21

1049 Words
Chapter 21 3rd Person's POV Bumaba si Wax sa stage at iniwan ang gamit niya doon. Sinundan niya si Lance patungo sa likod ng stage. "Unang-una gusto ko mag-sorry," bulong ni Lance nang huminto sila sa hagdan. Humarap si Lance at tiningnan si Wax. "Wax, minahal talaga kita. Hindi ko lang kaya na—" "Pagtawanan ng iba dahil lalaki ako at panget? Kaya ba pinatulan mo si Syra?" putol ni Wax. Hindi nakapagsalita si Lance at umiwas ng tingin. "May nangyari sa amin ni Syra, lasing ako 'non dahil nalaman ng mga barkada ko ang tungkol sa atin. Pinagtawanan nila ako at nilait, then nagkataon na nandoon si Syra. Sinabi niya na tutulungan niya ako at sinabing hiwalayan kita." "Nawala ang chismis about sa atin dahil nalaman nila na si Syra ang girlfriend ko," bulong ni Lance na kinangiti ni Wax ng mapait. "Hindi ba malinaw na mas inisip mo ang sinasabi ng iba kaysa sa ating dalawa? Mahal mo ako? Seryoso ka? Lance ganyan ka ba magmahal?" "Wax, hindi mo ako naiintindihan." "Anong gusto mong intindihin ko, Lance? Tinago mo ako sa maraming tao dahil pangit ako, tinago mo ang relationship natin dahil bakla ako. Niloko mo ako dahil ano? Dahil lalaki ka may needs ka din 'ganon ba?" "Maganda si Syra kaya mo pinatos?" may diin na sambit ni Wax na kinayuko ni Lance. Inuyukom ni Wax ang kamao bago natatawang tiningnan si Lance. "I don't mind kung tinago mo lang ako, Lance. Naiintindihan ko kasi gwapo ka at sikat pero tama bang lokohin mo ako at sirain ang pagkatao ko sa reason na panget ako at hindi ko deserve na tumayo sa tabi mo?" "Niloko mo ako at pinagpalit sa bestfriend ko," dagdag ni Wax hanggang sa tumulo ang luha ni Wax. Napatigil si Lance matapos makita iyon. Lalapitan niya si Wax para i-comfort ng itaas ng binata ang isang kamay para pigilan ang lalaki. "Huwag ka ng lumapit, Lance. I hope ito na din ang huling pagkakataon na magkakausap tayo about dito." Tatalikod si Wax nang magsalita si Lance na kinatigil ng binata. "Iyong lalaki na nakasunod lagi sa iyo. Nanliligaw ba siya sa iyo? O kayo na." "Ano naman?" sagot ni Wax. Lumapit si Lance at humarap sa binata. "Hindi kayo nababagay, Wax." "Dahil ano? Pangit ako gwapo siya?" sagot ni Wax na may pagkadisgusto sa mukha. Tiningnan ni Wax si Lance ng masama. "Huwag mong igaya sa iyo si Apollo. Ni minsan hindi niya ako tiningnan na parang hindi tao." Tinabig ni Wax si Lance at aalis ito nang hawakan ni Lance ang braso ni Wax. "Wax, hindi mo pa nakikilala ang taong iyon. Walang pakialam sa ibang tao ang taong iyon at makasarili," ani ni Lance na kinatawa ni Wax ng mahina bago tinulak palayo si Lance. "Alam ko na lahat ng side ni Apollo. Alam ko din na wala siyang pakialam sa ibang tao, nakikita at nararamadaman ko. Ilang beses niya na pinatunayan iyon sa akin dahil kahit pinagtitinginan na siya ng ibang tao dahil kasama niya ako at lantaran siyang nanligaw— wala siyang pakialam kahit iniisip ng lahat na pinikot ko siya o kinulam," may diin na sambit ni Wax. "Alam ko din na makasarili siya dahil kapag may gusto siyang makuha hindi niya iyon tinitigilan hangga't hindi iyon sa kanya napupunta. Nililigawan niya ako at mag-iisang taon na siya nanliligaw." Nginitian siya ni Wax ng mapait. Niyukom ang kamao at tiningnan ng masama si Lance. "Kailangan ko ba makinig sa iyo? Pagdudahan siya dahil sa mga sinabi mo?" ani ni Wax. Iniyukom ni Lance ang kamao at hinablot si Wax. "Wax, akin ka lang! Naiintindihan mo!" Nakaramdam ng takot si Wax nang magbago ang tingin ni Lance. Hindi niya alam na may 'ganon na side si Lance at sa hindi alam na dahilan ni Wax nakaramdam siya ng panlalamig. "Lance, nasasaktan ako. Bitawan mo ako," may takot an sambit ni Wax. Hihilahin siya ni Lance nang may taong sumipa dito mula sa likod dahilan para mapadapa ito sa sahig at mabitawan si Wax. Nagulat si Wax matapos makita ang barkada ni Apollo. Nakapamulsahan itong nakatayo at walang emosyon na nakatingin sa lalaki. "Mabuti pa umalis kana Frevas bago pa baliktarin ni Apollo ang buong campus," walang emosyon na sambit ni Grim Vergara. Tiningnan ni Wax si Lance na napaingit habang hawak ang balakang. Tumakbo si Wax palayo doon nang umupo si Lance at tawagin ang pangalan niya. Patuloy lang sa pagtakbo si Wax hanggang sa bumangga siya sa dibdib ng lalaking nakasalubong niya sa hallway. Nag-angat ng tingin si Wax at nakita si Apollo na agad siya hinawakan sa balikat. "Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka namumutla?" tanong ni Apollo bago hinawakan ang pawisang mukha ni Wax. Umiyak bigla si Wax at muntikan na ito mapaupo sa hallway na kinamura ni Apollo. Inalalayan niya si Wax na parang bata na umiiyak. Mabilis ba inabot ni Apollo ang bottled water niya sa loob ng bag. Kinuha iyon ni Wax at agad na ininom. Pilit na pinakalma ni Apollo si Wax at ng umayos na ang paghinga nito. Sunod-sunod na nagmura si Wax dahil sa galit kay Lance. Tahimik lang naman na pinakikinggan ni Apollo si Wax habang iniisip kung paano niya dudurugin ang buhay ng Lance na iyon sa mga kamay niya. "Peste siya! Peste! Ayos ang usapan namin tapos bigla siyang bibira ng 'ganon!" Nagpapadyak na sambit ni Wax na may galit sa mukha. "Paano na lang kung ipa-salvage niya ako o basta na lang itapon ang katawan ko sa ilog pasig! Nasaan ang dignidad ko! Napakahayop niya!" asik ni Wax habang nakaupo sa bench. Maya-maya nagsalita si Apollo na kinatingin ni Wax. "Gusto mo ma-relax? Dalhin kita sa magandang lugar," ani ni Apollo na may ngiti sa labi kahit deep inside nanggagaliti siya ngunit kailangan niya kumalma dahil kailangan siya ni Wax. Hahayaan niya muna iyon pansamantala kay Grim at babalikan niya ang dalawa matapos niya pakalmahin si Wax. "Magandang lugar?" ulit ni Wax habang pinupunasan ang pisngi. Ngumiti si Apollo at tumayo. Inabot niya ang kamay kay Wax. "Malapit kang iyon dito sa school. Dadalhin kita doon. Alam ko magugustuhan mo ss lugar na iyon since doon aki tumatambay kapag badtrip ako," ani ni Apollo. Ngumiti si Wax at inabot ang kamay ng binata. "Okay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD