22

1208 Words
Chapter 22 3rd Person's POV Walking distance lang layo ng park sa school kaya nilakad na lang iyon nina Apollo at Wax. Nang makarating sila sa Park at umakyat sa pinakamataas na bahagi ng park. Medyo gumaan ang pakiramdam ni Wax nang humaplos sa balat niya ang malamig at medyo malakas na hangin. Lumapit si Apollo sa railing at umupo doon. Tiningnan niya si Wax at ngumiti. "Upo ka dito. Tingnan mo ang ibaba," ani ni Apollo. Bahagyang napanganga si Wax matapos makita ang bahagyang pagsabay sa hangin ng buhok ni Apollo at ang liwanag na nasa likuran lang ng binata dahil sa palulubog na araw. Tumikhim si Wax. Akala niya immune na siya sa charm at mukha ni Apollo, hindi pa pala. Naglakad si Wax at lumapit sa binata. Katulad ng sinabi nito tiningnan niya ang ibaba. Hindi niya maiwasan mapahanga lalo na at makitang pababa ng araw. May pumasok sa isip ni Wax kaya natawa ang binata. Napatingin si Apollo. "Alam mo ba 'nong bata ako may naging kalaro ako na batang babae. Siya iyong bata na hindi marunong maka-appreciate ng mga bagay. Lagi din kami nagtatalo kasi wala siyang ginawa kung hindi magsungit at awayin pa ang ibang bata." "Ako naman iyong tipo na ayaw ng magulo at gusto lagi sa tahimik na lugar. I-appreciate ang magagandang tanawin pero siya ayaw niya 'non kasi boring," natatawa na sagot ni Wax. "Kung 'ganon bakit ka pa nakikipaglaro sa kanya? Pwede mo naman siya dedmahin," sagot ni Apollo na kinatingin ni Wax. "Siya ang una kong kaibigan at ang tanging tao na nakilala ko na nakakaintindi sa akin," sagot ni Wax bago humawak sa railing at tumingin sa medyo madilim ng langiti. "Sasabihin niyang ayaw niya ang lugar pero susunod siya sa akin para samahan ako. Todo reklamo siya pero makalipas lang ang ilang minuto magbibiro na siya na kung balak ko daw maging monghe kapag laki ko." "He keep bullying me na ang takaw ko daw pero ini-spoil niya ako like bibigay niya sa akin lahat ng pagkain niya," ani ni Wax na may ngiti sa labi. "Then nasaan na siya ngayon?" tanong ni Apollo. Nawala ang ngiti ni Wax at umiwas ng tingin. "Wala na siya, kung nasaan? Hindi ko alam since 'nong nagkahiwalay kami naalala ko lang may mga taong kumuha sa kanya at pinasok sa sasakyan." Hinigpitan ni Wax ang pagkakahawak sa railing bago yumuko. "Hindi ko na gaanong maalala ang mukha niya pero umiiyak siya habang tinatawag ang pangalan ko. Sinisigaw niya na babalik siya at hahanapin ako. Hintayin ko daw siya." "Sa tingin mo babalik pa siya?" tanong ni Apollo na kinatingin ni Wax. "Who knows? Mapaglaro ang tadhana like iyong dalawang manloloko at higad bigla ko na lang nasalubong sa hallway out of the blue. Doon na din pala sila nag-aaral hindi ko alam," ani ni Wax na natatawa bago tumingin ulit sa langit. "Sabagay, malay mo nasa paligid mo lang pala ang taong iyon. Nakasalubong mo na minsan hindi lang mo lang nakilala." "Kung totoo 'man iyon siguradong siya ang unang lalapit sa akin since alam niya ang buong pangalan ko. Kung makasalubong ko 'man siya siguradong hindi ko siya makikilala since hindi ko na naalala mukha niya at hindi niya sinabi sa akin ang buong pangalan niya." Huminga ng malalim si Wax at nakangiti na hinarap si Apollo. "Salamat ah. Dinala mo ako dito, medyo okay na ang pakiramdam ko. Na-shocked lang talaga ako kanina tapas natakot kaya naiyak ako— nakakahiya tuloy," ani ni Wax na nagkakamot pisngi. "Nah, it's okay. Anyway, pagabi na hindi kana pwede pumunta sa pinagta-trabahuhan ko." "Pero gusto ko kumai—" Inikot ni Apollo si Wax patalikod nang makababa siya mula sa pagkakaupo sa railing. Tinulak-tulak ito para maglakad. "May bukas pa naman at pagod ka kaya umuwi kana," ani ni Apollo na kinasimangot ni Wax. Nagtalo pa ang dalawa bago pumayag si Wax na umuwi na dahil sinabi ni Apollo na kailangan niy agad pumunta sa workplace niya dahil siguradong late na siya. Nang makasakay si Wax sa kotse. Binaba nito ang bintana at sumilip. Tiningnan nito si Apollo na nakatayo sa gilid ng sasakyan. "Gusto mo ba ulit ng cheese roll? Gagawan kita bukas," ani ni Wax kay Apollo na nakapamulsahang nakatayo sa gilid ng kalsada. "Kahit naman ano kinakain ko, basta gawa mo," sagot ni Apollo. Umandar na ang sasakyan— sumilip si Wax at kumaway. Ngumiti lang si Apollo at tinaas ang kamay para kumaway. Nang mawala na sa paningin ni Apollo ang sasakyan. Tumalikod na si Apollo— nawalan ng expression ang binata at madilim ang aura na tinungo ang daan patungo sa campus. Kinabukasan, pagtapak ni Wax ng university. Kumunot ang noo ng binata matapos makita ang tingin sa kanya ng lahat. Hindi maganda iyon at kung tingnan siya ay parang nakapatay. "Wax!" sigaw ni Chloe na tumatakbo kasunod si Ken na puno ng pag-aalala ang expression. "Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba?" nag-aalala na tanong ni Chloe habang hawak ang braso niya. "What do you mean ayos? Mukha ba akong may sakit sa paningin mo?" pabalik na tanong ni Wax bago bahagyang tiningnan ang mga ka-schoolmate nila habang naglalakad sila patungo sa building nila. "Anong nangyari? Bakit masama ang tingin sa akin ng mga estudyante?" Nagkatinginan sina Chloe at Ken bago nagsalita. Hinarap nila si Wax. "Galit na galit si Syra. Pinipilit niya na ikaw ang nagpatali kay Lance sa flag pole ng walang suot," ani ni Ken na kinalaki ng mata ni Wax. "At paano ko magagawa iyon? Alam ba niya kung gaano kalaki si Ken compare sa height ko? Imposible na magawa ko iyon!" asik ni Wax matapos mapatigil sa sinabi ni Ken. "Alam namin iyon. Malaki ang galit mo kay Lance pero hindi mo magagawa iyon pero ang pinalalabas ni Syra ikaw daw ang may gawa. Baka daw may inupahan ka pa para ipabugbog si Lance," ani ni Chloe na kinayukom ng kamao ni Wax. "Wala akong ginawang masama," ani ni Wax na kinatingin ni Ken. "Sinabi ng mga ka-team ni Lance na ikaw ang huling nakita nila kasama si Lance. Nilapitan ka daw ni Lance sa stage," ani ni Ken. Napatigil si Wax matapos may maalala. Hinila ng binata si Chloe at Ken papunta sa pinakasulok ng hallway. "Hindi ako gumawa 'non pero sigurado ako na may kinalaman ang TK," ani ni Wax na kinalaki ng mata ni Chloe. "Ang TK? Bakit naman pagiinteresan nila si—" "Ohmy! Nagselos si Ap—" Tinakpan ni Wax ang bibig ni Chloe at umiling. Tumingin sa paligid si Wax at bumuga ng hangin. "Sinaktan ako ni Lance. May balak yata iyon i-salvage ako at natakot ako sa kanya. Dumating ang isa sa mga barkada ni Apollo. Hindi ko siya kilala pero tinawag siya 'nong Keehan dati na Grim. Basta iyong isa din na gwapong mukhang gangster sa TK. Iyong laging salubong ang kilay at mukhang bampira," ani ni Wax habang ginagaya ang palaging expression ni Grim Vergara. "Si Grim Vergara iyon. Niligtas ka niya?" ani ni Chloe na kumikinang ang mata. "Yeah, tapos sabi niya hanapin ko na si Apollo dahil baka baliktarin na ni Apollo ang buong university kahahanap sa akin— iniwan ko siya kasama si Lance."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD