"Class dismissed..." Napaayos ako ng upo ng marinig ko ang tinig ng professor at sinundan pa ng tunog ng mga upuan. Agad kong sinikop ang mga gamit ko na nasa desk at isa-isang nilagay sa bag ko. Pinanuod ko muna ang isa-isang paglabas ng mga kaklase ko bago ako magpasyang tumayo at lumabas ng classroom. Huminga ako ng malalim. Sa wakas ay natapos din ang Accounting class na tumagal ng two hours. Nakaka-bored din 'yon. Puro debit at credit lang ang pinaguusapan at nakaka-stress din ang pagbabalanse. Tahimik akong naglalakad mag-isa sa hallway palabas ng building. Huminga muli ako ng malalim. At katulad ng dati, hindi ko maiwasan na isipin ang mga nangyari. Five years. It's been five years simula ng umalis kami sa Aldwyne at lumipat dito sa Metro City. Ang sabi nila mama ay dito raw