08

1308 Words
Chapter 08 3rd Person's POV Maganda ang mood na tumungo si Apollo pabalik sa classroom niya. Pagtapak niya sa loob ng kwarto nabitawan ni Jaxon ang hawak na drum stick, napanganga si Keehan, nahulog ni Elliseo ang hawak na gitara at tanging si Grim Vergara lang ang walang pakialam na patuloy sa pagsusulat sa notebook na hawak niya. "Tangna, Grimore! Uso na bang style iyan ngayon? Kailan ka pa nahilig sa pink!" hindi makapaniwala na sambit ni Elliseo. Napahagikhik si Keehan at kinuha ang phone. Kinuhanan niya ng litrato si Apollo na wala namang pakialam na tumungo sa teacher's table. "Mind your own business, Elliseo," bored na sagot ni Apollo bago umupo sa upuan na nandoon. "Dre, sinisira mo talaga ang image ng TK. Wala ka 'man lang ba kahit konting konsiderasyon sa grupo?" "Ano na lang ang sasabihin ng mga kaklase natin matapos makita na ganyan ang suot ng leader ng TK," ani ni Elliseo na umaarteng parang nahihiya. "Atleast ako hindi ko sinubukan mamigay ng d***o at condoms sa araw ng holloween dahil napagkalamang valentines ang holloween." Napatigil si Elliseo dahil doon. Bumurahantit naman ng tawa si Jaxon matapos maalala iyon. Ilang buwan naging headline iyon sa university news paper nila at nagpapasalamat naman sila dahil hindi iyon lumabas sa public. Dati nilang school iyon at iyon ang rason kung bakit sila lumipat ng school. Bumagsak naman ang balikat ni Elliseo matapos marinig iyon. "Huwag niyo naman i-bully si Elliseo," ani ni Keehan habang pinipigilan din ang pagtawa. "Paano napunta sa akin ang usapan? Si Apollo iyong mukhang nagko-cosplay dito," nakabusangot na sambit ni Elliseo. "Wala naman mali sa suot ni Apollo. Actually, I find him cute," ani ni Keehan. Bago tinaas ulit ang phone ay kinuhanan ulit ng litrato si Apollo. Tinaas ni Apollo ang gitnang daliri para sabihin kay Keehan na hindi siya natutuwa dahilan para mapatakip ng bibig si Keehan para mapigilan na mapatawa. — Napangiwi si Chloe habang nakatingin sa mga pagkain na nasa sulok ng kinauupuan ni Wax. Lahat iyon dinala ng mga kaklase niya dahil sa takot kay Apollo. Kumuha ng isa doon si Chloe at sinimulan kainin. Hindi naman ginalaw iyon ni Wax dahil kasalukuyan kinakain nito ang binigay ni Apollo. Nakita din ni Chloe na may tinago si Wax sa bulsa niya. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Chloe matapos makita iyon. "In love kana kay Apollo?" may pang-aasar na sambit ni Chloe. "Imposible ang sinasabi mo," bulong ni Wax. Nakatingin lang ito sa pagkain habang sinusubo iyon at nginunguya. Nag-pop sa isip ni Wax ang band aid ni Apollo. "Chloe, may gusto ka ba kay Apollo?" tanong ni Wax. Muntikan na mahulog si Chloe sa kinauupuan matapos marinig iyon. "What do you mean?" tanong ni Chloe na nakangiwi. "Hindi mo kailangan gawin lahat ng ito, Chloe. Ayos lang ako at isa pa wala akong balak na pumasok pa ulit sa isang relationship. Ayos lang—" "Wax!" sigaw ni Chloe. Napatayo ang dalaga na kinatingin ng mga kaklase nila. "Bakit ba hindi ka maka-move on! Hindi ako ang dati 'mong kaibigan! May boyfriend ako at wala akong balak na sulutin sa iyo si Apollo kahit pa pang-demi god ang tyura ng taong iyon!" Iniyukom ni Chloe ang kamao. Maya-maya tumulo ang luha nito na kinatay ni Wax. "C-Chloe, hindi ko sinasady—" "Gusto ko lang maging masaya ka, Wax. Si Apollo seryoso siya sa iyo. 'Nong isang araw nilapitan niya ako para i-make over siya base sa taste mo. Tinulungan ko siya kasi nakikita ko na-deserve ka niya." "Nakikita ko ang mga effort niya na hindi mo nakita. Bumili kami ng mga damit kasama si Ken, then binigyan niya pa kami ng couple bracelate ni Ken." "Wala akong balak na kahit ano— gusto ko lang na maging masaya ka. Binigyan ko din ng band aid si Apollo dahil dumudugo ang daliri niya dahil nagluto siya para sa iyo." "Kung naiisip mo na panlaland—" Naputol ang sasabihin ni Chloe nang yakapin siya ni Wax. "Wala naman akong ibig sabihin doon. Sinabi ko lang iyon kasi ayoko ng mawalan ng kaibigan dahil sa lalaki. Kung gusto mo si Apollo gagawin ko lahat para palayuin siya," ani ni Wax. Natawa si Chloe at pinunasan ang pisngi. Nilayo niya ang binata. "Gaga! Ayaw mo sa cheater diba? Tapos ibibigag mo sa akin si Apollo?" "Andiyan si Ken at para sa akin. Si Ken pa din ang the best," ani ni Chloe bago ngumiti at tiningnan ang kaibigan. "Huwag mo din sayangin ang effort ko okay? Alam mo kung gaano nakakatakot si Apollo para sa ibang tao? Buong araw ko siya kasama ng araw na iyon para sa iyo." "Nakakatakot pala bakit mo siya tinulungan? Hindi mo siya kailangan pag-aksayahan ng oras dahil gwapo siya at alam mong type ko siya," ani ni Wax. Bumuga ng hangin si Chloe at hinawakan ang kamay ni Wax. "Maniniwala ka ba kung sabihin kong isang diyamente si Apollo na nagdi-disguise na bato?" sagot ni Chloe. Ngumiti ang babae. "Nakikita ko sa kanya si Ken 'nong time na nanliligaw siya sa akin. Naalala mo 'non broken din ako ng mga time na iyon pero ginawa lahat ni Ken kahit alam niya mahal ko pa si ex." "Ginagawa lahat ni Apollo ang best niya para suyuin ka at kailangan mo lang gawin bigyan siya ng chance. Kung hindi ka naniniwala at hindi ka sigurad— subukan mo siya kilalanin." "Bigyan mo pa ng isang chance ang sarili mo at kung nakikita mo na hindi talaga si Apollo ang para sa iyo— hindi na kita pipilitin." "Hindi na din ako mangingialam at ako pa ang magtatapon kay Apollo sa antartika para sa iyo," ani ni Chloe. Hindi umimik si Wax. Sa kabilang banda kasalukuyang nagsusuntok sa ere si Chloe. Pinupuri ang sarili niya dahil sa ginagawa nitong push para bigyan ng chance ni Wax si Apollo. Nang matapos ang klase at lunch na. Natutuwa si Chloe na tinungo ang classroom ni Apollo kasunod si Ken. Nagtitili ito at parang bata na hinila-hila ni Chloe si Apollo. "Apollo! Good news! Nakausapo ko na si Wax at mukhang magiging mabait na siya sa iyo!" "Anong nangyari?" tanong ni Apollo na kinatingin niya kay Ken na tinanggal ang kamay ng girlfriend sa kamay ni Apollo. "Nangako siya na hindi kana itataboy kaya dapat magi-ingat ka sa mga galaw mo. Nasa first level kana which is ka-level namin nina Ken— parang kaibigan 'ganon. Gusto ka niya kilalanin kaya gawin mo ang best mo okay? Aja!" "Teka hindi ka ba natutuwa?" "Dapat ba mag-acting din ako sa harap niyo?" sagot ni Apollo. Napasapo si Chloe sa noo at kinaway ang dalawang kamay para sabihin na ayos lang. "Pakita mo lang iyon kay Wax. Huwag na sabihin anyway! Gusto ko ng kapalit!" ani ni Chloe na may pagsuntok sa ere. "Mag-promise ka na kapag may gig or concert ang TK papadalhan mo kami ng ticket wala akong pakialam kahit next year pa iyon or what. Basta ticket! Gusto namin sa unahan ah," ani ni Chloe na kinatingin ni Ken. "Seryoso ka ba?" tanong ni Ken kay Chloe. "Oo naman, siyemore frienship natin si Wax kaya in future kargado niya na din tayo hihi." "Hmm, deal," ani ni Apollo na hindi 'man lang nagpakita ng expression. "See, pumayag siya," natutuwa na sambit ni Chloe. Nailing na lang si Ken at natatawa na inakbayan ang kaibigan. "Ngayon paano ka naman maga-act na kaibigan," ani ni Chloe na kinatingin ni Ken. "Teka, dapat ba pati iyon i-demo?" tanong ni Ken an kinatingin ni Chloe kay Apollo. "Paano ka makipagkaibigan?" tanong ni Chloe. Napatingin si Chloe sa loob ng classroom at doon nakita niya ang apat nitong kaibigan. Tatlo doon ang pinipigilan na matawa. "Kung paano makipagkaibigan ang isang Apollo Grimore? Sa amin ka dapat magtanong," ani ni Keehan na paili-iling lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD