Chapter 3

2645 Words
Isang linggo matapos ang traumatic experience ko sa school na ito ay pinili ko pa ring mag-patuloy sa buhay. Pinili kong huwag na lamang isipin ang mga nangyaring kaganapan at mas mag-focus nalang sa aking pag-aaral. At sa loob ng isang linggo ay natahimik naman ang buhay ko at hindi na nasundan pa, 'yon nga lang walang gustong makipag-kaibigan sa akin kahit isa. But that's fine, as long as matiwasay ang buhay ko ay okay na 'yon. Mas gugustuhin ko pa na mag-isa, kesa maraming kaibigan pero stressful naman at puno ng drama. Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang may thirty minutes pa bago ang next class ko, kaya mula sa pagkaka-sandal sa malapad na puno ay tuluyan na akong nahiga sa makapal na damuhan habang nakaunan sa bag ko. Tumitig ako sa kulay asul na kalangitan at napabuntong-hiningang muli. Sa nakalipas din na isang linggo ay hindi na nawala saking isipan ang lalaking sinasabing fiancé raw ni Madison. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng inis, siguro dahil nakakainis ang lahat sa babaeng iyon. Mula sa way ng pag-aayos niya sa mukha niya, pananamit, pananalita hanggang sa ugali. Bukod pa doon, obvious naman na patay na patay siya sa lalaking 'yon to think na mukhang magka-edad lang kami at 'yong mga lalaki ay mas matanda na sa amin na sa tingin ko ay six to seven years? But, I don't care. Nakakainis silang lahat dahil hindi na nila pinapatahimik ang isipan ko. Pero may something talaga sa kanya. 'Yong malalim niyang boses at mga mata ay parang pamilyar. O feeling ko lang? I should be grateful to them dahil niligtas nila ako do'n sa childish na pa-welcome party ni Madison, but it's their fault too dahil hinahayaan nilang gawin ng babaeng yon ang mga walang kwentang bagay porque mayayaman sila. Ilan pa kayang mga estudyante ang nagawan nila ng ganoon bukod sa akin? Napabuntong hininga na lamang akong muli at pumikit. Pilit na winawaksi ang kanilang mga mukha sa akin isipan. Mabilis akong napabangon at napaubo nang pumasok sa ilong ko ang tubig na bumasa sa buo kong mukha at blouse. Dumilat ako at agad kinuha ang bag ko saka tumingala, doon ay nakita ko ang ilang estudyante na nakangising nakatingin sa akin. Hindi pa ako nakakabawi ay may tumama na naman sa uniform ko at nahulaan ko kaagad ito dahil sa lansa ng itlog na paborito kong ulamin o ipalaman sa pandesal tuwing umaga. "Hello there beggar, miss me?" Mapang-asar na sabi ni Madison Stoner na biglang lumitaw sa harapan ko. Nakasuot siya ng sleeveless khaki blouse, yellow skirt at yellow headband with ribbon. Sa lahat ng estudyanteng babae dito sa university, siya lang ang may lakas ng loob na hindi mag-uniform. Minsan tuloy ay napapaisip ako kung tama bang tawaging prestihiyoso ang university na ito kung may mga estudyante na kagaya niya. Hindi pwedeng i-rason na mayaman siya o may share ang mga magulang niya sa university na ito dahil labag iyon sa batas. "Alam mo ba, sa lahat ng ginagawan ko ng ganito, ikaw lang ang hindi umiiyak at nagmamakaawa. Bakit kaySiguro pinapatay mo na ako dyan sa isip mo no?" sabi pa nito habang nakangisi sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi niya ba naalala na nagmaka-awa na ako? Sa aming dalawa tingin ko talaga siya ang stupid. Napa-iling ako saka napatingin sa blouse ko na basang-basa at malansa. Marahan kong pinagpag ito kahit na alam kong useless din naman. "Bakit ako magmamakaawa, napaka-immature mo naman mag-isip." Bulong ko na mukhang napalakas dahil bigla niya akong sinampal, hindi pa siya nakontento ay hinawakan pa ang buhok ko at hinila palapit sa kanya. Mahina akong napadaing. Namumuro na ang babaeng 'to sa pananakit sa akin. Buti sana kung hindi malakas, kaso nung nakaraang sampal niya talagang namaga ang pisngi ko at kinailangan ko pang lagyan ng yelo. Mabuti na lamang at mag-isa lang ako noon sa bahay kaya walang nag-usisa kung saan ko nakuha ang pamamaga ng pisngi ko. Kung pwede lang gumanti. Kung pwede lang manampal din ng malakas. Kung pwede lang talaga. "How dare you, stupid pathetic b***h! Who the hell are you to talk back?! Matuto ka ngang lumugar and show some respect!" Sigaw niya, at mukhang galit na galit siya dahil kitang-kita ko ang pulang-pula niyang mukha. This cruel world is so f*****g unfair. Kailangan talagang laging lumugar ng mga mahihirap at pakisamahan ang mga mayayaman sa mga gusto nilang mangyari kahit gaano pa ito ka-walang kwenta. Minsan naiisip ko, bakit kung sino pa ang mayaman o meron ay sila pa ang masasama ang mga ugali? Natural na ba talaga 'yon sa kanila? Kailangan ba kapag mayaman ay masama din ang ugali? Trend ba yon today? "My apologize, queen." Sabi ko na lamang kahit na ang bigat sa kalooban ko. Hindi sa sinisisi ko ang mga magulang ko, pero hindi ko ma-iwasan na mag-isip kung bakit mahirap lang kami. Hindi sa mimamaliit at kinakahiya ko ang pagiging magsasaka nila, pero you can't blame me. Kung sana pinanganak nalang ako na mayaman. Hindi naman ako ganito mag-isip dati, kaso simula nang tumuntong ako sa school na to ay parang gusto ko nalang din maging mayaman. Ayoko na sana pumasok sa school, kaso paano ako yayaman kung hindi ako mag-aaral? Ako lang ang inaasahan nila papa na mag-aahon sa kanila sa kahirapan. I hate to say this but i'm stuck living this pathetic life. "You should be..." Nakataas ang kilay na sabi nito. Huminga ako ng malalim. Ganito siguro talaga ang buhay. Bago sila tuluyang maglakad paalis ay nakita ko pang may binulong siya doon sa babaeng kasama niya, hindi ko na lamang iyon pinansin at babalik na sana sa pwesto ko kanina nang bigla akong napatid sa lubid. Natumba ako at muntik ng sumubsob buti nalang agad kong naitungkod ang kamay ko. Mabilis din akong nakabawi at umupo sa damuhan. Narinig ko ang pag-tawa ng mga babaeng iniwan ni Madison at doon ko napagtanto na kagagawan nila ang nangyari. Tinignan ko sila ng masama pero inirapan lang nila ako saka taas noong naglakad paalis. Niyakap ko ang mga tuhod ko at inihipan ang malaking sugat na may dugong tumutulo. Hindi ako tumigil sa kakaihip dahil sa sobrang hapdi niyon, hanggangbsa namalayan ko nalang na tumutulo na din pala ang mga luha ko. Napaka-iyakin ko talaga. Kahit anong tatag ko na lagi kong sinasabi sa parents ko ay iyakin pa rin ako. Hanggang kailan ko ba kayang tiisin ang mga ito para lang maka-graduate sa magandang school na 'to na sinasabi nila? "Are you okay?" Nag-angat ako ng tingin at isang kulay tsokolate na mga mata ang sumalubong sa akin. Maganda ang mata niya na may mahahabang pilik-mata at matangos na ilong. Medyo singkit ito at manipis ang mga labi. Seryoso rin ang mukha niya na para bang maraming tinatago. Masarap siyang titigan mag-hapon, pero mas nangingibabaw ang sakit at hapdi na nararamdaman ko ngayon. "Hindi ba obvious? Kailangan mo pa ba ng proof?" Hindi ko maiwasang mag-taray at maging sarcastic dahil sa lubusang emosyon na nararamdaman ko. Nadinig ko ang bahagya nitong pagtawa kaya sinamaan ko siya ng tingin at sumubsob na lamang muli sa mga tuhod ko. I felt hopeless. Isang babae na basa ang kalahati ng katawan, may mga egg shells at yolks sa uniform, may malaking sugat sa tuhod at umiiyak. Great, I am such a lucky person. Hindi ko napigilan ang pagkawala ng hikbi ko na ikinatigil ng pag-tawa nito. Naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa kamay ko at paghila sa akin patayo. "Sorry. Sabi ko nga. Bakit kasi hindi ka lumalaban sa kanila?" Sasagot pa sana ako nang hindi inasahan ang sunod niyang ginawa. He hugged me, na nagpatigil ng mundo ko. Hindi ko maipaliwanag ang comfort na naramdaman ko kaya wala sa sariling napapikit na lamang ako. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam simula ng mag-aral ako dito, at masaya ako, dahil nandito siya. Ilang sandali pa ay kumalas siya sa pagkaka-yakap sa akin at tinitigan ako sa mga mata. Masarap nga siya titigan mag-hapon, ngunit habang tumatagal ng pagtitig ko sa kanya ay ibang imahe na ang nabubuo sa isip ko. Agad kong nag-iwas ng tingin dito at napa-iling. Inalalayan niya akong maupo sa bench malapit sa amin saka isa-isang tinanggal ang mga shells sa uniform ko. Huminga ako ng malalim bago muli tumingin dito. "You must be, Alyssa, right? Iyong scholar?" Tanong niya na ikinatango ko. "I am Jared Sandoval." And he smiled at may parte sa aking sobrang nasiyahan sa ngiting iyan. Hindi ko lang malaman kung saan. "Bakit hindi ka lumaban sa kanila, Alyssa?" Tanong niya muli. "Ayoko lang..." Mabilis kong sagot. I have a mental note to myself na h'wag ng babanggain ang babaeng 'yon or makasalubong man lang. Ako na lang ang iiwas tutal ako lang din naman ang laging kawawa. Lalong lumapad ang ngiti niya sa sinabi ko. Hindi pa siya nakontento ay ginulo niya pa ang buhok kong magulo na. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanuod ang likod niyang papalayo sa akin. Atleast, may mga tao pa palang mabait sa school na ito. Hindi ko pinansin ng mga mapang-husga na tingin sa akin habang naglalakad ako patungo sa locker room, at nang makarating doon ay mabilis na kinuha ng p.e uniform ko at nag-shower. Saktong tumunog ang bell para sa next subject kaya nagmadali ako. Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating sa next class ko na nasa fourth floor. At nang abot-tanaw ko na ang classroom ay siya namang paghila sa akin ng kung sino at dinala sa bakanteng silid. "Let me go you je--" Naputol ang sasabihin ko ng bigla nyang takpan ang bibig ko. "Don't shout b***h!!" Napatigil ako ng marinig ang pamilyar na boses, ang malalim na boses na hindi nagpa-tulog sa akin no'ng nakaraan na linggo. "B-bakit po? Ano po ang kailangan niyo?" Nauutal kong tanong. Hindi ko alam kung bakit nakakatakot siyang tignan. Damang-dama ko ang panginginig ng tuhod ko dahil sa mga titig niya. Bahagya akong napalunok at pilit na nilabanan ang mga titig niya. He has a dark aura yes, but that doesn't change the fact na mas gwapo siya kesa sa playboy na naka-bangga ko at kay Jared Sandoval na yumakap sa akin kanina. Hindi ko alam kung paano mag-compare ng mga gwapo basta ang sabi ng utak ko ay mas gwapo siya. His dark brown eyes is so captivating. He's complexity is pale but he did not look feminine dahil ang manly ng dating niya. He has a well built body na alaga sa workout, at ang bango ng hininga niya. Amoy mentol. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin kaya dahan-dahan din akong umatras, hanggang sa maramdaman ko ang pader sa likod ko. Napalunok ako, nanatili ang mga titig niya sakin. Nahigit ko ang paghinga ko nang mas lumapit pa siya. Ikinulong niya ako nang ilagay niya ang mga kamay sa magkabilang gilid ng ulo ko. Hindi ko na kinakaya ang lapit niya. Naramdaman ko din ang pagtayo ng balahibo ko nang madikit sa pisngi ko ang isa niyang braso. Anong klaseng tao ba ito at bakit ganito ang epekto sa akin? Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya, at napapikit nang mas lumapit pa siya. Hindi ko alam kung naririnig niya pero sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanatili lang ako nakapikit na para bang naghihintay hanggang sa maramdaman ko ang pag-layo niya. Dahan-dahan akong dumilat. Nakita ko ang nakakalokong ngising nito na lalong nagsasabi sa akin na ang guwapo niya. "It's payback time..." Mahinang sabi nito na sapat lang sa pandinig ko. Kumunot ang noo ko sa narinig at biglang naguluhan. Payback? Ano ba ang ginawa ko? Dahil ba ito sa ginawa sa akin ni Madison at dahil girlfriend niya iyon ay gagantihan niya. Dahil ba sa namantsahan kong mamahaling damit ng girlfriend niya? Tinitigan lang niya ako saka muling lumapit at maya-maya ay itinulak ng malakas sa pader. "Aray!" daing ko sabay hawak sa balikat ko. Bakit ba ang hilig manakit ng mga tao dito?! "You have no idea?" Seryosong tanong nito. Umiling ako. Sino ba siya? Ano ba nagawa ko? Siya ang fiancé ni Madison but i don't know his name. This is the second time that i encounter him after the welcome party. Pilit kong halukayin ang isip ko kung may kasalanan ba akong nagawa sa taong ito pero wala talaga akong maalala. "Meet me at the parking lot after your class. I'll show you everything. And If not, lagot sa akin ang kapatid mo..." Hindi na niya ako hinintay na sumagot at agad na umalis. Kapatid. Isa lang naman ang kapatid ko at 'yon ang kakambal ko na si Alex. Pero paano niya nakilala si Alex? Is he my brother's friend? I don't know Alex's whereabouts pero hindi ko sure kung magka-ibigan sila kung malalagot si Alex kapag hindi ako nakipagkita dito. Hindi kaya inutangan niya ito at ako ang sinisingil? Pero paano ako nakilala ng taong ito as Alex's sister and not the beggar of this School? Something is not right. Pagka-sarado niya ng pinto ay agad akong napa-upo sapo ang dibdib ko. Huminga ako ng malalim. Grabe ang kaba ko, ngayon lang ako natakot sa isang tao at sa hindi ko pa malaman na dahilan. Ano ba talagang plano sa akin ng kapalaran at sunod-sunod ang kamalasan ko sa lugar na ito? Tinignan ko ang oras sa phone ko. Thirty minutes na ang nakalipas. Hindi na ako pwedeng pumasok dahil I'm sure hindi na din ako papapasukin. Manghihiram nalang ako ng notes sa kung sinuman magpa-pahiram. Ang gusto ko lang naman ay mag-aral at matuto. Bakit hindi ko yun kayang gawin? Bakit ang daming nanggugulo? Nang mahimasmasan ay tumayo ako at aalis na sana ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang babaeng nakangiti. "Hi, I'm Harlene Nicole Reyes..." sabi nito at lumapit sa akin saka naglahad ng kamay. Hindi na ako nagdalawang isip at tinanggap yon dahil na din sa first time ito. God. Gusto ko lang po talagang matuto at mag-aral ngayon. Bakit ang hirap po? May ilang subjects pa ako na gustong pasukan, but i'm sure hindi ako tatantanan ng babaeng ito kung aalis ako. "What do you want?" Iritable kong tanong. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi nito sa sinabi ko. Lumapit ito sakin, saka tumayo sa harapan ko. "I'm going to tell you everything. As in everything...in one condition...." Dagdag pa nito habang nakangisi sakin. Tinignan ko siya ng may pagtataka kaya natawa siya. I don't know if i'm still interested to know everything after what happened. Dapat noong una pa niya ako nilapitan. At bakit may kondisyon pa? Wala naman siyang mapapala sa akin. "You don't know him, right? Iyong lalaking kausap mo kanina..." Tanong niya. Tumango nalang ako bilang tugon. Lalong lumapad ang ngiti niya sa sinabi ko at bahagya pang tumalon na parang tuwang-tuwang bata na nabigyan ng kendi. "Great! Ipapakilala ko sayo ang powerful students ng St. Bernadette University." Puno ng galak na sabi niya at kinidatan ako. Napatango nalang ako at hindi na nagsalita. Pinanuod ko siya hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Nakakabinging katahimikan ang sumunod na namayani. Nanatili akong nakatitig sa kawalan hanggang sa mapagpasyahan kong umalis na din. Huminga ako ng malalim at nagbilang hanggang sampu saka lumabas ng bakanteng silid, saktong naglabasan na din ang mga classmates ko na ni isa hindi man lang ako tinapunan ng tingin o nagtanong kung anong nangyari sa akin. Napailing nalang ako at umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD