15

1094 Words
Chapter 15 3rd Person's POV "Wax," tawag ni Apollo nang pagtungtong niya pa lang ng classroom. Tinawag na nito si Wax na kasalukuyang may sinusulat sa notebook. "May ginagawa ka ba?" tanong ni Apollo. Sinara ni Wax ang notebook at tiningnan ang binata. "Hindi pa tapos ang klase. Bakit nandito ka?" tanong ni Wax. Katatapos lang kasi ng second subject nila at hindi pa break time. Sigurado naman na 'ganon din ang schedule ng klase ni Apollo. Pawisan si Apollo na lumapit kay Wax habang may dalang paper bag. Nakalugay din ang mahaba nitong buhok at tanging sando na itim lang ang suot. Kung hindi pa immune si Wax sa appearance nito araw-araw bago katulad ng mga babae sa paligid nila nag-nosebleed na din siya. "Teka bakit ganiyan ang itsyura mo?" tanong ni Wax bago tumayo. Kinuha nito ang paper bag na inaabot ni Apollo. Siguradong lunch na naman iyon pero hindi katulad ng dati tinapon ito. Masarap magluto si Apollo kaya matapos niya ito matikman talagang hinihintay niya ito mula sa binata at hindi kumakain ng kahit na ano. "Nagmamadali kasi kami sa paggawa ng booths mainit sa labas kaya pawis na pawis ako. Hindi na ako magtatagal at baka hindi din ko makapunta mamayang lunch kasi may meeting kami para sa ipe-perform namin sa holloween," paalam ni Apollo. Aalis na ito nang tawagin siya ni Wax. Huminto ang binata at agad lumapit kay Wax. May tinanggal na panali si Wax sa wrist niya at inabot iyon kay Apollo. "Mag-ipit ka, masyado ng mahaba ang buhok mo," ani ni Wax. Napangiti si Apollo at kinuha iyon. "Okay, sisilip na pala ako mamayang lunch. Pupunta ako dito," ani ni Apollo. Bago makapagsalita si Wax nakatakbo na ito na kinatawa ng mahina ng binata. Sa mga lumipas na araw masasabi na ni Wax na immune na siya sa habit ni Apollo. Para kasing naging part na din ng daily life ni Wax ang pagsalubong ni Apollo sa kanya at pagbibigay ng lunch box. Sa mga pagkakataon na iyon kahit isang beses hindi na-open ni Apollo ang relationship nilang dalawa. Pareho lang silang go to the flow at walang pini-preassure na kahit na ano. Nang dumating si Chloe nagtaka si Wax matapos makita na nakabusangot ang kaibigan. "Anong nangyari?" tanong ni Wax nang makita na umupo si Chloe sa sariling upuan at sumubsob. "Simula na kasi ang training ni Ken. Nalulungkot ako kasi bihira ko na lang siya makikita sa mga susunod na araw," ani ni Chloe na kinatakha ni Wax. "Nasaan ba si Ken?" tanong ni Wax. "Nasa gymn," sagot ni Chloe. Ngumiwi si Wax at umupo dati niyang upuan. "Eh bakit hindi mo puntahan? Gusto mo samahan kita?" tanong ni Wax na kinaupo ni Chloe. Umiling ang dalaga at kinaway ang kamay. "No! I mean hindi na kailangan. Hehe madi-distract lang si Ken kung nandoon ako panigurado," ani ni Chloe na kinatakhan ni Wax. Kasali si Ken sa isang varsity team sa university nila. Kapag may laro ito lagi silang nanonood ni Chloe kaya nagtatakha si Wax bakit biglang uma-acting ng 'ganon ang kaibigan. — Tinali ni Apollo ang lahat ng buhok niya. Pinunasan din nito ang sarili gamit ang suot na damit matapos niya takbuhin ang building nina Wax galing sa building nila pabalik. Hindi pinansin ni Apollo ang mga babaeng sinusubukan siya lapitan at bigyan ng tubig. Kinuha nito ang isa sa mga kahon na nasa labas ng building nila na naglalaman ng mga propos at iniangat. Apat na kahon agad ang binuhat niya dahil magaan lang naman ang iyon para sa kanya. Papasok na siya sa building nila at aakyat ng hagdan para dalhin sa classroom nila nang may bumagga galing sa kanya. Nahulog ang mga kahon at nagkalat ang mga laman 'non sa sahig. "Sorry! Hindi kita nakita!" ani ng magandang babae. Natulala pa ito matapos makita si Apollo na lumuhod at walang imik na dinampot ang mga props. "Tutulungan na kita!" ani ng babae bago lumuhod at inisa-isang ilagay sa kahon ang mga nahulog na props. Hindi 'man lang inangat ni Apollo ang tingin at basta na lang nito inayos ang mga kahon. "Sorry, hindi kita nakita. Hindi ko sinasady—" "Nagmamadali ako. Kung wala ka ng sasabihin, tumabi kana," malamig na sambit ni Apollo matapos siya tingnan ni Apollo. Hindi 'man lang nagbago ang expression nito matapos siya makita. Nilampasan siya ng binata na kinatingim ng dalaga. Marami sa estudyanteng lalaki ang nababali ang leeg katitingin sa kanya kaya hindi siya makapaniwala na makakatagpo siya ng lalaking hindi 'man lang nagbago ang expression matapos siya makita. Hindi maiwasan ng dalaga na manghinayang lalo na at napakagwapo ng nakita niya na lalaki kahit siya sandaling natulala matapos makita ang binata. "Ano kayang pangalan niya?" bulong ng dalaga habang nakatingin sa hagdan. — Matapos magbuhat nina Apollo ng props. Nag-shower agad ang mga ito dahil sa pawisan sila at naiinitan. Naunang natapos si Apollo na tanging gray t-shirt lang ang suot at jeans. Inaayos nito ang sarili ng lumabas na din si Grim. "Kung pupuntahan mo si Wax bumalik ka agad may meeting pa tayo," ani Grim nang makit na nagmamadali si Apollo. "Mauna na kayo sa Student council office." Lumabas agad si Apollo ng locker room at tinungo ang daan palabas ng building. Nasa bulsa nito anv phone nang tumunog iyon. Agad na binuksan ni Apollo ang phone matapos na text message iyon galing kay Chloe na kaibigan ni Wax. Tumaas ang gilid ng labi ni Apollo matapos makita na litrato iyon ni Wax na kinakain ang binigay niyang lunch box. Agad iyon di-nown-load ni Apollo. Sinend niya sa gallery niya. Nang makalabas siya sa building nila napatigil si Apollo nang may babae na humarang sa kanya. "Ikaw iyong guy kanina. Gusto ko lang mag-sorry. Mukhang nainis ka dahil sa nabangga kita," ani ng babae na kina-pokerface ni Apollo. "Don't mind it dahil wala naman akong pake," sagot ni Apollo. Hindi makapaniwala ang dalaga ng sabihin iyon ni Apollo sa kanya. "Teka, ganyan ka ba talaga makipag-usap sa babae?" tanong ng babae matapos habulin si Apollo. "Humihingi na ako ng sorry," ani ng dalaga. Naiinis na si Apollo dahil hindi niya alam kung ano ba ang motibo sa kanya ng babae. Hindi naman big deal iyon. Naiinis talaga ang binata sa mga babaeng katulad ng dalaga. Maya-maya may dumating na mga lalaki. "Syra," ani ng binata na kasalukuyang kunot ang noo na lumapit sa dalaga na kaharap si Apollo. "Anong nangyayari? Ginugulo ka ba ng lokong ito?" tanong ng binata matapos ituro si Apollo na napa-pokerface na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD