04

1036 Words
Chapter 04 3rd Person's POV Nang umaga na iyon kasalukuyang nasa P.E class ang klase ni Wax. Nasa field sila ngayon at dahil sandaling nawala ang teacher nila ng mga oras na iyon— pinagtatawanan nila si Wax na kasalukuyang nagpu-push up para sa activity. Tawa ng tawa ang mga ito matapos makita na hindi maingat ni Wax ang sarili. "Hoy manahimik nga kayo! Gawin niyo ang activity niyo mga impaktito at impaktita!" sigaw ni Chloe na kasalukuyang chi-ni-cheer si Wax. Hindi na lang sila pinansin ni Wax at kasalukuyan nitong ginagawa ang best niya para sa P.E class nila since doon naka-base ang grade nila para sa sem na iyon. Wala pang-3 minutes tagaktak na ang pawis ni Wax dahil sa exercise na iyon. Nakahiga na ito gymp mat habang hinahabol ang hininga. Maya-maya biglang umalis si Chloe. Sinundan ito nang tingin ni Wax— napatigil si Wax matapos makita si Apollo na mukhang patungo sa cafeteria at nilapitan ito ni Chloe. Napaupo si Wax matapos makita iyon. Gumusot ang mukha ni Wax at walang salita umalis doon. Hindi na ito lumingon pa at nagtuloy-tuloy sa paglalakad paalis sa field. Sa hindi alam na dahilan naiinis siya. Iniisip niya na pare-pareho lang ang mga lalaki. Kahit hindi pa tapos ang P.E na iyon bumalik na sa classroom si Wax. Wala na siyang pakialam kung bumagsak siya ang gusto niya lang ay makaalis doon. Maya-maya bumalik na din ang mga kaklase niya kasunod si Chloe na tumatakbo palapit sa kanya dala ang isang towel at tubig. Kumunot ang noo ni Wax ng parang bulate na kakawag-kawag si Chloe sa harapan niya. "Guess what! Kyaah! Dinalhan ka ni Apollo ng towel at water!" Binaba iyon ni Chloe sa lamesa niya at parang kinikilig na umupo sa harapan niya. Hindi naka-react si Wax matapos marinig iyon. "Anong sinasabi mo?" ani ni Wax na kumunot ang noo at nilagay iyon sa katabing lamesa. "Ginawa na din iyan ng 2nd boyfriend ko minsan 'nong nanliligaw siya at wala na doon na bago," ani ni Wax na kinangiwi ni Chloe. "Kaloka ka, anong klase ba na puso meron ka? Bato o bakal? Pinuntahan ka pa niya sa field para lang hatidan ka ng towel at tubig kaloka," ani ni Chloe. Inismiran siya ni Wax at humalumbaba sa lamesa. Tumingin ito sa labas at hindi ginalaw ang mga pinadala ni Apollo. Mula naman sa pintuan. Nakasilip si Apollo, bahagya itong nawalan ng expression matapos makita na hindi iyon ginalaw ng lalaki. Umalis na doon ang binata at naglakad palabas ng building. Hindi niya pinansin ang mga babaeng nagkakandarapa para pansinin niya o kahit bigyan ito ng kahit konting mga tingin. — Hindi lumalapit si Apollo pero patuloy pa din ito sa pagsunod kay Wax ng palihim. Dinadalhan pa din ito ng mga pagkain na hindi naman ginagalaw ni Wax and worst tinatapon lang iyon ng binata sa basurahan. "Malinaw na binigay iyon ni Apollo para sa iyo tapos tinapon mo sa basurahan!" "Kung gusto niyo ng pagkain na binigay niya bakit hindi niyo kuhanin sa basurahan at kainin?" sarkastiko na sagot ni Wax. Pinigilan naman ni Chloe ang mga kaklase niyang babae sa pagsugod kay Wax. Naiirita si Wax kaya umalis na lang ito doon at agad hinabol ni Chloe. Pagbaba ni Wax sa hagdan— nawala na siya sa paningin ni Chloe na agad siyang hinanap sa kabilang direksyon ng hallway. Nakasiksik si Wax sa ibaba ng hagdan habang nakaupo sa madilim na bahagi 'non hawak ang isang note. Gusot-gusot na iyon mula sa pagkakahawak niya kaya agad niya iyon tiningnan. 'Good Morning, baby panther. Have a nice day and I hope magustuhan mo ang binigay kong lunch.' -A.G Humilig si Wax sa mga tuhod at pumikit. Kanina pang umaga masakit ang katawan at ulo niya dahil sa exercise kahapon. Nanginginig din ang kalamnan niya dahil sa push up. "Are you okay?" Napatingin si Wax. Lumuhod sa harapan niya si Apollo na may suot na mask at hinawakan ang pisngi niya. Natabig iyon ni Wax kaya agad humingi ng sorry si Apollo. Hindi nagpakita ng expression si Wax at dahil mukhang naiinis na naman ito dumistansya si Wax. Umupo ito sa pader na nasa harapan lang din ni Wax at hindi umimik doon. "Umalis ka dito. Hindi ko kailangan ng tulong mo," ani ni Wax na may pagkadisgusto sa mukha. Tuwing nakikita niya si Apollo hindi niya maiwasan maalala ang mga ex niya na nanloko sa kanya. "Tigilan mo na din kabibigay sa akin ng kung ano-ano dahil wala sa mga iyon ang tatanggapin ko." "Bakit ba ayaw mo sa akin?" "Unang-una kasi lalaki ka, pangalawa dahil gwapo ka at pangatlo masyado kang presko." "Hindi ko madaling mababago iyon kung iyon ang problema mo sa akin." "Then tigilan mo na ako at humanap ka ng pagti-tripan mo," tumayo si Wax at nilampasan ang lalaki. Napako ang tingin ni Apollo sa kamay ni Wax at doon nakita niya ang kapirasong papel na dinikit niya sa lunch box. Nakita niya na tinapon ni Wax ang lunch box pero hindi niya ini-expect na kukuhanin nito ang note. Inangat ni Apollo ang isang tuhod at pinatong doon ang braso niya. Tumaas ang gilid ng labi ni Apollo habang sinusundan ng tingin si Wax at nakatingin sa papalayong bulto nito. "Paano kita titigilan kung lagi akong nakakakita ng dahilan para habulin ka pa?" bulong ni Apollo na may kakaibang ngiti sa labi. Nang matapos ang klase— lumabas sa building si Chloe kasunod ang boyfriend nito na si Ken. Nagkataon na wala si Wax nang pagkakataon na iyon kaya nilapitan siya ni Apollo. Nagulat ang dalawa kaya napatili si Chloe dahil bigla na lang sumulpot si Apollo galing kung saan. "My god! Bakit higla ka na lang sumusulpot at ano 'yang suot mo na face mask. Mukha kang gwapong gangster sa mga nababasa kong manga," ani ni Chloe. Kumikinang ang mata nitong tinititigan si Apollo kaya mahina itong siniko ni Ken. "Ay! Hihi sorry. Na-amaze lang ako ng konti," ani ni Chloe habang pabalik-balik ang tingin sa boyfriend at kay Apollo. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kailangan ko ng tulong mo," ani ni Apollo. Nagtaka si Chloe at Ken matapos makita ang kakaibang tingin ni Apollo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD