Chapter 18
3rd Person's POV
"Prenny, ito tatandaan mo," ani ni Chloe bago bahagyang pinisil ang kamay ni Wax na kinatingin ng binata.
"Hindi mo malalaman ang mali o tama sa desisyon mong gagawin sa buhay kung hindi mo susubukan ang isang bagay na gusto mo. Halimbawa, kung hindi mo sasagutin si Apollo hindi mo malalaman kung kayo nga bang dalawa o siya na ba ang perfect guy."
"Ayoko masaktan, ayoko ng ipagpalit or maiwan," ani ni Wax. Hinilig ni Wax ang ulo sa balikat ni Chloe na kinalungkot ng dalaga.
"Pero handa ka din ba kapag nagdesisyon na si Apollo na sukuan ka at iwan?" tanong ni Chloe. Napahawak ng mahigpit si Wax sa kamay ni Chloe ng mahigpit.
"Sa isang relasyon hindi mahalaga kung anong result, sino ang nagkamali, sino ang nagkulang o sinong unang nang-iwan. Ang mahalaga doon kung paano mo pinahalagahan ang mga ala-ala na iyon at kung paano mo nagawang tanggapin kung hindi 'man naging maganda ang kinalabasan," ani ni Chloe bago ngumiti at humarap sa binata.
"Kapag ready ka na tanggapin ang ala-ala pangit 'man iyon o maganda mag-promise ka na gagawin mo na lahat para maging masaya ka okay? Wala ng sad memories at hindi ka na babalik sa kupal na iyon," ani ni Chloe na kinatawa ng binata.
"Ano na lang ang gagawin ko, prenny kapag wala ka."
Kinabukasan, nakaupo si Chloe sa bench habang si Wax naman ay nakatayo sa harap ng dalaga. Tapos na ang klase pero hindi pa din umuuwi ang dalawa dahil ayaw ni Chloe umuwi.
"Talaga bang hihintayin mo si Ken dito? Pagabi na mamaya pa tapos ng practice nila."
"Almost 2 days ko na siya hindi nakikita! Huhu I missed my boyfriend," parang bata na sambit ni Chloe na kinangiwi ni Wax.
"Then sasamahan kita, masyadong delikado dito kapag gabi," ani ni Wax. Niyakap ni Chloe sa braso si Wax at tahimik na naghintay doon.
Maya-maya— nalatigil sina Wax nang may bulto na papalapit sa kanila. Then nakita nila si Apollo na hinahabol ang hininga na lumapit sa dalawa.
"Gabing-gabi na ano pang ginagawa niyo dito?" tanong ni Apollo. Naka-simpleng cargo short lang ang binata at white t-shirt.
Sa pagkakaalala ng dalawa nauna na ito umuwi dahil may work ito at hinihintay nina Wax si Ken.
"Akala ko umuwi kana— bakit ka bumalik?" nagtataka na tanong ni Wax. Napa-pokerface si Apollo at tinaas ang phone niya.
"Anong oras na nasa school pa kayo," ani ni Apollo bago umupo sa bench hindi kalayuan sa dalawa.
"Eh? Maghihintay ka din?" tanong ni Wax bago tingnan si Chloe na pinipigilan mapangiti at tumikhim.
"Hindi ko kayo pwede iwan ditong dalawa," sagot ni Apollo. Masyado ng madilim sa pwesto nila at tanging poste na lang ng ilaw sa field ang nagbibigay ilaw sa kinauupuan nila.
Napalingon sina Chloe sa building na nasa likuran nila ng makarinig doon ng ingay. Tumayo sina Wax at lumapit kay Apollo na napatingin. Sumiksik kasi sa kanya si Wax katabi si Chloe.
Lilingon-lingon ang mga ito at parang bata na magkayakap.
"Wala naman multo dito diba," tanong ni Chloe. Mahinang natawa si Apollo matapos makita ang takot sa mukha ng dalawa.
Maya-maya dumating si Ken n tumatakbo. Agad ito niyakap ni Chloe na mabilis na sinalubong ang boyfriend.
"Ang tigas ng ulo mo sabi ko sa iyo umuwi kana," ani ni Ken na nakataas ang kamay. Pwede kasi yumakap sa kanya si Chloe pero hindi niya pwede ito yakapin out of respect sa babae.
"Namis kita, halos 2 days na kita hindi nakakausap."
"Pero delikado sa babaeng tulad mo ang magpagala-gala dito ng gabi."
"Nandito naman si Wax at Apollo sinamahan nila ako," ani ni Chloe bago ituro ang dalawa na nasa likuran niya. Kumway si Wax na kinalambot ng expression ni Ken.
"Salamat guys, akala ko talaga mag-isa lang si Chloe dito kinabahan tuloy ako," ani ni Ken bago hawakan ang kamay ni Chloe.
"Prenny ko si Chloe hindi ko siya hahayaan dito mag-isa noh," sagot ni Wax.
"Kyaah! Prenny kilig ako! I love you prenny! Mwaps!" Nailing si Ken at Apollo nang magyakap ang dalawa.
Agad din nagpaalam sina Ken at Chloe. Ihahatid ni Ken si Chloe niyaya din ni Chloe si Wax na sumabay na pero tumanggi ang binata dahil time na nila ni Ken iyon at may susundo sa kanya.
"Hatid na kita sa parking lot tara," ani ni Apollo bago nakapamulsahan na humakbang. Hinabol siya ni Wax at tiningnan ang binata.
"Hindi pa dumadating ang driver ko, ayos lang ba na hintayin mo muna makarating driver ko bago ka umuwi? Nakakatakot—"
"Hindi ba halatang pumunta ako dito para samahan ka? Hindi mo na kailangan sabihin iyan dahil hindi kita iiwan dito," sagot ni Apollo. Bahagyang namula ang pisngi ni Wax dahil doon.
Hindi alam ng binata pero sa konting concern at pag-alala nito sa kanya kinikilig na siya. Tumayo sila sa labas ng gate dahil sa bahagi na lang naman na iyon ng parking lot ang may ilaw.
"Apollo, hindi ka ba naiinip?"
"Naiinip saan? Ngayon?" tanong ni Apollo bago tingman si Wax na nakasandal sa gate.
"Maghintay sa akin. Paano kung hindi kita sagutin? Magiging mabait ka pa din ba sa akin?" tanong ni Wax bago iangat ang tingin at tingnan si Apollo.
"Hindi ako susuko ako, Wax kung iyan ang iniisip mo. Hangga't hindi ka pa kinakasal patuloy pa din kita susuyuin at susundan. Wala akong pakialam kung umabot pa tayo ng ilang tataon."
"Hihintayin kita," ani ni Apollo. Magsasalita si Wax nang makarinig sila ng busina ng sasakyan. Dumating na ang sundo ni Wax kaya agad ng nagpaalam ang binata.
"Pumasok kana, Wax. Ingat ka," ani ni Apollo. Ngumiti lang din si Wax at nagpaalam. Binuksan na ni Wax ang pintuan ng kotse at pumasok.
Nang umandar na ako kotse at nawala sa paningin ni Apollo. Nagbago ulit ang expression nito at bahagyang tumingala sa langit.
"Wala na akong oras," bulong ni Apollo bago tumingin ulit sa direksyon kung saan dumaan ang sasakyan ni Wax.
"Apollo, balak mo na naman ba ulit sirain ang pangako mo kay Wax?"
Napalingon ang binata sa loob ng gate nang may lalaking nakapamulsahan na lumapit sa pwesto niya.
"Wala akong sinisirang pangako," bulong ni Apollo. Bago walang emosyon na sinalubong ng tingin si Grim Vergara,
"Bumalik ako and this time— makukuha ko na ang bagay na gusto ko."
"Masyado kang makasarili, Apollo. Balak mo ba talagang sirain ang buhay ni Wax dahil sa pagiging selfish mo," ani ni Grim na kinataas ng gilid ng labi ni Apollo.
"Kung masira lahat dahil sa desisyon na gagawin ko, handa na ako sa lahat ng consequence. Hindi ko na hahayaan na mawala ulit si Wax sa akin sa pangalawang pagkakataon."