05

1157 Words
Chapter 05 3rd Person's POV "Gosh, ang hirap nga 'nan at hindi ako diyos para gumawa ng miracle. Gusto mo papangitin kita, gawing babae etc?" Hinilot ni Chloe ang sentido habang nakaupo sa harapan ni Apollo katabi ang boyfriend na umiinom ng ice tea. "Anong gagawin kong hokus-focus para magawa ang gusto mong mangyari" ani ni Chloe. Ginala ni Chloe ang paningin sa loob ng coffee shop at halos lahat ng costumer nakatingin sa lalaking nakaupo sa harap niya. "Nakikita mo ba kung ilang babae ang nagkakandarap at nakatingin sa iyo ngayon?" "Kung hindi sila si Wax, I don't mind," mabilis na sagot ni Apollo. Napasuklay sa buhok si Chloe bago tingnan si Apollo. Para sa isang lalaki masyadong perpekto ang features nito mula ulo hanggang paa. Tama lang din ang katawan nito at kung i-ma-make over niya ito ayon sa taste ni Wax hindi niya alam kung magiging successful nga ba iyon para magbago ang tingin ni Wax sa kanya. "Okay, gagawin ko ang lahat para gawin ang gusto mong mangyari pero gusto ko lang i-inform ka na hindi magiging madali ang pag-pursuade mo kay Wax lalo na at 100% na siyang allergy sa mga gwapo." "Proven and tested na iyon lalo na 101% ka naman gwapo compare sa mga ex niya at talagang nakikita ko na to highest level ang ginagawang defence mechanism ng bongga kong prenny." "Kahit maging successful ang make over at training ko sa iyo. Maaring 6% lang ang chance na pansinin ka ni Wax." "I dont care, hindi din ako nagmamadali na kuhanin agad ang loob niya. Gusto ko lang mawalan siya ng dahilan para takbuhan o iwasan ako," seryosong sambit ni Apollo. Nagkatinginan sina Chloe at Ken. "Kung 'ganon, tara sa bahay ko ngayon." "Teka dadalhin mo siya sa unit mo?" kunot noo na sambit ni Ken. "Eh kung gusto mo sumama ka din. Kailangan ko ng assitant," ani ni Chloe matapos humakgikhik at niyakap ang braso ng boyfriend. — Gamit ang kotse ni Ken. Pumunta sila sa apartmeht na inaakupahan ni Chloe malapit sa school. Dinala niya ang dalawa sa unit niya at agad sila nagsimula. "Unahin natin ang buhok at mukha mo," ani ni Chloe matapos paupuin si Apollo sa harap ng salamin. Kumuha ng magazine si Chloe at sandaling binuklat iyon. Patingin-tingin siya sa mukha ni Apollo ngunit wala sa mga iyon ang maaring magpa-simple sa look ni Apollo. "Gosh, mukhang mas mahirap pa ito sa iniisip ko ah," ani ni Chloe bago binaba ang magazine. Kumuha ito ng ipit sa drawer niya at inipitan ang may kahabaan nito na buhok. Binagsak ni Chloe ang ilang buhok para takpan ang noo ni Apollo. Nilagyan ng tali ni Chloe ang kalahati sa buhok ni Apollo para hindi ito magmukhang gangster sa mahaba nitong buhik. Napatigil si Chloe at napatakip sa ilong dahil pakiramdam niya magkakaroon siya ng nose bleed. Simple lang ang hairstyle na iyon para sa mga babae pero ang lakas ng impact kapag sa feature na ni Apollo ini-apply. Iniikot ni Chloe ang upuan at hinarap kay Ken na kasalukuyang nakaupo sa kama. Napaubo ang binata matapos makita ang hairstyle na ginawa ni Chloe. "Ang cute niya! Gosh! What do you think Ken?" tanong ni Chloe. Pinagpatuloy ni Ken ang pagkain ng junkfoods at iniwasan ng tingin sina Chloe. "Hindi na masama. Papasa siya na mukhang babae pero siguradong hindi matutuwa si Wax kung pati mga lalaki pagdidiskitahan siya dahil ulit kay Apollo," makahuluhan na sambit ni Ken na kinatawa ni Chloe. "Pero kung maga-act na cute si Apollo sa harap ni Wax imposibleng hindi tamaan ng konsensya ang prenny natin na si Waxy," ani ni Chloe. "May weak spot si Waxy sa mga cute na bagay even sa girls or boys hihi. Secret lang iyon okay?" ani ni Chloe. Hinalungkat niya muli ang drawer niya at kinuha ang isang kahon na maliit. Madaming iba't ibang klaseng eye glasses doon at lahat iyon sinubukan niya isuot kay Apollo. Lahat iyon bumagay kay Apollo pero wala doon ang sa tingjn ni Chloe papasa sa taste ni Wax. "Gosh, huwag na kaya natin pakialaman ang mukha mo." Tinititigan ni Chloe si Apollo at pinatayo ito. Hinawakan ng babae ang baba niya at inikutan si Apollo. "Baguhin natin ang fashion sense mo. Tanggalin mo din iyang suot mong mga hikaw at kwintas. Kailangan mo ngayon maging sexy and cute," ani ni Chloe na may kakaibang ngiti sa labi. Lumapit ang dalaga sa closet niya. Napasapo sa noo si Chloe nang makita na puro dress iyon. "I think weekend bukas. How about mag-shopping tayo ng mga cute stuffs para sa iyo?" ani ni Chloe kay Apollo. Hindi umapila ang binata matapos nila i-settle ang oras at lugar kung saan sila magkikita-kita nagpaalam na si Apollo. Hinatid nina Chloe si Apollo sa labas ng building ng apartment niya. Maya-maya may dumating na pulang sport car at walang pagaatubilu na sumakay si Apollo sa sasakyan— kumaway si Chloe at sinundan ng tingin ang kotse na papalayo. "Sa tingin mo seryoso talaga si Apollo kay Wax? Nag-aalala pa din kasi ako Ken. I mean, tingnan mo naman kung sino ang taong humahabol kay Wax," ani ni Chloe sa boyfriend. "Hindi pa ba sapat ang ginagawa niya? I mean hindi normal iyong mga effort na ginagawa niya para mapansin lang ni Wax. Cute stuff? Alam mo ba nakakapangpababa iyon sa dignidad namin bilang mga lalaki," ani ni Ken na nagkakamot sa likod ng ulo. "Kung hindi ko lang nakikita ang dating side ni Apollo kapag wala sa paligid niya si Wax. Iisipin ko may sakit sa utak ang taong iyon," ani ng binata na kinangiwi ni Chloe. "Grabe ka naman. Iniisip mo ba na kabaliwan ang ma-inlove kay Waxy?" asik ni Chloe sa boyfriend na si Ken. Humarap ang binata at sumimangot. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Chloe. Alam mo ba na pumapangatlo ang pamilya ni Apollo sa pinakamayaman sa mundo? Maimpluwensya din ang pamilya ni Apollo at hindi lang iyon. Ang Territorial kings, iyong banda na binuo ni Apollo— hinihintay ng lahat ang pagpasok nila sa entertainment industry in future. Ilang company ang ni-reject nila at ilang opportunities din ang ti-nurn down nila dahil nag-aaral sila." "Temporary lang ang katahimikan na tinatamasa ngayon ng TK. Mataas at maliwanag ang naghihintay sa grupuhan na iyon. Hindi sila dapat ang nanadito at kung sakali— sa future magagawa ba ni Apollo panindigan ang relasyon nila ni Wax?" "Bakit ba kasi future ang iniisip mo? S-Si Wax, gusto ko siya maging masaya. Kung magagawa iyon ni Apollo kahit sandali lang— kuntento na ako at masaya na ako para sa kaibigan ko," mababa ang boses na sambit ni Chloe. Bumuga ng hangin si Ken at hinawakan ang kamay ng kasintahan. "Then sa ngayon gawin muna natin ang mga bagay na alam natin maitutulong natin sa kanila." "Tulungan natin si Apollo," ani ni Ken. Tumango-tango si Chloe na agad napangiti sa sinabi ng boyfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD