Chapter 2

1597 Words
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ramdam ko ang mga tingin nila na mapang-husga na para bang isa akong kriminal kahit na ang kasalanan ko lang naman ay natapunan ko ang queen nila at na-dumihan ang sobrang mahal nitong damit na hindi ko daw kayang bayaran. Patuloy ang pagkaladkad nila sa akin hanggang sa makarating kami sa parte ng school kung saan maraming puno. Napaka-aliwalas ng lugar na ito. Halos puro berde din ang mga bagay na makikita dito. May iba't-ibang klase ng mga maku-kulay na bulaklak at may fish pond din sa gitna. Tahimik at maganda na sana ang paligid kung hindi lang ganito ang gagawin sa akin. "Bilisan niyong itali yan! Bakit ba napakabagal niyo?!" Nabulabog ang buong paligid sa sigaw ng babaeng ito, kasunod niyon ang pagbagsak sa akin sa upuan na nasa gitna na isang white na monobloc din na mukhang pinaghandaan talaga. "Bitiwan niyo nga ako! Wala akong kasalanan sa inyo!" Sigaw ko habang pilit na nagpu-pumiglas pero mas malakas sila. Mabilis nila akong na-itali sa upuan, kasunod ang mga kamay at mga paa ko. Napayuko nalang ako ng mapagtanto na wala na akong laban. I guess this is the fate of a poor girl, entering a rich den. Napapikit ako. Pilit na pini-pigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Ayokong umiyak. Hindi ako mahina. Hindi ako talunan. "Pasensya na, napag-utusan lang. Matuto ka kasing gumalang at rumespeto sa queen." Dinig kong sabi ng isa sa nagtatali sa akin. I already knew that she's the queen of this school. I just don't understand why the queen needs to be childish like this. Nag-angat ako ng tingin, at napabuntong-hininga ng makita ang kumpulan ng mga estudyante na kanina ay tinitignan ko lamang. Mabilis talaga umikot ang mundo. Sinubukan kong mag-maka-awa at ipa-intindi na wala akong kasalanan, ngunit walang pumansin kahit na isa, bagkus tinawanan pa ako ng lahat. Akmang sisigaw muli ako ng lumapit ang babaeng natapunan ko ng iced tea na ngayon ay naka-pagpalit na ng damit dahil sleeveless na kulay cream na ang suot nito. Nagulat ako ng malakas niya akong sampalin na nagpa-baling ng ulo ko sa kabilang gilid. Mabilis akong naramdam ang pamamanhid at pag-kirot ng pisngi ko. Great. Hindi ako kailanman nasaktan ng mga magulang ko, siya pa lang. "Shut up, beggar! Shut your stupid mouth or puputulin ko yang dila mo!" Sinalubong ko ang mga mata niya. Sobrang inis ang nadarama ko sa mga oras na ito para sa babaeng 'to, at tila mukhang natutuwa pa siya sa pinapakita ko dahil nagawa niya pang ngumisi. "Tignan natin kung makatingin ka pa ng ganyan mamaya..." Sabi niya saka umalis sa harapan ko. Naglakad ito patungo sa dalawang babae na lagi nitong kasama saka walang sabi-sabi na tinapon ang hawak nito na sa tingin ko ay ang damit na suot nito kanina. Muli siyang humarap sa akin habang hindi pa din nawawala ang nakakairitang ngiti nito. "This is your welcome party from the only queen of St. Bernadette University. Remember me, beggar. I am Madison Stoner. The only queen, at fiancee ni king Zayden. Remember this beautiful face because if you're going to messed up with me again ay hindi lang ito ang mararanasan mo..." Mahabang lintanya nito. Napabuntong-hinga na lamang ako at pumikit. "LET THE PARTY BEGINS!" Malakas na sigaw ni Madison. Nanatili akong nakapikit habang pinakiki-ramdam ang paligid. Dinig ko ang mga yabag nila papalapit sa akin. At nag-umpisa na nga sila. Mula sa likod, naramdaman ko ang pagbagsak ng malamig at malansa na tubig sa ulo ko na nagpa-singhap sa akin. God! Wala akong extrang damit! "Refreshing ba? Tubig yan mula sa pond." Dinig kong sabi ni Madison. Dumilat ako at nakita ang masasaya nilang mukha. Paano nila nagagawang maging masaya, knowing na may tao silang pinagtutulungan? Napa-ubo ako nang maramdaman ang pagsaboy ng harina sa ulo ko, hindi pa ito nakuntento at sinaboy pa ito sa mukha ko dahil para lalo akong mapa-ubo. Huminga ako ng malalim at muling napapikit. Bakit sabi nila napaka-swerte ko kasi ako ang napili na pumasok sa school na ito? Nasaan ang swerte dito? Gan'tong klaseng swerte ba ang ibig nilang sabihin? Muli kong naramdaman ang pagbato ng harina sa katawan ko, maya-maya ay isang bagay na naba-basag naman ang tumatama na sakin. Itlog? Napapasinghap ako sa t'wing nararamdaman ito. Masakit pala talagang batuhin ng itlog. Nakakairita ang malakas na tawanan nila habang walang tigil sa pagbato sa akin ng kung anu-ano. Napagod na akong magpumiglas kaya hinayaan ko na lang sila at tinanggap ang kapalaran ko. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong naka-upo at nakatali. Hindi ko na din maramdaman ang sakit ng pag-bato nila ng mga itlog sa katawan ko at sa tingin ko namanhid na ito sa sobrang tagal. Hanggang sa naramdaman ko ang pagtigil ng mga pagbato kasunod ng mga yabag papalapit sa direksyon ko. Dumilat ako at nakita ang mukha ng babaeng may pakana nito. Madison Stoner. One word to describe her? Childish. "And for the final event...boys?" Sabi niya sabay baling sa dalawang lalaki na nakatayo sa gilid ko na agad naman lumapit sa kanya, habang ang isa ay pumunta sa harapan ko at pinaka-titigan ako. May in-i-abot ang isang babae dito na agad naman niyang kinuha at ipinakita sa akin. Napangisi siya at unti-unting itong nilapit sa katawan ko. Agad akong nag-panic ng makita iyon at sumigaw. "S-sandali.. anong gagawin mo?! Huwag kang lumapit!" Banta ko dito pero mukhang hindi siya natinag. Hawak na niya ang collar ng damit ko at unti-unting nilalapit sa damit ko ang gunting. Damn it! s**t! s**t! Ni sa hinagap ay hindi ko pinangarap na mang-yari ito sa akin. Oh my god help me. "Huwag kang lalapit!" Sigaw ko muli saka bumaling sa babaeng may pakana nito. "Miss Stoner, pigilan mo siya! Sobra na ito!" Sigaw ko na ikina-ngiti pa nito. "Ano ako, stupid? Main event nga yan eh. Mag-enjoy ka nalang..." Sagot naman nito sabay tawa na sinabayan ng mga immature na tao sa paligid ko. "s**t!" sigaw ko ng magupit na niya ang collar ko pababa sa tiyan ko. Tanging malakas na sigaw ko ang maririnig sa buong lugar at ang nakaka-irita na tawa ni Madison. Pinilit kong mag-pumiglas kahit na alam kong wala akong sapat na lakas para pantayan ang sa kanila. s**t lang, naka-expose na yung kaliwang dibdib ko at nakita ko ang malagkit na tingin ng lalaki sa harapan ko. I swear, once na makawala ako dito ay makakapatay ako. I freaking swear! Patuloy ang pagtawa ng ilan, mukhang nasisiyahan pa sila sa reaksyon ko. Naramdaman ko na rin ang paglandas ng luha sa right eye ko kasabay ng kawalan ng pag-asa. Please help me, God. Sana magka-himala. At mukhang narinig ni God ang panalangin ko nang biglang tumigil sa ginagawa niya ang lalaki sa harapan ko, nakatingin siya ngayon sa likod ko at maya-maya ay tumayo ito ng tuwid, nakita ko ang biglang panginginig nito na dahilan ng pagka-bitaw sa gunting sabay tumakbo papalayo. Natahimik din ang lahat at si Madison ang unang nakabawi. "Babe?! What are you doing here?" Maarteng tanong nito at naglakad sa tabi ko papunta sa likuran. Ito na ba ang himala? Anong nangyayari? "What do you think you're doing, Madison?" Seryoso at may diin na saad ng lalaki sa likod ko. Bakit parang may something ako na naramdaman nang marinig ko ang malalim niyang boses? Nagulat ako ng biglang may lumuhod sa harapan ko at maingat na tinanggal ang tali sa mga binti ko. "Sino ka?" Tanong ko dito. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy siya sa ginagawa. Naramdaman ko rin na may parang nagkakalas ng tali sa magkabilang braso ko, nang lingunin ko ito ay seryoso ang kanilang mukha. Ano kayang nangyayari? "Nothing babe, I'm just playing around. Gusto mo ba na sumali?" Dinig kong maarteng sagot ni Madison dito. Hindi ko makita ang ginagawa nila dahil nakatalikod ako sa kanila. Sabay-sabay silang natapos sa pagkalas ng lubid sa binti at braso ko. Seriously? Ganun ba 'yon kahigpit? Tumayo ang naka-luhod sa harap ko at nakita ko siyang nakangiti. Inilahad niya ang kamay niya kaya napa-kunot ang noo ko. "Sabi ko sayo magkikita ulit tayo eh..." Aniya at hinila ang kamay ko. I-sinuot niya sa akin iyong jacket na in-i-abot ng lalaki sa kaliwa ko sabay akbay sa akin. "Still remember me? Destiny, isn't it?" Sabi pa nito habang nakangiti. Hindi ko siya pinansin at itinulak ito saka tumalikod para makita ang tao sa likod ko na kanina pa kausap ni Madison. Nakalingkis ito sa braso niya habang nakahilig ang ulo sa dibdib nito. Tinignan ko ang mukha niya at seryoso lang itong nakatingin sa akin. Sa pagtama ng aming mga mata ay parang may isang kuryente na dumaloy sa bawat veins ko na naglakbay patungo sa puso ko na naging dahilan ng biglang pagkabog nito. Pansamantala akong hindi naka-galaw at nakabawi lang ng hawakan ako nang lalaking nakabangga ko kanina. Napalunok ako at isa-isang tinignan ang tatlong dumating na nagpatigil sa ginagawa nila. "Thanks" Ang tangi kong nasabi at dali-daling tumakbo paalis sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD