" "Baka ma-food poison ka pa!" asik ni Wax na nilalayo ang lalagyan. "Okay pa naman ang lasa at masama nagtatapon ng pagkain diba?" "Gusto mo na ba mamatay? Hindi na maganda iyong sandwitch. Na-stock na sa lalagyan," may pagkadisgusto sa mukha ni Wax. Agad nagbago ang expression ng binata matapos makita ang lungkot at pagpapaawa sa mukha ni Apollo. "Gosh! Kaloka ka! Simpleng sandwitch lang ito." "Pero gawa mo iyan," sagot ni Apollo. Tinakpan ni Chloe ang bibig matapos makita na parang bata si Apollo na nakasimangot. "Then gagawan kita bukas ng umaga. Ako gagawa ng breakfast mo tapos ikaw gagawa ng lunch ko, how about that?" tanong ni Wax habang nakatago sa likod ang lalagyan. "Okay! Ahm, iyong sandwit—" "No, itatapon ko na ito," putol ni Wax nang ituro ni Apollo ang hawak niya. Sinamahan ni Apollo sa cafeteria sina Wax. Nagpaalam din ito matapos siya tawagin ng isa sa miyembro ng TK at sinabing kakausapin sila ng prof nila. Nakatingin lang si Wax kay Apollo na sa isang iglap nagbago ang expression matapos lumapit sa barkada nito. Lumingon ulit si Apollo. Ngumiti si Apollo kay Wax at kumaway bago naglakad ito patungo sa building nila kasunod ang kaibigan. "Prenny, ngayon nagbalik na ang dalawang higad at manloloko ng buhay mo. Don't tell me papaapekto ka pa din. Nandiyan na si Apollo, bukod sa nag-uumapaw ang kagwapuhan, mayaman at madaming talento sobrang caring pa at head over heels sa iyo," ani ni Chloe habang hinihila-hila ang braso ni Wax habang naglalakad sila pabalik sa building nila. "The more na naiisip ko ang mga bagay na 'yan mas lalo akong natatakot." "Sa dami ng nangyari sa buhay ko at sa dami ng tao na nakaharap ko alam ko na kung paano nagbabago at kung paano mabilis na umiikot ang mga pangyayari." "Wala akong kahit na ano, Chloe. Anong panghahawakan ko kung sakali na magpasya din si Apollo umalis in future? Si Lance nga diba may reason kung bakit siya nanatili sa tabi ko, kaya kami tumagal kahit hindi niya ako mahal dahil kailangan niya ng pera ko," bulong ni Wax na kinatingin ni Chloe. "Kung hindi dumating si Syra na minahal ni Lance. Siguro hindi maglalakas ng loob si Lance na iwan ako dahil mayaman ako," bulong ni Wax na may pait sa boses. "Pero si Apollo, wala siyang masabi sa akin kapag tinatanong ko siya kung bakit niya ako nagustuhan. Anong meron sa akin?" "Feeling ko nasu-suffocate ako tuwing titingnan niya ako sa mata at sinasabi niyang hindi niya alam," ani ni Wax. Umupo sila sa bench na nasa field. Hinawakan ni Chloe ang kamay ni Wax at ngumiti. "In love ka na ba kay Apollo?" tanong ni Chloe. Iniyukom ni Wax ang kamao at yumuko. "Naguguluhan ako," ani ni Wax.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD