10

1244 Words
Chapter 10 3rd Person's POV "What! Akala ko ba hindi tayo magpe-perform?" ani ni Elliseo na napatigil sa pagtotono sa hawak niyang gitara. "Nagbago ang isip ko," ani ni Apollo. Napangiwi sina Keehan sa sagot ng leader. "May stage fright ako. Passed muna ako," ani ni Elliseo dahilan para batuhin siya ni Jaxon ng hawak nitong plastic bottle. "Stage fright your ass, sabihin mo mambabae ka naman at may date ka ng araw na iyon," ani ni Jaxon na kinangiwi ni Elliseo tiningnan nito ang kaibigan. "Hindi ba pwedeng may family reunion lang kami ng araw na iyon kaya hindi ako makakapunta." "Baka tinutukoy niya is 'yong paggawa ng baby at pagre-reunited ng egg at sper— f**k!" mura ni Jaxon nang pabiro siyang sakalin ni Elliseo at kutusan. "Kung ayaw mo Revolledo, ayos lang naman. Madali lang naman makahanap ng kapalit mo," ani ni Apollo na may kakaibang ngisi sa labi. Napatigil si Jaxon at Elliseo. Mabilis naman na kinuha ni Elliseo ang phone at may tinawagan. "Babe, iyong date natin. Ipapare-schedule ko may biglaan kasing activity sa school namin at kailangan kong pumunta. Nakasalay doon ang future, lamang loob at buhay ko kaya next time na lang ulit tayo mag-date." Napa-pokerface si Apollo at kinuha ang marker na nasa ibabaw ng table. May sinulat ang binata sa white board. "May klase tayo at kailangan din natin mag-participate sa preparation ng mga kaklase natin sa booth kaya ang vacant lang natin ay 1 week before ang event." "Hindi naman problema iyon dahil pareho kami ni Grim na may na-composed ng kanta at pipili na lang tayo sa mga iyon." "Sino magiging vocalist?" tanong ni Keehan bago tiningnan sina Grim at Apollo. "Tiyaka na natin pag-usapan 'yan once na nakapili na tayo ng kanta," sagot ni Apollo bago kinuha ang bag niya nang makarinig ng bell. "Apollo, sasabay ka ba ngayon sa amin?" tanong ni Jaxon sa leader. "Hindi na, may dala akong bike at hindi agad ako uuwi," sagot ni Apollo bago tumalikod at tinungo ang pintuan. "Oo nga pala, Elliseo. Iyong credit card mo nilagay ko na sa locker mo. Bayaran ko na lang iyon kapag naka-ipon ulit ako," ani ni Apollo bago nilingon si Elliseo na napa-pokerface. "Sino naman kasi may sabi sa iyong bayaran mo ako?" sagot ni Elliseo nang biglang isara ni Apollo ang pinto. "Hanggang ngayon ba hindi pa din umuuwi si Apollo sa kanila?" tanong ni Jaxon bago nilingon si Grim. "Patuloy pa din ang pagtawag ni Mr.Grimore sa papa ko it's mean wala pa din balak bumalik si Apollo," bored na sagot ni Grim habang nagtitipa sa hawak nitong phone. — Nakasuot lang si Apollo ng plain sky blue na t-shirt at jeans ng sumakay ito sa sarili niyang bike. Naubos na ang allowance niya para sa buwan na iyon kaya kailangan niya ulit mag-part time job. Sinuot niya ang earphone na nakakabit sa phone niya at paandarin niya na ang bike nang may huminto na kotse sa gilid ng bike niya. Bumaba ang bintana at doon nakita ni Apollo si Wax. "Magba-bike ka?" tanong ni Wax matapos makita ang binata. "Oo, may part time job ako ngayon," sagot ni Apollo may ngiti sa labi. Binaba nito ang suot na earphone. "Part time job? Kilala ang pamilya mo bakit— haist nevermind. Gusto mo sumabay?" tanong ni Wax. Tumingin sa gate si Apollo at kay Wax. "Hindi na. Medyo malapit lang din naman dito ang work place ko," sagot ni Apollo. Hindi nagsalita si Wax kaya nagpaalam na si Apollo. Nag-pedal ito at nang nasa gate na siya ng university. Hininto nito ang bike at nilingon si Wax. Kumaway ang binata matapos ngumiti at pinaandar na ulit ang bike palabas ng university. Kalaunan si Wax na nakaupo sa back seat ng kotse. Sinabihan na ang driver na paandarin na ang sasakyan. Hindi nawala sa isip niya si Apollo. "Tanungin ko nga bukas si Chloe," bulong ni Wax. Sumandal ang binata at tumingin sa labas ng bintana. "Manong, diba sabi ninyo nakapagtrabaho na kayo sa iba't ibang malalaking pamilya dito sa pilipinas. Familiar kayo sa mga Grimore?" tanong ni Wax sa matandang driver. "Sa pangalan ko lang sila kilala, sir. Sinong hindi makakakilala sa mga iyon lagi silang laman ng mga magazine at billboards," ani ni Manong. "Nagtrabaho ako sa mga Revolledo pero temporary driver lang. Narinig ko lang lumayas ang kasalukuyang tagapagmana ng mga Grimore. Naging usapan iyon sa mga Revolledo dahil hindi magkasundo ang dalawang pamilya— natutuwa ang mga Revolledo dahil tinalikuran ng nag-iisang tagapagmana ng mga Grimore ang pamilya nila." Hindi nakaimik si Wax. Hindi niya alam na may 'ganon na background si Apollo at nagawa pa nitong itapon lahat ng mga pagkain na binibigay ni Apollo sa kanya sa 'gayong pinaghirapan iyon ng binata. "Simula bukas, huwag mo na ako sunduin. Kausapin mo din si butler Anton na ibili ako ng bike," utos ni Wax bago sumandal sa usapan at tumingin sa labas. "Sir? Sigurado kayo na gusto niyo mag-bike?" tanong ng driver na kinairap ni Wax sa kawalan. "Mukha ba akong nagbibiro?" may pagtataray na sambit ni Wax. — Kinabukasan, halos gapangin na Wax ang school ground dahil sa pagod niya sa pagpepedal ng bago niyang bili na bike. Umagang-umaga tagaktak ang pawis niya kaya madami sa estudyante ang napapatingin sa kanya. "Magda-diet na talaga ako, tangna," mura ni Wax na kasalukuyang nagpapadyak at pinupunasan ang sarili gamit ang panyo niya na kinuha sa bulsa. "Wax? Anong nangyari sa iyo?" Napalingon si Wax at doon nakita niya si Apollo na mukhang kararating din. Katulad niya pawisin din ito. Napa-pokerface si Wax ng ma-realize kung gaano ka-unfair ang mundo. Si Apollo kasi katulad niya mukha din nakipagkarera— gusot-gusot ang suot nitong gray na t-shirt pero mukha pa din itong rarampa habang siya mukhang gusgusin na baklang na-rape sa kanto dahil sa tyura niya. "Pawis na pawis ka." Hahawakan ni Apollo si Wax nang bigla itong lumayo at alanganin na nagsalita. "Nakikita mi bang pawisan ako tapos hahawak ka. Hindi ka ba nandidiri?" tanong ni Wax na pinupunasan ang pisngi. Basa na ang panyo na gamit niya at dahil napansin iyon ni Apollo kinuha ni Apollo ang panyo niya sa bulsa at inabot iyon kay Wax. "Kalalaba ko pa lang 'nan at hindi ko pa nagagamit," ani ni Apollo nang titigan lanv iyon ni Wax. "Pawisan ka din kaya gamitin mo na lang iyan," ani ni Wax na kinangiti ni Apollo. Palihim naman na napadasal si Wax dahil doon. Feeling niya kasi biglang bumukas ang langit dahil sa pag-ngiti na iyon ni Apollo. "I'm good, dadaan ako mamaya sa locker ko. May towel ako doon gamitin mo na 'yan," ani ni Apollo. Hindi na sumagot si Wax at kinuha iyon. Alanganin ni Wax na pinunas iyon sa mukha niya. "Good morning!" Nagulat si Wax nang umakbay sa kanya si Chloe na kararating lang din at pangiti-ngiti na nagpabalik-balik ang tingin sa kanila ni Apollo "Ang ganda ng umaga noh? Lalo na kung puno ng pag-ibig ang buong paligid at madaming puso ang nagkakalat sa sahig," ani ni Chloe na nag-finger heart. "Go! Babe! Ang cute mo diyan!" Napatigil si Wax nang makita na may hawak na camera si Ken at kinuhanan sila ng litrato. "Chloe!" sigaw ni Wax nang magkahawak ang kamay na tumakbo ang dalawa palayo. "Nakakaloka," ani ni Wax na nakasunod ang tingin sa dalawang kaibigan na papasok ng building dila. Nag-flying kiss pa si Chloe bago umakyat sa hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD