11

1113 Words
Chapter 11 3rd Person's POV Saktong break time napagpasyahan nina Chloe at Wax na pumunta ulit ng cafeteria. Nagulat si Chloe matapos makita na sandwitch at juice lang binili nito. "Prenny, may sakit ka ba?" tanong ni Chloe matapos bayaran ni Wax ang mga binili niya. "Sakit?wala naman," nagtataka na sagot ni Wax. Bago humakbang palabas ng cafeteria. "Nakakapagtaka lang kasi na unti lang pinamili mong pagkain. Ubos na din ba allowance mo? Hindi ako kasing yaman mo pero pwede kita pahiramin kahit magkano!" malapad ang ngiti na sambit ni Chloe na kinangiwi ni Wax. "Imposibleng maubusan ako ng allowance kahit pa bilhin ko ang itong buong cafeteria," biro ni Wax. Napatigil si Wax ng makarinig siya ng bulungan. 'Ayan ba iyong baklang nililigawan ng leader ng TK?' 'Siya iyon girl.' 'Gosh, kinulam yata si Apollo. Tingnan niyo naman ang mukha 'nan ang taba pa,' ani ng isa sa mga babaeng nakaupo sa mga lamesa. "Hoy! Kung magbubulungan kayo siguraduhin niyong hindi namin naririnig ah! Ang kakapal ng peslak niyo! Akala niyo namn kung sinong magaganda!" bulyaw ni Chloe sa mga estudyante na mukhang mga second year pa lang. "Duhh! Kung iko-compare mo naman sa itsyura niyong dalawa! Likas naman na mas maganda pa kami! Napa-pokerface si Wax matapos sila pagtulungan ng mga estudyante na nandoon. Sikat ang Territorial king sa university na iyon kahit pa mga transferee lang ito kaya expected na ni Wax ang 'ganon na scenario lalo na at isang Apollo Grimore ang usapan at nanliligaw sa kanya. Aminado naman siya na panget siya, matabang katawan, maliit, maitim at talagang hindi kaaya-aya ang physical appearance niya pero deserve niya ba na tingnan siya ng lahat na parang napakababang nilalang. "Oy! Mukhang nagkakatuwaan kayo diyan." Napalingon sina Wax at Chloe sa pintuan ng cafeteria. Napatigil ang lahat ng nasa loob matapos makita ang limang TK. Nasa pinakagitna si Apollo na walang emosyong nakatingin sa mga taong nasa loob. "Kung lahat ng babae katulad kahit lamang lupa aasawahin ko hindi lang ako mapunta sa katulad niyo," natatawa na sambit ni Jaxon habang nakahilig sa pintuan. "Ang tataas ng tingin sa sarili. Nakakairita lang," bulong ni Keehan bago tingnan si Apollo. "Leader, anong gusto mong gawin natin sa mga ito? Kausapin natin si tito ipa- kick out lahat nv estudyante na nandito sa loob?" tanong ni Elliseo. Napatayo ang ilan sa mga estudyante habang ang iba naman ay hindi nakagalaw dahil sa presensya ng TK. Lumapit si Apollo kay Wax. Napatigil si Wax nang abutin ni Apollo ang pisngi niya at punasan iyon. Doon napansin ng binata na umiiyak na pala siya. "Ohmygosh! Prenny! Ayos ka lang ba?" tanong ni Chloe. Humigpit ang hawak ni Wax sa hawak na plastic bottle. Tinabig ni Wax ang kamay ni Apollo at lakad takbo na umalis sa cafeteria. Hinabol ni Chloe si Wax habang si Apollo naman ay nanatiling nakatayo doon na may madilim na expression. "Okay, I got it. Kailangan ko ng mga pangalan ng nandito," natatawa na sambit ni Elliseo. "No! This is unfair bakit—" Hindi naituloy ng isa sa mga estudyanteng nasa loob ang sasabihin nila ng madilim ang mukhang humakbang si Grim patungo sa kanya at hablutin ang kwelyo ng lalaki. "Choose, kick out or die," bulong ni Grim na kinaputla ng mga taong nandoon. Natawa si Jaxon na napaupo sa sahig ang ilang estudyante nakatayo lang kanina na parang papalag pa sa kanila kanina. — "Ayos lang ba si Wax?" tanong ni Ken kay Chloe habang nakaupo sila sa pwesto na medyo malayo kay Wax. 'Nong tumabi kasi sila kay Wax. Lumipat ito sa likuran at umupo sa isa sa mga bakanteng upuan na nandoon. May meeting ang mga teacher kaya halos walang estudyante ang nasa loob ng classroom. Wala sa mood si Wax at kapag ganito siguradong hindi makakausap nina Chloe si Wax ng matino kaya hindi na siya tinangka pang lapitan ng dalawa. Maya-maya napatingin sina Chloe sa pinto nang pumasok si Apollo. May nakasabit sa likod nito na lalagyan na naglalaman ng gitara. Tumungo ito sa direksyon ni Wax na hindi 'man lang siya tinapunan ng tingin. "Ken, iyong camera?" bulong ni Chloe. Agad na inabot ni Ken ang camera kay Chloe na palihim na napahagikgik. "Wala ako sa mood, Apollo. Pwede ba umalis ka na. Hindi ko kailangan ng kausap," malamig na sambit ni Wax. Inismiran nito si Apollo na humila lang ng upuan at inikot paharap sa kanya. "Look, kaayos lang natin kahapon kaya hindi ako papayag na mag-back to zero ulit tayo dahil sa walang kwentang bagay," sagot ni Apollo na kinatingin ni Wax. "Hindi ikaw ang sinasabihan nila ng masama at hindi ikaw ang may ganitong mukha. Tahimik ang buhay ko 'nong hindi ka pa dumadating sa university na ito at hindi ako ginugulo." "Kahit pangit ako nilalampasan lang nila ako pero ngayon pati buhay at pagkatao ko hinihimay na ng lahat ng estudyante na nandito sa university dahil sa iyo," asik ni Wax. Umiwas ito ng tingin matapos gumawa ng expression si Apollo na kinatigil ni Wax sa pagsasalita. "Apollo, tigilan mo na ako. Gwapo ka at kahit sinong lalaki o babae makukuha mo. Huwag mo ng sayangin ang oras—" "Sa tingin mo ba mahina ang ulo ko para hindi ma-realize na nagsasayang lang ako ng oras. Ilang buwan na din ang lumipas 'nong nagdesisyon akong ligawan ka ,bulaklak, chocolate at lunch box. Isama mo pa ang time at effort ko," ani ni Apollo na kinatingin ni Wax. "Pero kahit isang segundo hindi ko naisip na sumuko. Kung kailangan ko ibigay lahat ng meron ako, pangalan, reputasyon, pera at dignidad— hindi ako magdadalawang isip na ibigay iyon sa iyo bigyan mo lang ako ng isang chance para patunayan ang sarili ko." Hindi naka-react si Wax lalo na ng makita na mukhang hindi ito nagbibiro. Kahit ang mga estudyante na nasa loob nagulat matapos marinig iyon kay Apollo. Ngumiti ang binata at kinuha ang gitara na hawak niya. "T-Teka, anong gagawin mo?" ani ni Wax nang makita na hawakan ni Apollo ang gitara niya. Napaayos ng upo si Wax at tiningnan si Apollo na parang hindi makapaniwala. "Kakantahan kita," ani ni Apollo na kinalaki ng mata ni Wax. "Ngayon?" hindi makapaniwala na sambit ni Wax. Ngumiti si Apollo matapos ayusin ang upo niya. "Kadalasan nagpe-perform ako kasama ang mga barkada ko, wala din mic dito at medyo kabado ako kasi nasa harap kita pero gagawin ko lahat para makakanta ng maayos," ani ni Apollo matapos salubungin ang tingin ni Wax. "Ito lang nakikita kong paraan para humingi ng sorry at maging okay ang pakiramdam mo kaya sana hayaan mong gawin ko ito," dagdag ng binata na may kalmadong expression.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD