06

1208 Words
Chapter 06 3rd Person's POV Nang araw na iyon— nauna dumating si Apollo sa coffee shop na pinag-usapan nila malapit sa mall. Nakasuot ito ng simple shirt, jeans at cap. Ngunit kahit gaano ka-simple ang suot ng binata agaw pansin pa din ito. Agad naman siya nahanap ni Chloe dahil talagang kahit saan pumunta ang binata nangingibabaw ito. Lumapit si Chloe sa lamesa at binati si Apollo. Pokerface lang si Apollo pero katulad ng sinabi ni Chloe. Tinanggal nga nito ang hikaw at kwintas na suot nito. Inipitan din nito amg buhok katulad ng pagkakaipit nito sa buhok niya kahapon. "Gosh, muntikan na kita hindi makilala pero anyway. Hindi bagay sa looks mo ngayon ang fashion style mo kaya bibili tayo ng mga damit na sasakto sa taste ni Wax!" hyper na sambir ni Chloe. Hindi umimik si Apollo. "Gosh, uso magsalita noh. Teka order muna tayo hindi pa ako nagbe-breakfast dahil sinulat ko lahat ng mga damit at iba pang bibilhin natin ngayon para sa bonggang make over mo," ani ni Chloe. Tumawag ng waiter si Chloe at nag-order para sa kanila ni Apollo. "Anong mga bagay ang sa tingin mo magugustuhan ni Wax?" ani ni Apollo na kinatingin ni Chloe. "Let me think," ani ni Chloe habang nakasandal sa upuan at hawak ang baba. "Hindi ko din alam kasi ang pagkakakilala ko kay Wax. Lahat ng bagay na-appreciate niya. Libre ko lang siya sa cafeteria kahit isang beses masaya na siya." "Kapag nagbibigay din si Ken. Tinatanggap niya iyon then iniingatan niya. Marunong siya mag-appreciate. Iyong mga ex niya dati 'nong mga nanliligaw iyon binigyan lang siya ng bulaklak isang beses sinagot niya na. Tapos hatid-sundo din ni Wax at siya pa nagbayad ng tuition then kapag tinanong ko siya kung bakit niya ginagawa iyon. Sagot niya sa akin dahil boyfriend niya iyon at binigyan siya ng bulaklak." "Kapag may nagbigay sa kanya binabalik niya iyon ng sobra. Ganoon ang pagkakakilala ko kay Wax pero dahil nasaktan siya hindi ko na alam kung tatanggap pa ba siya." "Nakikita mo naman. Halatang attracted siya sa iyo dahil gwapo ka pero mukhang iyon din ang reason kung bakit ayaw niya sa iyo." "Kung ganoon nga kailangan ko gumawa ng ibang paraan para makuha ko ang tiwala niya at bigyan ako ng chance," ani ni Apollo. Kasalukuyang nag-uusap sina Apollo at Chloe sa loob ng isang coffee shop without knowing na nasa labas 'non si Wax. Nakatingin ito sa dalawa na may hindi maintindihan na expression. Napahawak ng mahigpit si Wax sa hawak na plastic bag at walang imik na tumalikod. Naglakad ito palayo at tinungo ang direksyon kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Saktong pagsakay ni Wax sa kotse ang pagparada ng sasakyan ni Ken sa parking lot ng coffee shop. Dali-dali itong bumaba at tumakbo papasok sa coffee shop. Sinermonan naman agad ito ni Chloe dahil sa pagiging late nito sa usapan nila. Kumain muna sila sa coffee shop at pinagpatuloy nina Chloe at Apollo ang usapan. Tahimik lang naman si Ken na kumakain at walang imik na sinundan sina Apollo at Chloe na agad pumunta sa mga dress shop para mamili ng mga damit. Parang hindi na siya nakikita ni Chloe ng mga time na iyon kaya bahagyang nakaramdam ng selos si Ken. Kitang-kita din ni Ken ang ngiti nv girlfriend habang binibihisan si Apollo at pinipilian ng mga damit. Naging mahaba ang araw na iyon para sa tatlo kaya ng matapos sila at pagabi na. Nagpaalam na si Apollo dala ang mga pinamili niya. Aalis ito nang bumalik ulit ito. Lumapit ito kay Chloe at may binigay na maliit na paper bag. "Ano ito?" tanong ni Chloe bago kinuha iyon. "Hmm, thank you gift?" sagot ni Apollo. Kuminang ang mata ni Chloe at agad nagpasalamat kay Apollo. Kumaway si Chloe nang makita na umalis na nga ang binata. "Ken! Look binigyan tayo ni Apollo ng rega— anong problema?" tanong ni Chloe matapos makita ang pagkairita sa mukha ni Ken. "Umuwi na tayo. Ihahatid na kita sa unit mo," ani ni Ken bago tumalikod. Agad siya hinabol ni Chloe at hinawakan sa braso. "Anong problema?" may pag-aalala na sambit ni Chloe. "Problema ko? Nakikita mo ang sarili mo habang nakatingin kay Apollo at tuwang-tuwa?" ani ni Ken bago hinarap si Chloe. "Nakalimutan mo na yata na kasama mo ako at may boyfriend ka dahil may gwapo kang kasama," ani ni Ken na nakayukom ang kamao habang pilit na kinakalma ang sarili. "Kaninang umaga kaya na-late ako dahil hindi ako makapili ng damit na susuutin ko. Gusto ko din maging gwapo sa paningin mo pero wala— heto lang ako." "Wait nagseselos ka ba?" tanong ni Chloe na natatawa. "Seryoso ako, Chloe!" napataas ang boses ni Ken kaya napatigil si Chloe. Napatigil din si Ken pero agad ito humingi ng tawad. "Ken, hindi mo kailangan i-compare ang sarili mo kay Apollo. Isa pa anong ganyan ka lang. Hearthrob ka sa buong campus, matalino at responsable. Hindi din madaling makahanap ng lalaking tatagal sa iyo ng ilang taon na tanging paghawak lang sa kamay ng girlfriend niya ang pwede." "Hindi mo kailangan maging kasing level ni Apollo dahil minahal kita hindi dahil sa mukha." May isa pang hawal na paper bag si Chloe at inabot niya iyon sa kasintahan. "Kuhanin mo iyan. Suutin mo 'yan bukas ah para pair tayo," nakangiti na sambit ni Chloe. Kinuha iyon ng binata at nagulat siya matapos makita na mukhang couple shirt iyon at pareho sila ni Chloe. "Tama na ang drama okay?" "Hindi mo din kailangan magpa-gwapo pa dahil kahit kailan hindi ka naging pangit sa mga mata ko," ani ni Chloe bago niyakap ang braso ni Ken na kinatawa ng binata. Sa isang iglap nawala lahat ng doubt ni Ken at ang bigat na nararamdaman niya maghapon dahil sa babae. Niyaya na ng binata si Chloe sa sariling sasakyan at pinagbuksan ito ng pinto. Sumakay na si Chloe sa passenger seat. Binuksan din ni Chloe ang binigay ni Apollo na regalo. Sumakay si Ken sa driver seat at sinimulan na paandarin ni Ken ang sasakyan. "Gosh! Babe look! Binilhan tayo ni Apollo ng couple bracelate!" Sandaling napatingin si Ken sa hawak ni Chloe. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Ken matapos makita iyon. "See, support din siya sa atin! Gosh dahil diyan! Bibigay natin sa kanya ang fully support natin at itatakbo natin siya kay Waxy!" "Aja!" ani ni Chloe na may pagsuntok pa sa ere. "Babe, suot natin," ani ni Chloe. Tumango lang si Ken kaya sinuot ni Chloe ang bracelate sa kaliwang kamay ni Ken. Sinuot din ni Chloe iyong sa kanya. Simple silver bracelate lang iyon pero napakaganda 'non tingnan dahil sa design. "Chloe, wala ka naman crush kay Apollo diba?" "I mean natural lang na magka-crush kahit may boyfriend. Ma-attract kasi gwap—" "Wala noh! Gwapo si Apollo pero hindi ko siya type. Isa pa mas gusto ko siya para kay Wax hihi. Kinikilig ako kapag nakikita ko silang dalawa or gumagawa ng nga effort si Apollo para suyuin si Wax," hyper na sambit ni Chloe. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Ken matapos makita ang natutuwang expression ng kasintahan. Para itong bata na nae-excite dahil may nakita na naman itong bagong paglalaruan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD