19

1183 Words
Chapter 19 3rd Person's POV Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa apat na araw before ang holloween nag-announce ng exam ang mga teacher. Napasubsob si Wax sa lamesa matapos lumabas ang teacher, hindi niya alam kung paano niya na iha-handle ang schedule niya. Inaasikaso niya ang mga event para sa holloween, need niya din mag-participate sa pagde-decorate ng classroom nila then ngayon mag-prepare ng exam. "Ano ba iyan? May pahabol pa ang prof natin na exam. Hindi na nga natin alam kung paano magpe-prepare para sa design natin sa room," reklamo ni Chloe na. "Guys! Cheer up! Kailangan lang natin mag-double time para ayusin itong classroom at mag-prepare," ani ng class president nila. Nang mag-announce ang kaklase nila na wala ang tatlong subject teacher nila tumayo na sina Chloe at Wax. Pupunta sila ngayon sa court ng university na nasa kabilang bahagi lang ng field. Dito kasi mangyayari ang event, sa stage din magpe-perform ang mga banda kaya talagang busy ang team nila sa pag-aayos ng stage at mga event. Nang makarating sina Wax at Chloe sa stage nakita nila doon ang TK at ilan pa na banda kasama ang ilan pang estudyante na may handle sa even. Nakaupo si Apollo sa sahig ng stage. Nang marinig ang boses no Chloe napaangat ng tingin ang binatawa. Ang bored nitong expression ay napalitan ng ngiti matapos makita si Wax. "Kanina pa kayo dito?" tanong ni Wax nang tumalon si Apollo pababa ng stage at lapitan sila. "Medyo, bigla kasi kaming pinatawag ng isa sa member ng student council. Minamadali na ang pag-aayos nitong stage dahil ilang araw na lang ang meron bago magsimula ang event," sagot ni Apollo bago ituro ang mga kabarkada niya na mukhang pinagdidiskitahan ang mga decoration na nasa kabilang bahagi ng stage. "Guys! Attention." Napatingin ang lahat sa student council president na pumalakpak para agawin ang atensyon ng lahat. "Nag-volunteer na din ang peer club at sports club para sa prepation natin. I hope matapos agad natin before ang event para sa university natin." "Ohmy! Disaster," bulong ni Chloe na may patakip pa ng bibig matapos makita ang ex boyfriend at ex bestfriend ni Wax. Napako ang tingjn ng binatang si Lance Baltazar kay Wax na hindi 'man lang siya tinapunan ng tingin. Then napadako anv tingin niya sa katabi nito na lalaki which is si Apollo na kasalukuyang masama ang titig sa kanya. Nagsukatan sila ng tingin hanggang sa tumatakbong lumapit si Ken kay Chloe at nagyakapan ang dalawa. Nabaling doon si Apollo matapos makita na tumawa si Wax. "Ang oa niyo ah. Parang ngayon na lang ulit kayo nagkita may payakap effect?" basag ni Wax sa dalawa. "Wax," tawag ng student council president kay Wax na kinalapit ng binata sa direksyon ng president nila. Ayaw 'man lumapit ng binata ilang metro ang layo sa dalawang tao na kasalukuyang nakatitig sa kanya— wala siyang choice. "Ikaw na bahala mag-assist sa dalawang club members na ito. Ikaw lang maasahan ko dito since iyong vice natin napakawalang silbi. Walang ginawa kung hindi humarot," ani ng president nila na kinangiwi ni Wax matapos ituro ng president anv vice president nila na kasalukuyang nakalingkis sa isa sa mga miyembro ng TK na si Elliseo. Ang dakilang playboy ng university nila. "Sige, ako na bahala president," ani ni Wax na may ngiti sa labi. Nang umalis ang president nila— humarap si Wax sa mga club members. "Hi guys, I'm Wax Frevas. Ako ang naka-assign na mag-assist sa inyo sa event na ito. Kung may tanong kayo o kailangan niyo ng mag-assist sa inyo. Lapit lang kayo sa akin." "Kailangan lang namin dito ay iyong magbubuhat, magtatanggal ng mga gamit sa box at rest pwede niyo ia-assist ang ibang decorators sa pag-aayos ng stage." — Karamihan sa mga estudyante na nag-aayos ng booths nakatingin sa stage kung nasaan ang mga varsity players ng university, mga miyembro ng banda at ilang estudyante na sikat sa university na miyembro ng peers club. Mapababae o mapalalaki hindi naalis ang tingin sa mga taong nasa court. "Apollo, pwede mo ba ako tulungan dito? Hindi ko kasi mabuhat itong kahon," maarteng sambit ni Syra kahit madami sa mga tao sa court ang gustong tulungan siya. Napa-pokerface si Apollo pero sumunod ito. Kinuha nito ang kahon at dinagdag sa mga buhat niya. Napangiti si Syra at sinundan si Apollo. Hahawakan ni Syra ang braso ni Apollo nang biglang dumaan sa pagitan nila si Chloe na may dalang log book. "Excuse me," ani ni Chloe na napahinto matapos mapalingon at makita sina Apollo at Syra. "Ow, naku! Hindi kita nakita— I'm sorry, medyo nasilaw kasi ako sa liwanag ni Apollo. Ang gwapo kasi then hindi kita nakita," ani ni Chloe matapos makita si Syra na hawak ang braso niya. "Ikaw—" "Ohmy— Apollo, kailangan ng help ni Wax sa likod ng stage. Pakitulungan naman siya please madami kasing kalat dito— baka hindi ko siya mabalikan doon," malapad ang ngiti na sambit ni Chloe. Napataas naman ng gilid ng labi si Apollo. "Treat kita mamaya ng lunch," bulong ni Apollo bago lampasan si Chloe na napahagikhik. Mukhang gusto na talaga ni Apollo na makaalis doon at natutuwa siya kay Chloe. Dahil doon umuusok ang ilong ni Syra na nagpapadyak palayo. Napasunok sa ere si Chloe at natutuwa na tumakbo papunta sa direksyon ng boyfriend na natatawa dahil sa eksena na nakita niya kanina dahil kay Chloe. — Nilabas ni Wax lahat ng itim na kurtina at ilang letters na ididikit sa pader ng stage. Nilabas niya din ang ilang decorations. Kinuha muna nito ang kurtina at aakyat siya papunta sa stage nang may nag-abot sa kanya ng kamay mula sa itaas ng hagdan. "Kailangan mo ng tulong?" nakangiti na tanong ni Lance. Sa paningin ni Wax wala pa din nagbago sa tyura nito, gwapo pa din ito at mukhang inosente pero hindi mapagkakailang ito din ang taong nanloko sa kanya. "No need, kaya ko mag-isa," pagtataray ni Wax. Inihakbang nito ang mga paa kahit medyo mabigat ang mga kurtina at halos hindi niya makita ang dinadaanan. Ngunit sa kamalas-malasan natapakan niya ang dulo ng kurtina. "Ahh!" napasigaw si Wax nang masusubsob siya at masasalo ni Ken pero imbis masubsob. May taong sumalo sa kanya mula sa likod pero mukhang na-out balance ang taong iyon kaya napaupo sila sa sahig. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Apollo na kinatingin ni Wax. Nasa mga hita siya ni Apollo kaya napatayo agad siya at hindi na napulot ang mga kurtina. "I'm sorry! Masyado akong mabigat kaya—" "Ano bang sinasabi mo? Masyado akong naging careless— na-out balance ako kaya napaupo tayo sa sahig," explain ni Apollo. Nagsinungaling si Apollo pero sa hindi alam na dahilan ni Wax natuwa siya kay Apollo. Natawa si Wax at tinaklob kay Apollo ang kurtina na kinatawa ng binata. "Sinungaling," natatawa na sambit ni Wax. "Tulungan mo ako dito. Kanina pa kita hinihintay ang tagal mo," ani ni Wax na kinatawa ni Apollo bago parang bat na tinanggal ang kurtina sa mukha niya. "Sana nag-text ka para nakapunta agad ako dito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD