TAKES MY BREATH AWAY

2093 Words
Isabelle's POV "Yeah , I thought it was you , how are you Ronnie ?" Tanong ng babae na nagngangalang Mildred . "I'm good ," Tipid niyang sagot , hinawakan Niya ang aking siko . " By the way , Mildred , this is Isabelle ," ngumiti ako sa kaniya . " Isabelle , this is Mildred ," agad ko na inabot ang aking mga kamay sa kaniya , bahagya siyang ngumiti sa akin habang inabot ang aking kamay at tumango . "Sino ang kasama mo , Mildred ? "Tanong ni Ronnie sa kaniya . Dahil nasa gitna kami ng crowd ay giniya Niya kami sa Isang bench sa labas ng circus area. Ang bench ay nasa gitna ng Plaza at circus area . We are sitting in a circular Bench design na may mesa sa loob nito . Si Mildred ay umupo na nakadikit Kay Ronnie , " I miss you Ronnie .." Bulgar na sabi niya na may kasama pang hipo sa bisig ng binata . Hindi ko maiwasan na hindi magtaka sa kaugnayan ng dalawa . Matagal na kaibigan ko na si Ronnie , kahit hindi sila tagarito talaga sa aming baryo , pero first year high school pa lamang siya simula ng sila ay tumira sa aming baryo , at naging kaklasi ko na siya at matalik na kaibigan namin ni Marcel at Mariel . Wala akong narinig na may binanggit siya na babae sa akin . Mukhang naiilang naman si Ronnie sa sinasabi at kilos na ipinakita ni Mildred sa kaniya . Ngumiti lamang ito ," Kailan ka pa dumating ?" Tanong nito sa babae . " Kaninang umaga lang , actually ...ikaw kaagad ang naisip ko na puntahan kaya lang si Mommy ay hindi ako pinayagan ni Mommy , dahil family reunion din kasi namin . " Masayang sabi ni Mildred . "Isabelle , si Mildred ay apo nga pala ng ating Barangay Captain na si kapitan Roberto Magno . Si kapitan Magno at si Lolo Celso ay personal na magkakilala , nakita ko minsan na dumalaw si kapitan sa bahay upang kausapin si Lolo tungkol sa pagbabantay nito sa lighthouse . Ang lighthouse sa pagkakaalam ko ay matagal ng nakatayo sa mataas na bahagi ng baybayin ng Sitio Busay Kung saan kami ay nakatira . Ang Sitio Busay ay sakop ng Barrio Manlambus , Isang malaking barangay sa siyudad ng Escalante City . " Actually Ronnie , gusto talaga kitang makausap ng personal ," habang nagsasalita si Mildred ang kaniyang mga mata ay iniikot Niya sa akin . I definitely get the message , ano man ang kaugnayan nilang dalawa ay hindi ko alam , pero halata na may pinagsamahan sila . At base sa pagiging possessive ni Mildred , at base sa mga kakaibang tingin Niya sa akin , ay ipinapakita Niya na ayaw Niya akong makasama . " ...now ." Dugtong pa niya . Agad ako na tumayo . "' Isabelle .." hinawakan bigla ni Ronnie ang aking braso at tumayo na rin . " Saan ka pupunta ?'" agaran niyang tanong. "Iiwan ko muna kayong dalawa para makapag-usap kayo ." "No ? Paano ka ? " matigas na sabi Niya . Bumaling siya ng tingin Kay Mildred na halata naman ang pagkadisgusto sa mukha ng makita Niya na pinigilan ako ni Ronnie na umalis . " "'Look , Mildred ..ano man ang sasabihin mo s@ akin ay pwede mo namang sabihin ngayon ." Nanatiling nakaupo si Mildred . " Are you sure ? , it's confidential , ang sasabihin ko sa iyo ngayon ... ay para lamang sa ating dalawa . " Confident na sabi ni Mildred . "'Are you sure you wanted someone outside our family to hear this matter ?" Kumunot ang noo ni Ronnie . " Whatever that means ?" Tanong Niya sa babae , binitiwan Niya ang paghawak sa bisig ko . " Well, hindi mo malalaman kung --" Hinawakan ko ang balikat ni Ronnie . " I'll be fine , hahanapin ko na lang sina Marcy at Mariel sa loob ng perya . " Sinulyapan ko ang mga nagsigawan na babae at lalaki na sumakay ng Octopus Ride at ng ferries wheel. " But - " Ronnie hesitated . " Thank you .. Isabelle , right ?"Maluwang ang ngiti na nakaharap sa akin si Mildred . Tumayo na rin ito to emphasize her thankfulness na nag give way ako . Bumuntong-hininga si Ronnie . " Please tawagan mo ako ha , kung sakaling mahirapan ka na makita sina Marcel at Mariel . " Sabi ni Ronnie na nag-aalala . Kaya malapit ang loob ko sa kaniya dahil , maalaga siya sa akin ., anyway , hindi lang naman sa akin , kahit kina Marcel at Mariel . Palibhasa ay nag Isa siyang barkada namin na lalaki . "Okay , lang ako Ronnie , don't worry about me ," bumitaw ako sa paghawak sa kaniyang braso , I nodded with Mildred and turned around to walk toward the crowd of people . Halos mahilo ako sa dami ng tao , last night na kasi ng piyesta Kaya ang mga tao ay sobrang dami , kasi hindi lang naman ang mga tao sa Barangay namin ang ang dumalo ngayong gabi , maging ang ibang karatig baryo at barangay na sakop ng syudad . Dinadayo nila ang aming Barangay dahil ito ay napapalibutan ng dagat , with in fact after the Plaza Manlambus , Isang sakay na lamang ng mga traysikel at traysikad na tinatawag sa amin , Isang uri ng sasakyan na de padyak ay nakarating na kami sa dagat . Ang dagat nag Manlambus ay nahahati ng maraming beaches , I mean ...iba -iba man ang pangalan ng beaches , dahil iba -iba rin ang nag-mamay -ari nito ay tunay na kaaya -aya ang aming Barangay . Ang magagandang beaches Ng siyang naging dahilan kung bakit dinadayo kami ng mga tao sa buong syudad ng Escalante kapag kapistahan at sa panahon ng tag-init o summer . Kadalasan kapag mainit ang panahon ay napuno ang aming lugar ng mga tao , for the obvious reason - ang beach ang sinasadya Nila . Halos malula ako sa panonood sa rides at sigawan ng mga tao , para akong nabibingi . Nagpasiya akong lumabas muli sa peryahan, ngunit hindi ako dumaan sa bench kung saan nag -uusap pa sina Ronnie at Mildred . Ano kaya ang mahalagang sasabihin ni Mildred Kay Ronnie ,? Hindi ko maiwasan ang ma curious . Bakit mukhang hindi mapakali si Ronnie sa sinabi Niya ? I have a weird feeling about the girl , she seems possessive and demanding , habang si Ronnie naman ay parang balisa ? Nagpatuloy ako sa paglayo ng perya , naghahanap ng Isang sulok na kahit papaano ay may katahimikan , ngumit wala akong makita , kahit sa Plaza ay maingay at sobrang lakas din ng tugtog ng musika para sa gagawing disco . May iba na nga nakikita ko na nasa sayawan na , kinuha ko ang aking cellphone para malaman ang oras . Alas 9:30 na pala ng gabi . Gusto ko sanang tawagan si Marcel o Mariel , Subalit ayaw ko na sila ay maistorbo . Bahagya pa akong lumayo sa Plaza at perya , hanggang sa ako ay napadako sa isang museum na nasa likuran ng Plaza , sa tantiya ko ay mahigit 150 steps ang layu nito mula sa aking kinaroroonan . Dinala ako ng mga paa doon sa lugar , Bukas ang gate ng museum kaya nagpasiya akong pumasok . Walang tao sa gate , tumingin ako sa aking likuran , at sa aking gilid . Naghahanap ng tao na maaring bantay ng museum o museo . Siguro nasa perya o pistahan ang bantay , sa pagkakaalam ko hindi pwedeng Iwan ang museo dahil may mahalagang bagay na nakadisplay sa loob . Mga bagay na parte ng kasaysayan ng baryo , sinasabing ang baryo o Barangay Manlambus pa naman ang siyang unang sentro ng syudad , dahil sa yamang dagat nitong taglay . Pagpasok ko sa loob ay hindi ko maiwasan na manindig ang aking balahibo , gaya ng naranasan ko kanina sa light house . Dumako ang tingin ko sa isang painting na nakasabit sa sentro ng dingding . Mga tao na hinahampas ang mga isda na nasa kalsada . Ang mga tao ay nakapaa.. Ang tubig na mula sa dagat ay nakarating sa kalsada , ang tubig dagat ay umaapaw sa sea wall at kasama sa pag-apaw ang maraming isda na naglipana sa daan . Sinasamantala iyon ng mga tao , kanilang hinahampas ang mga Isda upang maging ulam . So , this is the story behind the Barrios history ? Nang matapos Kong basahin ang painting description ay narinig ko muli ang Kanta o awit kagaya ng narinig ko kanina . ^^^My heart is pierced by cupid I disdain all glittering gold there is nothing ...can console me ...but my jolly sailor bold.^^^ Unti into akong lumapit sa painting na nasa dingding . Hindi ko maiwasan na mapahanga sa ganda ng awitin at sa lamig ng boses ng kumakanta . Ngunit saan nagmumula ang tinig? Sino ang umaawit ? Walang katao tao sa loob ng museum. Ang aking mga mata ay hindi ko magawang iiwas sa malaking painting , hanggang sa unti -unting nakita ko na gumagalaw ang mga Isda sa larawan at narinig ko na may humihikbi na sa wari ko ay nasasaktan . Nakita ko na ang ilaw ay patay -sindi kagaya ng ilaw doon sa light house , gusto Kong sumigaw. Pero , walang tinig na lumabas sa aking bibig . Gusto kung Itigil ang paglakad ko patungo sa painting sapagkat nakita ko na patuloy sa paggalaw ang mga isda at lumalakas ang paghikbi ng Isang babae na aking naririnig . Subalit ang ipinagtaka ko ay wala akong nakitang babae sa painting na pwedeng sa kaniya nanggagaling ang pag-iyak . Patuloy ako sa paglakad palapit ng palapit sa painting , hanggang sa nararamdaman ko na ang painting ay biglang umuuga na para bang mahuhulog ito mula sa kinasabitan nito . And to my horror , hindi ko mapigilan ang aking mga paa sa paglakad , palapit ng palapit sa dingding , at wala akong magawa ng ang malaking painting na nababalot ng Kristal ay dahan -dahang nahulog patungo sa akin . "Stop ! Come here ..!' I close my eyes , waiting for the painting to fall on me . But it didn't ...as I stumbled to the ground I felt a body that engulfed me and protecting me from the debris . Dahil ang cover ng painting ay Kristal , Inihanda ko na ang aking sarili sa mga bubog na maaring tumalsik sa akin . Pinikit ko ang aking mga mata para hindi mapuwing at tinikom ko ang aking bibig upang hindi makakain ng bubog ng Kristal na akala ko ay sa akin babagsak . ",Are you okay?" Isang malamig at masculine na tinig ang bumati sa akin . Dahan-dahan Kong dinilat ang aking mata at nakita ang Isang matipunong lalaki na may makapal na kilay , thick hair with dark eyebrows and Iong eyelashes . Napamaang ang aking mata dahil sa mala - prinsipe nitong kaguwapuhan . Hindi ako makapagdesisyon kung siya ba ay Isang anghel na medyo rock dahil sa mga mumunting balahibo sa kaniyang panga o Isang binata na mula sa Olympus . "My name is Lucas .." Titig na titig ang lalaki sa akin , hindi ko maiwasan ang mamula at tuluyan ng mahilo dahil sa aming posisyon . He was on top of me as he was trying to protect me from the painting . " What's your name ? Mademoiselle ..?" malambing niyang tanong sa akin . My breath hitch because of his nearness to my face . "Isabelle ," I swallowed , realizing our position . Nakapatong pa ring siya sa akin ... "I , I ...can't move .." I said . "Oohh , " Ngumiti siya ng buong lambing at dito na tumambad sa akin ang kanyang pantay at maputing mga ngipin . " I'm sorry ," he said . Tumayo si Lucas at inabot Niya ang aking kamay upang ako ay alalayan sa pagtayo . Dito ko nakikita ang kaniyang laki at tangkad . He was around 6"3: in height . " Nice meeting you Isabelle ," muli niyang iniintroduce ang kaniyang sarili sa akin . " My name is Lucas , Lucas Ferrer ..." he smiled at me . And his smile takes my my breath away .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD