03

1124 Words
Chapter 03 3rd Person's POV "Kinakabahan ako babe. Hindi madaling kausap ang lima na iyon," bulong ni Ken habang nasa likod ni Chloe na kasalukuyang nakasilip sa vacant room na tambayan ng TK. "Sabi mo nandito sila tuwing lunch break." "Iyon ang alam ko. Sinabi iyon ng isa sa mga kaklase natin. Hindi ko sure." Sumilip din si Ken pero katulad ng sinabi ni Chloe walang tao duon. "Tara mag-ikot tayo sa campus. Kung nasaan madaming tao siguradong nanduon ang TK." Hihilahin niya ang boyfriend nang may magsalita sa likudan nila na kinatalon ng dalawa. "May kailangan ba kayo sa amin?" Napalingon sina Chloe at napaatras. Tiningnan ito ni Ken at duon napagtanto niya na si Keehan Alvarez iyon. May inosente itong mukha at maamong features ikumpara sa limang TK. "Sinuswerte tayo babe. Mabait si Keehan," bulong ni Ken sa kasintahan. Ngumiti si Keehan at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa. "Kung tama pagkakakaalala ko kayo 'yong dalawa na laging kasama ni Wax." "K-Kilala mo si Wax?" kumikinang ang mata na sambit ni Chloe. Natawa ang binata nang mahina. "Not really, sa pangalan lang namin siya kilala since kinababaliwan siya ng leader namin ngayon." "Si Apollo ba ang hinahanap niyo?" "Yes, nakita mo ba siya?" tanong ni Chloe habang nililibot ang paningin sa buong paligid. "Dahil break time ngayon siguradong nakasunod iyon kay Wax. Bakit niyo siya dito hinahanap?" "2 days na namin siya hindi nakikita." "Pinapunta kayo dito ni Wax?" Alanganin tumawa si Chloe bago napakamot sa pisngi. Pumunta talaga sila duon para kausapin si Apollo. "Sa tingin mo give up na siya kay Wax?" tanong ni Chloe matapos sundan si Keehan na naglalakad pabalik. "I don't think so. Tumatakas pa din naman ang loko na iyon sa hang out ng grupo kaya siguradong nasa paligid lang din iyon ni Wax." "Ha?" Nagkatinginan sina Chloe at Ken matapos marinig iyon kay Keehan. Sinundan nila si Keehan hanggang sa makarating sila sa paboring tambayan ni Wax. Nag-gesture si Keehan na magtago ang dalawa. Nagtaka sina Chloe pero sinunod nila ang balita. Ngumiti si Keehan at tinaas ang hintuturo at nag-gesture na manahimik. "Pesteng Apollo na iyon. Huwag lang talaga siya magpapakita sa akin ngayon. Babalatan ko siya ng buhay at ipapakain sa aso ang lamang loob niya." Tuwing badtrip si Wax nasa likod siya ng building at pinagdidiskitahan ang damo duon. Hindi na talaga nagtataka ang gardener na nanduon kung bakit ito natutuwa kay Wax. Nababawasan kasi ang trabaho niya kapag kusa ng binubunot ni Wax ang mga damo duon na naging habit niya kapag badrip. "Argh! Kaasar! Naiinis ako sa mukha niya pero naiinis din ako kapag hindi ko siya nakikita! Anong kabaliwan ito! Nakakagigili!" Parehong napangiwi sina Ken matapos makita na parang nasisiraan na talaga ng ulo ang kaibigan. "Gusto niyo pruweba na nandito si Apollo?" "Hindi ko siya nakikita," bulong ni Chloe. Ngumiti si Keehan at lumabas sa pinagtataguan nila. Nagtaka si Ken at Chloe matapos makita na patungo si Keehan kay Wax. Tumikhim si Keehan kaya napatingin si Wax. Kumunot ang noo ni Wax pero tumayo ito at humarap sa lalaki. "Wala bang kahit isang panget sa grupo niyo? Sinalo niyo lahat sana namigay naman kayo kahit konti." Nagtaka si Keehan. Hindi nito naintindihan ang binata pero ngumiti si Keehan at nag-act na hindi narinig ang sinabi ng lalaki. "Free ka ba ngayon? Gusto sana kita ayai—." "Ang dami mo naman yatang oras Keehan. Nakarating ka hanggang dito." Napatigil sina Chloe matapos lumabas si Apollo galing kung saan. "Shoot, kaya hindi natin nakita. Nasa paligid lang pala ni Wax ang hinahanap natin." "Pero bakit nakatakip mukha ni Apollo? Mukha siyang kidnapper." "Dude nakalimutan mo na ba talaga ang dignidad mo bilang leader ng TK?" "Mukha kang kidnapper! Kung hindi ko lang nakita 'yang tattoo mo sa dibdib hindi kita makikilala." Hindi alam ni Keehan kung tatawa siya o ano dahil naglakad palapit sa kanila si Apollo na may suot na bonet. "Mr.Grimore. Nakalimutan mo yata ang tamang pagsuot ng bonet. 'Yan na ba ang bagong style mo ngayon." Nilingon ni Apollo si Wax at umismid din. Wala na kasi siyang idea kung paano siya hindi aayawan ni Wax. 'Nong isang araw akala niya masusuyo na niya si Wax kung maglalakad ito ng hubad sa buong campus katulad ng gusto nito. Pero mas nagalit lang ito sa kanya kaya sinusundan niya na lang ito at ngayon nilapit ito ni Keehan. Napilitan siyang lumabas at tinago na lang ang buong mukha sa loob ng bonet. Alanganin natawa si Keehan at umatras. Hindi niya nakikita ang mukha ng binata pero pamilyar sa kanya ang aura nito. "Hehe, aalis na ako. Nakalimutan ko may lakad pa kami ni Jaxon." Mabilis na tumalikod si Keehan at lakad takbo na umalis. "Anong ginagawa mo dito?" "Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako?" asik ni Wax matapos makita na silang dalawa na lang ni Apollo na nanduon. "Aalis na din ako," ani ni Apollo at tumalikod. Tinahak na din nito ang daan kung saan tumungo si Keehan. Nagkatinginan sina Ken at Chloe matapos makita ang pagbabago ng expression ni Wax. Sa nakikita nina Chloe at Ken parang paiyak na si Wax. "Gusto ba ni Wax si Apollo?" "Basta gwapo gusto ni Wax," sagot ni Chloe sabay irap at mag-cross arm. "Instinct at nature na ng mga tao na ma-attract specially kung alam mong may gusto 'sayo ang taong iyon." "Si Wax mismo ang nagsabi. Alam iyon ni Wax kaya pinipigilan niya ang sarili niya lalo na hindi basta si Apollo Grimore." "You're righ, pero anong gagawin natin? Ayaw ni Wax sa gwapo pero naagaw ni Apollo ang interes ni Wax." — Halos lahat ng estudyante napapatingin sa lalaking may suot na bonet. May iba pa na pinagtatawanan ito dahil sa bonet na nakataklob sa buong mukha nito na hindi na inabalang tanggalin ni Apollo. "Now I know kung bakit kami pinalabas ni Keehan sa music room." "Ngayon lang ako nakakita ng giggolo na may bonet sa ulo. Iyong totoo Apollo." Napaangat ng ulo si Apollo matapos may apat na lalaking humarang sa dinadaanan niya. "Hanggang ngayon ba hindi ka pa din nabibigyan ng chance ni Wax?" tanong ni Elliseo. "Kami na nai-stressed sa ginagawa mo dude. Ito na yata ang pinakamalalang ginawa mo. Naglakad ka sa campus ba may bonet sa ulo." "Kailangan mo na ba ng tulong?" tanong ni Jaxon na natatawa. "Ano naman maitutulong niyo? Pare-pareho lang naman kayong hopeless romantic." "May torpe, manhid, babaero at masokista." "Hindi ba pareho lang tayo Grimore?" bored na sambit ni Grim bago nakapamulsahan na tumalikod. "Atleast ako hindi ako naglakad sa school ground na may bonet sa ulo." That's a cue nagtakbuhan na ang apat matapos sila habulin ni Apollo papunta sa 4th year building nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD