14

1254 Words
Chapter 14 3rd Person's POV Maya-maya nagpaalam na ang ginang. Lumapit si Apollo na may dalang lalagyan na may laman na kikiam at kwek-kwek. Umupo sa harap ni Wax si Apollo. "Gusto mo?" tanong ni Apollo matapos makita na nakatingin ang binata. "Share tayo?" ani ni Wax na kinangiti ni Apollo. Nag-share ang dalawa sa mga inorder ni Wax at sa inorder ni Apollo. Nag-order pa si Wax matapos magkulang sa kanila ang inorder nilang dalawa. "Bukas babalik ulit ako dito. Ang sarap ng pagkain niyo dito," ani ni Wax habang ngumunguya. "Yeah, pero sa tingin ko tigilan mo na ang pagba-bike mukhang aatakihin kana anytime." "Anong ibig mong sabihin doon? Sinasabi mo na ba na mataba ako at hindi ko kaya kas—" "Masyadong mahina ang stamina mo at wala akong sinabing mataba ka okay? Nag-aalala lang ako," ani ni Apollo. Naitikom ni Wax ang bibig matapos makita na walang pagsisinungaling sa expression ng binata. Kalmado lang itong kumakain. Nilagyan ulit ni Apollo ang plato ni Wax bago tiningnan. "Pwede ka makisabay sa akin bukas then pasundo kana lang sa driver mo sa labasan. Walang parking lot dito at medyo hassle kung magpapasok kayo ng sasakyan sa lugar na ito." "Ayos lang ba?" tanong ni Wax na may alanganin sa expression. Gusto niya ulit bumalik doon kasi nasarapan siya sa mga pagkain na nandoon pero ayaw niya makaistorbo kay Apollo. "Oo naman bakit hindi?" nakangiti na sambit ni Apollo. Hindi alam ni Wax ang ire-react lalo na at pakiramdam niya hindi niya deserve ang 'ganon na pakikitungo ni Apollo. "Apollo pwede magtanong?" ani ni Wax bago binitawan ang hawak na baso na kinatingin ng binata. "Sa lahat ba ng tao ganito ka? I mean kung may ex girlfriend ka ganito din ba ang pakikitungo mo?" tanong ni Wax. Umayos ng upo si Apollo. "Actually, hindi ko alam. Hindi pa ako nagkaka-girlfriend," sagor ni Apollo. Muntikan na mahulog si Wax sa kinauupuan dahil doon. "May nagustuhan ka na?" tanong ni Wax na parang hindi makapaniwala. "Ikaw," mabilis na sagot ni Apollo na kinangiwi ni Wax. Napasapo sa noo ang binata at tiningnan ang lalaki. "Bukod sa akin?" tanong ulit ng binata. Nagkibit-balikat si Apollo at pinagpatuloy ang pagkain. "Wala," mabilis na sagot ni Apollo. Parang mababaliw si Wax matapos marinig ang mga iyon. "Then anong naging basehan mo para kulitin at ligawan ako kung wala kang experience sa relationship. Paano mo din nasabi na gusto mo ako kung wala kang idea kung ano ba ang word na like," kunot noo na tanong ni Wax kay Apollo na balewala lang na kumakain. "Sayo lang ako naging interesado that's it," ani ni Apollo na kinagusot ng mukha ni Wax. "Interesado? What do you mean naku-curious ka sa akin?" tanong ni Wax. Hindi sumagot si Apollo kaya nahawakan ng mahigpit ni Wax ang mga kubyertos. "Hindi ko alam kung anong sinasabi o iniisip mo pero may something sa iyo na hindi ko nakikita sa iba," sagot ni Apollo na kinatigil ni Wax. Sinalubong ng tingin ni Apollo si Wax, seryoso itong tiningnan ng binata na naging dahilan para makaramdam ng lamig si Wax. "Kung itatanong mo kung sa lahat ng bagay, hayop o tao ganito ako— nagkakamali ka dahil sa iyo lang ako ganito. Tipong kapag nasa harap mo ako iba ang ginagawa ng katawan ko sa sinasabi ng utak ko." — Kinabukasa, parang zombie na naglalakad si Wax papunta sa classroom niya. Ilang beses pa ito muntikan mahulog sa hagdan dahil sa sobrang antok. Konting oras lang kasi ang naging tulog niya dahil kay Apollo na buong gabi ginulo ang isip niya. "Mygod!" tili ni Chloe matapos masalubong si Wax sa pinto. Feeling ng dalaga aatakihin siya sa puso dahil sa tyura ng binata. Tuloy-tuloy lang na pumasok si Wax sa classroom at umupo sa upuan niya. "Prenny! Anong nangyari sa iyo? Naka-shabu ka ba? Nakagat ka ba ng mga baklang zombie sa labas or what?" tanong ni Chloe matapos makita si Wax na sumubsob sa lamesa. "Chloe, anong alam mo kay Apollo?" tanong ni Wax bago inangat ang tingin kay Chloe. Gumuhit ang nangaasar na ngiti sa labi ni Chloe kaya agad iyon binawi ng binata at sumubsob ulit. "Joke lang! Ito na nga eh!" ani ni Chloe na kinatingin ni Wax. "Base ito sa kwento ni Ken ah. Naging ka-schoolmate niya kasi sa dati niyang school ang TK," ani ni Chloe na iniikot ang upuan paharap sa pwesto ni Wax. "Simulan natin sa TK. Si Apollo ang leader at isa sa founder ng TK o mas kilalang territorial Kings. Binubuo sila ng limang naggagwapuhan, sobrang yaman at nag-uumapaw ang hotness na mga miyembro. Sa limang iyon si Apollo at si Grim Vergara lang ang masyadong iwas sa tao. I mean mahirap daw pakisamahan ang dalawang iyon dahil masyadong maikli ang pasyensya at bayolente," ani Chloe na kinakunot noo ni Wax. Umayos ng upo si Wax at inisip ang mukah ni Apollo na nakangiti. "Sigurado ka ba na si Apollo ang tinutukoy mo?" tanong ni Wax na may pagtataka. "Gaga ka! Hindi mo ba naalala ang sinabi namin sa iyo ni Ken. Ibang tao si Apollo kapag nasa harap mo." "Ibig sabihin na nagpe-pretend lang siya sa harap ko 'ganon ba iyon?" kunot noo na sambit ni Wax na kinasapo ni Chloe sa noo. "At anong dahilan para gawin iyon ni Apollo? Duhh, leader si Apollo ng sikat na banda ng TK kung hindi lang nagpasya sina Apollo na ituloy ang pag-aaral nila namamayagpag sigurado sila ngayon sa entertainment industry! Mahalaga sa mga artista ang image at kung wala lang talagang looks si Apollo at talent, walang tao ang magkakagusto sa kanya kung 'ganon ang ugali niya sa ibang tao," ani Chloe na kinatigil ni Wax. "Imaginin mo kung ang Apollo na kaharap mo araw-araw ang nasa harap ng camera at alam ng madaming tao. Gosh, baka tayuan na ng rebulto ng sambayanan ang taong iyon," ani ni Chloe matapos mag-cross arm. "Madaming takot kay Apollo at kay Grim in some reason. Hindi mo din masasabi na nagpe-pretend siya sa harap mo kung wala naman siyang mapapala sa iyo kahit na ano." "Naguguluhan ako Chloe," ani ni Wax bago pinatong ang baba sa mga braso at tumingin sa sahig. "Ayoko na sumugal, nakakatakot magbigay at magtiwala," ani ni Wax na kinalambot nv expression ni Chloe. "Prenny, hindi ka naman pinipilit ni Apollo diba?" tanong ni Chloe na kinatingin ng binata. "Ang kailangan mo lang gawin ngayon, tumanggap ka ng tumanggap hanggang sa mapuno ka. Makaya na ulit ng puso mo magbigay at kapag dumating ang time na iyon. Magiging malinaw na sayo ang lahat— wala ng sakit o takot hindi kana magdadalawang isip na ibigay iyon sa taong nagpapatibok 'nan ngayon." "Kailangan mo lang i-open ang sarili mo sa kahit na sino at maghintay," ani ni Chloe na kinangiti ni Wax ng konti. "Kapag nakikita ko nga kayo ni Apollo feeling ko click talaga kayo para sa isa't isa. Alam mo iyon parang susi at padlock, kutsara at tinidor, walis at dustpan, ganon," ani ni Chloe na kinangiwi ng binata. "Paano mo nasabi?" tanong ni Wax. Humawak si Chloe sa baba niya at parang nag-iisip. "Paano ba i-explain. Iyong vibes niyo kasi kapag magkahiwalay kayong dalawa— parang lagi kayong may hinahanap." "Tigilan mo kapanonood mo ng mga drama, Chloe ang dami mong alam," natatawa na sambit ni Wax. "Hindi ah! Totoo iyon," ani ni Chloe na bumuga ng hangin. "Basta 'ganon ang vibes niyong dalawa. Pareho kayong malungkot at may hinahanap."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD