09

1017 Words
Chapter 9 3rd Person's POV "Ah! Tama 'nong first time namin magkita 'non tapos nalaman niya na anak ako ng kaaway ng family niya. Muntikan niya na ako ihulog sa rooftop dahil ayaw ko makipagkaibigan sa kanya," ani ni Elliseo na sinegundahan ni Jaxon. "Balak ko magpasa 'non ng requirements para pumasok sa club ng mga student council then kinaladkad ako ni Apollo. Tuturuan niya daw ako mag-drum," ani ni Jaxon na kinangiwi ni Keehan kasi nabitbit din siya 'nong mga time na iyon. "Ahm, I think— kailangan mo talaga siya turuan Chloe," ani ni Ken na tinatapik-tapik ang balikat ni Chloe na alanganing tumatawa. "Turuan muna siguro natin siya makipag-usap ng tama at makiusap like gumamit ng please," ani ni Chloe na nagkakamot sa ulo. "Then goodluck guys. Invite niyo din kami minsan sa practice niyo ah." "Kapag naging effective willing kami magbayad kahit magkano— i-trained niyo din iyong lalaki na nasa uhahan," ani ni Elliseo na ang tinutukoy ay si Grim na busy sa pagkain ng chip. "Mukha ba tayong doctor sa rehabilitation center?" bulong ni Ken dahilan para sikuhin siya ng mahina ni Chloe sa tiyan. — Nakatayo lang si Apollo sa labas ng pintuan ng classroom ni Wax. Pasilip-silip ito sa loob at ng makita na wala doon si Wax— tiningnan ni Apollo ang dalang chocolate. Ordinaryong chocolate lang iyon pero gusto niya ulit ibigay kay Wax. "Hindi pa ba simula ang klase mo at nandito ka?" Napalingon si Apollo at doon nakita niya si Wax. May dala itong junkfoods at inumin sa likod nito si Chloe na hinihila-hila si Ken dahil sa kilig. "Ahm, dinalhan kita ng chocolate," ani ni Apollo. Napatingin si Wax sa hawak ni Apollo na chocolate. "Hindi ko maabot iyan— punong-puno mga kamay ko," ani ni Wax. Kinuha ni Apollo ang mga hawak ni Wax na kinatigil nina Ken. Ayaw kasi ni Wax na hinahawakan ang pagkain niya or may kukuha 'non para tulungan siya. Hindi nag-react si Wax at kinuha ang chocolate na hawak ni Apollo. Pumasok ito sa loob na sinundan nina Chloe. Nag-gesture sina Chloe na pumsok ang binata. May ngiti naman na pumasok si Apollo at binaba ang mga pagkain na hawak ni Wax kanina lang. "Upo, bakit ka nakatayo diyan. Kung gusto mo kumuha ka din— binigyan mo naman ako ng chocolate," ani ni Wax na nginangata ang chocolate na binigay ni Apollo. Humila si Apollo ng upuan. Katulad nina Ken inikot din nito ang upuan paharap sa side ni Wax at kumuha din ng pagkain. Tahimik lang sila kaya binasag iyon ni Chloe. Ayaw niya ng 'ganon na atmosphere at halata ang awkward sa dalawang lalaki. "Diba malapit na ang holloween? Next month na iyon siguradong i-invite kayo ng school staff para mag-perform anong plano niyo Apollo?" tanong ni Chloe kay Apollo. "Hindi tinanggap ng grupo," sagot ni Apollo na kinatingin ni Wax. "Bakit?" tanong ni Wax kay Apollo na kinatingin ng binata. "Gusto mo ba mag-perform kami? Pwede ako pumunta sa office para tanggapin ang offer." Napangiwi si Wax at kinaway ang dalawang kamay para sabihin na hindi. "Isa kasi si Wax sa coordinator ng mga event. Ang alam ko ang team namin ang mag-aasikaso sa mga performer sa araw na iyon." "Then kakausapin ko mamaya ang director para sabihin na magpe-perform kami for openning." "Hindi niyo kailangan gawin iyon. Sigurado naman may reason kung bakit ayaw niyo mag-perform," sagot ni Wax na busy sa pagbukas ng junkfood na hawak niya. "Actually, kaya hindi kami pumayag dahil gusto kita i-date ng araw na iyon. Madaming magandang booth para sa araw na iyon," ani ni Apollo na kinaubo ni Wax. Napanganga din sina Chloe af Ken dahil sa pagiging straight forward ng binata. "Alam mo naman na hindi ako papayag makipag-date sa iyo diba?" sagot ni Wax na may pagkadisgusto sa mukha. Agad din iyon nawala at napatikhim matapos makita na parang tuta na bumagsak ang balikat ni Apollo. Para itong bata na pinaglaruan ang hawak na inumin. Tumikhim si Wax at umiwas ng tingin. "Pwede siguro after ng task ko at kapag tapos na kayo mag-perform. Gagala tayo kasama sina Chloe." "Talaga! Sige then dadalhin kita sa booth ng section namin," ani ni Apollo na kinatingin ni Wax. "May booth din kayo?" tanong ni Wax. "Yeah, pero ang alam ko. Theater type ang gagawin nilang theme." "Magse-serve din sila ng dugo na lasang kape," ani ni Apollo. Nagkatinginan sina Chloe at Ken ng magsimula ng magkwentuhan ang dalawa at na-out of place sila. Masaya ang dalawa dahil unti-unti na ulit nakikita nila ang dating side ni Wax. Nakatingin lang ang dalawa habang nagsha-share sa isang inumin at tinititigan ang dalawa na mukhang may sarili ng mundo. "No way, may collection ka din ng libro," tanong ni Wax na mukhang hindi napapansin na magkalapit na ang mukha nila ni Apollo. Usapan nila is about theater then napunta sa videos at books. Natawa si Chloe at kinuha nito ang phone niya— kinuhanan niya ng litrato ang dalawa. "Oops!" ani ni Chloe matapos makita na hindi niya naisara ang flash na kinasapo ni Ken sa noo. Nagkatinginan ang dalawa at doon nakita nila na sobrang lapit na ng mukha nila. Napalayo si Wax at namumulang humarap sa kabilang side— kumuha ng tubig at nilaklak iyon. Tumaas ang gilid ng labi ni Apollo matapos makita na namumula si Wax. Nag-gesture si Apollo kay Chloe na i-send. Nag-okay sign si Chloe at kinindatan ang binata. "Chloe! Burahin mo iyan," ani ni Wax. Inosente siyang tiningnan ni Chloe. "Anong buburahin ko?" tanong ni Chloe. Tiningnan siya ng masama ni Wax at tinuro ang phone niya na hawak. "Nakita kita. Kinuhanan mo kami ng litrato," ani ni Wax. Kinuha ng binata ang phone ni Chloe at doon nakita niya na may selfie nga sina Chloe at Ken. Tiningnan ni Ken si Chloe na nag-peace sign. Binaba nito ang kamay matapos tumingin ulit si Wax at binalik ang phone. "See? Hindi kita kinuhanan ng picture. Minsan magtiwala ka din sa prenny mo," ani ni Chloe na may malapad na ngiti sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD