Chapter 13
3rd Person's POV
Parang tanga na nakatayo lang si Wax sa harap ng bike niya. Ilang minuto na siya nandoon sa parking lot at hanggang ngayon hindi pa siya nakakapag-decide kung tatawagan niya ang driver niya o paninindigan na magba-bike din siya pauwi.
"Wax?"
Napalingon si Wax matapos marinig ang boses ni Apollo. Tumikhim si Wax matapos bahagya siyang matulala dahil kay Apollo na nakapamulsahan na naglalakad palapit sa kanya.
"Anong problema? Hindi pa ba dumadating ang sundo mo?" tanong ni Apollo na kinakamot ng binata sa pisngi bago tiningnan ang bike na nasa gilid niya.
"May dala akong bike," sagot ni Wax na kinatakha ni Apollo.
"Anong problema sa bike mo? Sira?" tanong ni Apollo bago tuluyang lumapit at tiningnan ang bike ni Wax.
"It's perfectly fine, hinihintay lang kita."
"Hinihintay mo ako?" tanong ni Apollo na kinatingin ng binata kay Wax. Umiwas ng tingin ang lalaki at alanganin na napakamot sa pisngi.
"Nakita kasi kita naka-bike. Gusto ko din sana sumabay since wala ang driver ko," sagot ni Wax. Natawa si Apollo bago pinatong ang kamay sa ulo ni Wax na kinatingin no Wax.
"Tara, kaso hindi ko alam kung maihahatidi kita hanggang sa pauwi. Hindi ko alam ang bahay mo at may work ako ngayon," tanong ni Apollo na kinasimangot ni Wax.
"Hindi ko kailangan ng maghahatid sa akin! Wala naman ako sinabing ihatid mo ako," pa-ismid na sambit ni Wax. Natawa si Apollo at inalis ang kamay sa ulo ni Wax.
"Kung madami ka pang time. Daan ka sa work place ko. May mga tinda silang masarap na pagkain katulad ng siopao, siomai, french fries at mga street foods," ani ni Apollo na kinatingin ni Wax matapos makasakay sa bike.
"Hindi ko alam kung pasok iyon sa taste mo pero gusto mo subukan? Treat ko," ani ni Apollo na kintaas ni Wax ng kilay.
"No way, kaya kong bumili ng akin. Ako 'man te-treat sa iyo ngayon at gusto ko sabayan mo ako kumain, tara," yaya ni Wax na parang biglang nagkaroon ng energy matapos makarinig ng pagkain.
Natawa si Apollo at tinungo nito ang bike na nakapwesto hindi kalayuan sa bike ni Wax.
"Kung ikaw manlilibre-why not," natatawa na sagot ni Apollo bago nagsimulang magpedal. Sinabayan naman siya ni Wax habang nagpepedal palabas ng gate.
"Masasarap ba talaga ang pagkain doon?" tanong ni Wax kay Apollo.
"Yes, para sa akin pero hindi iyon karaniwan na kinakain ng mga taong pang-highclass ang taste," natatawa na sagot ni Apollo.
"Anong ibig mong sabihin doon? Basta pagkain kakainin ko," ani ni Wax na kinangiti ni Apollo. Tiningnan niya ang lalaki at bahagyang binagalan ang pagpedal.
"Alam ko at sigurado naman magugustuhan mo ang lasa ng mga pagkain doon huwag mo na lang pansinin ang lugar at mga costumer," ani ni Apollo. Nagtaka si Wax dahil nabanggit ni Apollo ang lugar at costumer.
Sinundan lang ni Wax si Apollo at nagpapasalamat si Wax na mukhang binagalan ni Apollo ang pagpedal niya sa sariling bike para sabayan siya. Pawisan si Wax nang makarating sila sa work place ni Apollo.
Pero mawawalan yata ng malay si Wax matapos makita ang lugar na sinasabi ni Apollo. Nasa bukana ng eskinita ang tindahan at medyo madami doon na tao katulad ng nga tricycle driver, tambay at mga estudyante na mukhang galing sa ibang school.
"Ikaw na bata ka, kanina pa kita hinihintay ang daming costumer," ani ng matabang babae na lumapit kay Apollo.
"Katarapos lang kasi ng klase namin nay Tisay," sagot ni Apollo bago tingnan si Wax na nakatingin sa kanya. Nag-gesture si Apollo na lumapit kay lumapit ang binata.
"Kaklase ko nay tisay, gusto niya makakain ng mga gawa monv siomai at siopao," ani ni Apollo.
"Naku! Tamang-tama! Madami akong bagong luto at dahil kaibigan ka ni Apollo bibigyan kita ng discount!"
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Wax ng hilahin siya ng matabang babae at paupuin sa isa sa mga lamesa.
"Sandali lang ah. Kukuha kita," ani ng babae bago pumasok sa isang pintuan. Sa paningin ni Wax mas mukhang cottage iyon kaysa tindahan. Nilingon ni Wax ang mga babaeng nasa kabilang lamesa matapos magkaingay ang mga ito ng lumabas ulit si Apollo galing sa isang pinto.
May dala itong tray at tumungo kay Wax. Nagbaba ito ng baso ng tubig.
"May tissue ako sa bag. Kumuha ka kung wala kang dalang panyo," ani ni Apollo na tinuro ang bag niya sa tabi ni Wax.
"Salamat, mamaya kukuha ako. Balik kana sa trabaho mo ayos lang ako dito," may ngiti na sambit ni Wax. Naiilang siya actually, alagang-alaga siya ni Apollo hindi niya alam kung may ganito ba itong side talaga o pinakikita niya lang ito kasi nanliligaw ito sa kanya.
Magsasalita si Apollo ng marinig ang pagtawag sa kanya ng matabang babae kaya nagpaalam agad ito kay Wax at tinungo ang pinto kung saan nakita na pumasok ang matabang babae kanina.
Mas dumami pa ang costumer sa mga oras na iyon at lahat iyon puro mga estudyante na babae galing sa iba't ibang school. Lumabas ang matandang babae na may dalang tray 'ganon din si Apollo na naka-pokerface.
"Iho, ito ang order mo. Pinabibigay ito ni Apollo— tatanungin kita dapat kung anong order mo pero sabi ni Apollo first time mo makakain nito."
"Oo nga po, dinala ako dito ni Apollo kasi sabi niya masarap daw po ang mga gawa niyo," may ngiti na sambit ni Wax. Napahawak naman sa pisngi ang matabang babae.
"Gosh, ang nga kabataan talaga ngayon ang gagaling mambola," natutuwa na sambit ng ginang hanggang sa mapatingin ito mga estudyante na kasalukuyang nakadikit kay Apollo.
Hindi na makaalis ang binata dahil sa pagkakahawak ng mga estudyante kaya agad ito binulyawn ng ginang.
"Hoy! Sinabi ko na sa inyong hindi kayo pwede mang-harass ng mga tauhan ko dito sa shop diba? Bitawan niyo si Apollo!"
Napangiwi si Wax matapos makita ang side na iyon ng ginang. Binitawan naman agad ng mga babae si Apollo na umalis ng may pagkadisgusto ang mukha.
"Pagpasensyahan mo na ah. Masyado kasing gwapo si Apollo kaya madaming babae dito ang hina-harass siya nagpapasalamat na lang ako dahil nakakatagal dito si Apollo," ani ng ginang na umupo sa harap ni Wax.
"Matagal na po dito si Apollo?" tanong ni Wax na kinangiti ng ginang.
"Almost 8 years na din," sagot ng ginang na kinalaki ng mata ni Wax.
"8 years?" ulit ni Wax na parang hindi makapaniwala.
"Hindi ba nasabi sa iyo ni Apollo? Matagal ng dito nagtatrabaho si Apollo— hindi ko nga alam sa batang iyan kung bakit ayaw niya maghanap ng trabaho na iba."
"Hindi si Apollo iyong tipo na nababagay sa ganitong lugar tingnan mo naman ang mukha ng batang iyon," ani ng ginang. Bahagyang yumuko si Wax at sinimulang kainin ang siopao na hinanda aa kanya ng ginang.
Katulad ng sinabi ni Apollo masarap iyon at nagustuhan ni Wax.
"Siguro po dahil masarap ang mga gawa niyo kaya ayaw na umalis dito ni Apollo," natatawa na sagot ni Wax.
"Loko kang bata ka pero totoo iyon. Anyway, nagustuhan mo ba?" tanong ng ginang na kinatango-tango ni Wax.
"Nagustuhan ko po ang sarap. Next time dadalhin ko dito ang dalawang kaibigan ko siguradong magugustuhan din nila ang mga ito," ani ni Wax. Napangiti ang ginang sa sinabi ng binata.