Chapter 12
3rd Person's POV
'Nong nagsabi si Apollo na kabado siya. Napatunayan ni Wax na totoo iyon at hindi siya makapaniwala. Tumikhim si Apollo dahil medyo bumaba ang boses niya. Kahit sina Ken nagulat dahil sa nagkamali si Apollo.
Libo-libo ng tao ang nakaharap ng banda nina Apollo sa mga nakalipas na taon. Nakagawa na din sila ng pangalan dahil sa perfect features at talents na meron ang miyembro ng mga ito. Kasama na doon si Apollo at Grim na pinaka-assets ng TK dahil kaya ng mga ito gumamit ng kahit na anong instruments, composer din ang mga ito at talagang ito ang masasabing magandang kalidad ng artist na kailangan ng entertainments industry at tipong pag-aagawan ng madaming kompanya.
Bumuwelo ulit si Apollo and this time tumingin na siya sa mata ni Wax. Nagsimula ng tumugtog ang binata.
"Just a fraction of your love
Fills the air
And I fall in love with you
All over again, woo woo woo
You're the light that feeds the sun
In my world."
Nagsimula ng kumanta si Apollo. Hindi naalis ni Wax ang mga mata niya sa mata ni Apollo matapos makita na sa mga matang iyon parang iisa lang sa mundo.
Magkasamang init at lamig ang bumalot sa sistema niya matapos magbigay ng magkaibang pakiramdam ang boses at tingin ni Apollo.
"I'd face a thousand years of pain for my boy
Out of all the things in life that I could fear
The only thing that would hurt me,
Is if you weren't here, whoa
I don't wanna go back to just being one half of the equation."
Tipong nagbibigay ng mainit na haplos sa dibdib niya ang tingin ni Apollo at lamig sa pakiramdam dahil sa lamig ng boses ng binata. Bahagyang tinakpan ni Wax ang bibig gamit ang likod ng palad nang nakangiting pinagpatuloy ni Apollo ang pagkanta.
Sa isip ni Wax sinong tao ang hindi mahuhulog kay Apollo. Sa kabila ng magandang hangarin at pinakikita ni Apollo. Hindi niya pa din maiwasan matakot lalo na kung habang tumatagal— mas nakikilala niya ang binata at nare-realize kung gaano kalayo ang distansyang meron silang dalawa, mula appearance, status, talents at iba pa.
Simple lang siyang tao, hindi gwapo, hindi din matalino at walang talento. Nakakagimbal talaga ang idea na pilit siyang hinahabol ng isang Apollo Grimore ng walang sapat na dahilan.
Sa sobrang dami ng katangian na maganda ang pinakikita ni Apollo the more na nakikita niya iyon mas natatakot siyang hawakan ang binata. Pakiramdam niya in future magiging isa lang siyang malaking hawla para sa lalaki kung sakali na totoo ang nararamdaman nito sa kanya.
Umiling-iling si Wax dahil sa idea na bakit niya biglang inisip iyon. Bakit biglang niyang naisip iyong future kung wala naman siyang balak gawin boyfriend ang binata.
Matapos nga kantahan ni Apollo si Wax. Naging maganda nga ang mood ni Wax at hindi iyon napansin ng binata dahil naging busy siya sa panlalait sa boses ni Apollo out of frustration.
"Ayos lang ba si Wax? Kaninong boses kaya naririnig niya kanina," bulong ni Ken. Natawa si Chloe dahil kilala niya ang kaibigan. Kapag wala ito masabi o hindi siya komportable sa iniisip. Kung ano-ano ng sasabihin nito at nagkataon na ang dahilan 'non ay nasa harapan niya na kasalukuyang ngumingiti habang pinakikinggan ang panlalait sa ginawa nitong effort niya.
Namumula kasi ang mukha ni Wax kaya hindi siniseryoso ni Apollo ang sinasabi ng binata lalo na at iba ang nakikita sa naririnig niya.
Maya-maya napatingin sila sa pinto ng classroom ng magkarinig sila ng ingay doon at mahinang pagkatok.
"Bud, akala ko ba magpa-participate tayo sa paggawa ng booth sa klase natin," ani ni Jaxon kay Apollo na agad tumayo.
"Nawala sa isip ko," ani ni Apollo bago tingnan si Wax na nanatiling nakaupo at nakatingin sa kanya.
May kinuha sa bulsa si Apollo, inabot iyon sa binata na kinatingin ni Wax sa bagay na inaabot ni Apollo.
"Favorite mo ang chocolate na ito diba? Binili ko kanina nakalimutan ko lang ibigay," may ngiti na sambit ni Apollo. Inabot iyon ni Wax— bago pa makapagpasalamat si Wax naglakad na si Apollo paalis at lumapit sa mga kaibigan.
Nagpaalam si Keehan na bahagyang kumaway lang bago tumalikod. Sumunod si Apollo na lumingon sa kanya sandali bago sinundan ang mga kaibigan.
"Gosh, mga hotty din pala ang miyembro ng TK. Hindi ko pa din talaga maiwasan ma-amaze kapag nakikita ko ang mukha nila," kumikinang ang mata na sambit ni Chloe habang hawak ang camera.
Tiningnan ni Wax ang binigay na chocolate ni Apollo. Hindi na niya napansin na nakangiti na siya habang hawak iyon. Nang mag-flash ang camera napatingin si Wax kay Chloe.
"Chloe!"
"Kyaah! Happy siya nakatanggap siya ng chocolate, ayieeh!" pang-aaaar ni Chloe kay Wax na kinapula ng pisngi ni Wax.
"Gaga ka! Burahin mo 'yan!" ani ni Wax na tumayo sa kinauupuan. Hinabol nito si Chloe na ginawang pansalag ang boyfriend na si Ken na tatawa-tawa lang habang nakataas ang kamay.
—
"Gosh! Ang swerte natin kaklase natin ang TK," natutuwa ba bulong ng mga babae na kasalukuyang nakatingin sa TK na walang imik na nagbubuhat ng kahon para ipasok sa classroom nila. Gagamitin nila iyon para lagyan ng mga disenyo ang classroom nila para sa paparating na holloween.
"Kailangan natin mag-costume para sa holloween diba? Parang gusto ko mag-costume ng dwarf ngayong year," ani ni Keehan na may buhat na dalawang kahon.
"Then parang gusto ko maging si Frankstein ngayon year. What do you think? Bagay kaya iyon sa akin?" tanong ni Jaxon.
"Costume ni Cupid ang susuutin ko sa holloween," medyo excited na sambit ni Elliseo.
"Oo nga maganda iyon!" ani ni Jaxon na natatawa.
"Iyon ba iyong batang naka-diaper at may hawak na arrow?" inosenteng tanong ni Keehan na kinamura ni Elliseo.
"Mga gago! Hindi iyon!"
"Ganoon nakita ko sa commercial," depensa ni Keehan dahil doon pinaulanan ni Jaxon ng pang-aasar si Elliseo na agad naman siyang binigyan ng isang dagok.
"Tama na ang harutan. Madami pa tayong bubuhatin sa ibaba," saway ni Apollo sa tatlo. Napatayo naman ng maayos ang tatlo at sumaludo.
"Yes boss!"
Naunang bumaba ang tatlo at sinundan lang sila nina Grim. Hanggang sa may makita silang grupuhan na mukhang nga varsity player.
May bumangga kay Apollo pero hindi iyon pinansin ng binata. Nilingon ito ng nagsisilbing captain ng varsity team na siyang nakabangga ni Apollo.
"Mga transferee?" ani ng binata bago nilingon ang mga kasamahan na napatigil din.
"Sila yata iyong mga transferee na pinag-uusapan ng mga babae sa building natin," sagot ng isa sa mga ka-team niya.
"Angas ah," bulong ng binata na may pagkadisgusto ang mukha.