Chapter 20
3rd Person's POV
Palihim na naggitgit si Lance matapos siya dedmahin ni Wax. Tiningnan siya ni Apollo— nag-pokerface ang binata. Agad umalis si Lance doon nang maalala nito ang ginawa ng binata sa braso niya.
Agad nagbago ang expression si Apollo nang humarap sa kanya si Wax na nakuha ang ilan sa mga kurtina.
"Tara na— ikaw magtaas nito matangkad ka naman," ani ni Wax na kinangiti ni Apollo.
"Okay," mabilis na sagot ni Apollo. Kinuha ni Apollo ang ilan pang natira sa sahig at ang mga dala ni Wax.
"Ako na nito. Tara na," ani ni Apollo. Sinundan ni Wax si Apollo na tumaas na sa hagdan at pumunta sa stage. Nakita nila doon ang iba pang TK na mukhang pinagkakatuwaan ang mga nakuhang maskara.
Inayos ni Apollo ang pagkakatali ng buhok niya bago umakyat sa hagdan na nakatungkod sa pader kung saan itataas ang kurtina. Inabot naman ni Wax ang kurtina habang hawak ang hagdan. Sinimulan ng ikabit ni Apollo ang kurtina sa taas habang inaalalayan siya ni Wax.
Lumipas ang mga oras. Paunti- unti naayos na ng lahat ang stage. Hanggang nag-announce ng break time ang student council president at nilibre sila ng pagkain.
Napagod si Wax lalo na at para naman siya nag- exercise. Bigat na bigat siya sa katawan niya— tagaktak na din ang pawis niya kaya imbis lumapit sa President nila para kumuha ng meryenda. Umupo sa gilid ng stage si Wax habang pinupunasan ang sarili gamit ang towel.
"Here."
Napaangat ng tingin si Wax nang may mag-abot sa kanya ng tubig at sandwitch. Nakita niya si Apollo kaya agad niya inabot iyon.
"Sinabi ko na huwag ka ng bibili ng kung ano-ano para sa akin diba?" ani ni Wax kay Apollo. Iba kasi ang binigay ni Apollo sa pinamimigay ng president nila.
"Sandwitch lang iyan at tubig," sagot ni Apollo na kinangiwi ni Wax.
"Basta huwag kana ulit bibili ng kung ano," ani ni Wax. Napakamot sa ulo si Apollo bago umupo sa tabi ni Wax.
"Fine," medyo nakasimangot na sambit ni Apollo bago uminom sa hawak nitong bottled water.
Madaming estudyante ang napapatingin sa kanila. Iyong masama ang pagkakatingin dahil sa closeness na pinakikita ni Apollo kay Wax.
"Wax! Apollo! Juice gusto niyo?" tanong ng president nila. Tinaas lang ni Wax ang iniinom para sabihin na meron sila. Binulungan ni Chloe ang president nila na kinatawa ng binatang president nila.
"Babe, pagod na pagod ka. Ayos ka lang ba?" tanong ni Syra bago kinuha ang sariling panyo at pinunasan ang pisngi ni Lance.
Napatingin si Wax nang katyawan sila ng mga ka-members nila. Nang makita ni Lance na nakatingin sa kanila si Wax humarap si Lance kay Syra at natatawang pinisil pisngi nito.
"Ayos lang ako," cool na sambit ni Lance na kinabuga ng hangin ni Wax at umiwas ng tingin.
"Ilang buto gusto mong durugin ko, Wax," ani ni Apollo na kinatingin ni Wax sa binata.
"Buto?" ulit ni Wax na kinatingin ni Apollo. Seryoso itong tiningnan ng binata.
"Ilang buto ng ex boyfriend mo ang gusto mong durugin ko para sa iyo," ani ni Apollo. Sobrang seryoso na sambit ni Apollo pero hindi iyon sineryoso ni Wax. Natawa ang lalaki at umiling.
"Magsasayang ka lang ng effort, Apollo. Hindi mo kailangan ibaba ang sarili mo para bigyan ng panahon at oras ang taonf katulad ni Lance," ani ni Wax na kina-pokerface ng binata.
"Seryoso ako, kumukulo ang dugo ko tuwing nakikita kitang nasasaktan at nalulungkot dahil sa unggoy na iyon," nakakunot noo na sambit ni Apollo. Napangiwi si Wax at nag-cross arm.
"Nagiging okay lang ako tuwing nakikita ko ang smile mo. Ngiti nga, Apollo," ani ni Wax. Ngumiti si Apollo na labas ang mapuputi niyang ngipin pero halatang pilit. Umiwas ito agad ng tingin na kinatawa ni Wax.
Natawa si Wax dahil nagmistulang bata si Apollo na nagta-tantrums pero dahil sa pagtawa ni Wax natawa na din si Apollo.
Napahagikhik si Chloe matapos makuhanan ng litrato ang dalawa. Sinilip iyon ni Ken na kinalingon ng dalaga.
"Sobrang saya nilang tingnan noh. Nakakahawa ngiti nila," ani ni Chloe na kinangiti ni Ken.
"Yeah, ngayon na lang natin ulit nakita si Wax na tumawa ng ganyan," natatawa na sambit ni Ken. Madami sa mga estudyante ang na-amaze sa dalawang tao na nasa stage pero hindi lahat nagugustuhan ang nakikita nila lalo na sina Syra at Lance.
"Hahayaan lang ba natin si Apollo?" tanong ni Jaxon kina Keehan na kasalukuyang ngumangata ng chocolate.
"Para naman may magagawa tayo," sagot ni Elliseo bago ituro si Grim na nagtotono ng gitara niya.
"Si Grim nga hindi napigilan si Apollo tayo pa?" ani ni Elliseo na kinatingin ni Keehan.
"May idea ba kayo sa binabalak ni leader?" tanong ni Keehan sa dalawang lalaki na nakaupo sa magkabilang gilid niya.
"Dalawa lang iyan. Balak niyang kidnapin si Wax or mananatili siya dito for good."
"Pero hindi pwede iyon!" ani ni Keehan. Napataas ang boses niya kaya maraming estudyante ang napatingin sa direksyon niya.
Napasapo sa noo ang lalaki at pabulong na nagsalita.
"Masasayang lahat ng pinaghirapan natin ng ilang taon at hindi din maganda kung mananatili pa tayo dito ng ilang years dahil sa pamilya natin apat," bulong ni Keehan sa dalawa. Ngumiwi si Elliseo at tiningnan si Apollo.
"Magdasal na lang tayo na may planong maganda si Apollo. Wala tayong magagawa, hindi din natin pwede pakialaman si Wax dahil sa totoo lang hangga't maari dapat natin iwasan magalit si Apollo," ani ni Elliseo bago tiningnan sina Keehan.
"Hintayin na lang natin ang mga susunod na mangyayari. Wala tayong magagawa sa ngayon kung hindi maghintay. Suportahan si Apollo," sagot ni Elliseo bago tinungkod ang isa niyang braso sa sahig. Napabuga ng hangin si Keehan at Jaxon dahil doon.
Nagsimula na muli ang lahat sa pag-decorate ng stage. Nang hapon na at oras na ng uwian— nagpaalam si Apollo kay Wax na babalik siya sa building nila para kuhanin ang mga gamit niya. Pumayag si Wax at sinabing hihintayin na lang siya sa stage napag-usapan kasi nila na pupunta sa workplace ni Apollo para kumain.
Isasama dapat ulit ni Wax sina Chloe at Ken pero tumanggi ang dalawa dahil may family dinner sina Chloe ini-invite din si Ken.
Nakaupo si Wax sa gilid ng stage habang hawak ang bag nang may taong huminto sa harap niya. Sa pag-aakalang si Apollo iyon nakangiti itong nagtaas ng tingin. Agad din iyon nawala matapos makita si Lance na seryosong nakatingin sa binata.
"Can we talk?"