Tumayo ng tuwid si Lucas upang alalayan si Isabelle sa pagtayo , ngunit na realized Niya na ang kaniyang kaliwang paa ay siyang nadaganan ng mabigat na frame ng painting . " Oh , " Dahan-dahan niyang sinipa palayo ang nahulog na painting upang maigalaw Niya ang kaniyang kaliwang binti .
Ang dalawa niyang kamay ay tinukod Niya sa ground floor ng museum upang hindi Niya maipit si Isabelle sa kaniyang ilalim . " Nasaan na kaya ang bantay ng museo na ito ? " tanong ni Lucas .
Nang makahulagpos na ang kaniyang binti ay diniin Niya ang pagtukod ng kaniyang bisig sa semento at maingat na tumayo , "Oops.. here we go .." Tumayo si Lucas ng tuwid at inabot ang kamay ni Isabelle upang alalayan siya sa pagtayo .
Isabelle gasped . Napaawang ang kaniyang bibig ng madama Niya muli ang kuryente na dumaloy sa kaniyang katawan ng nakadagan si Lucas sa kaniya . Ang akala Niya ay bunga lamang iyon ng kaniyang kaba at takot . Pero ng muli niyang madama ang kakaibang sensasyon ng magdampi ang kanilang balat , ay sigurado na siya na ang kuryenteng kaniyang nadarama ay mula sa lalalki . Mula Kay Lucas , ang kaniyang tagapagligtas . Kung hindi ito dumating , malaman na napahamak siya sa bubog ng Kristal .
Sinulyapan ni Isabelle ang paligid , nagkalat ang mga bubog ng Kristal sa semento . "What are you doing here alone , mademoiselle ? You could be hurt . " Muling nagsalita si Lucas .
Nang marinig Niya ang kaniyang boses , bakit ba parang may mga daga na nagtatakbuhan sa kaniyang dibdib , at ang mga paru-paro ay naglalaro sa kaniyang tiyan ?
"Thank you ," she managed to say while Lucas was guiding her to the bench at the far side of the wall . "Bakit kaya walang tao rito ? Nasaan na kaya ang bantay ." tanong pa ni Lucas sa kaniyang sarili .
"Are you hurt ?"'nagkatitigan sila dahil sabay pa silang nagkatanungan . Namula si Isabelle na nakaupo sa bench , naupo sa tabi Niya si Lucas . Ngumiti si Lucas ng magkapareho pa nila ng tanong .
"Hindi naman ako nasaktan , thanks to you . " muli na namang nagpasalamat ni Isabelle . Sinulyapan Niya ang binti ni Lucas , ang kaliwang bahagi ng kaniyang binti .
" Ikaw , ikaw yata ang napuruhan ," nag -aalalang tanong ni Isabelle ng makita Niya na medyo hindi balanse ang kaniyang paglakad kanina , habang siya ay inalalayan nito sa pag-upo .
" No , " tumawa si Lucas ," It's just a scratch ". Tinitingnan Niya ang wasak na Kristal ng painting .
" It's nothing , " Sabi pa ni Lucas na parang balewala sa kaniya ang nangyari ng mabagsakan ang kaliwang binti Niya sa Isang bahagi ng painting . Parang sanay na magkaroon ng mga encounter ng ganitong mga bagay. Napansin ni Isabelle ang matipuno nitong katawan , ang kaniyang dibdib na matigas at halatang nakahulma ang kaniyang abs sa suot nito na puting Tshirts na naka tuck-in sa pares nilo na Levi's long pants . Ang kaniyang mga paa ay halatang matitigas din , siguro kung naka swimming trunks ito ay makikita Niya ang hulma ng muscles ng kaniyang paa.
"Bakit ka nga pala pumasok rito ?" tanong ni Lucas . Bago nakasagot si Isabelle ay dumating ang dalawang tanod . Nagulat sa nakita na pagkawasak ng Kristal .
" Anong nangyayari rito ? " bulalas na tanong ng Isang pandak at mataba na lalaki .
"Hindi mo ba napansin ? Obviously malamang na nahulog ang painting na iyan .." sagot naman ng kasama nitong payat na lalaki .
"Alam kung nahulog , pero paanong nahulog iyan ? Ang tibay ng pagkakagapos niyan sa ibabaw ." Tinuro pa nito ang matibay at supposedly safety na pagkalagay ng painting . " Lagot tayo nito Kay kapitan ," Sabi pa ng unang matabang lalaki .
"Bakit tayo ang lagot ? Si Elmo ang mananagot niyan dahil siya ang bantay ng museo . " anang payat na lalaki . "Besides , aksidente iyan , siguro bumigay na ang lumang painting na iyan ." dagdag pa nitong sabi .
"Linisin na lamang natin ito para---"
"Naku , iyan ang hindi mo dapat gawin , kuhanan na lang natin ng larawan para may ipakita tayo Kay kapitan kapag magtanong . Ang lagay pala niyan basta mo na lang iyan lilinisin , eh di tayo pa ang mapagbintangan .."
"Okay sige ..kunan mo na ng larawan . "
Habang mag-uusap ang dalawang lalaki at nag sort out sa dapat nilang gawin ay nakikinig na nakaupo sa bench sina Isabelle at Lucas sa malayong bahagi ng museo .
"Bakit nga kaya nahulog ang painting ?" Tanong ni Lucas . Sa kaniyang tabi , kinikilabutan si Isabelle na inaalala ang pangyayari . Sino ang babaeng kumakanta ? Bakit na naman Niya naririnig ito ? Dalawang beses na niyang narinig sa gabing ito ang tinig . Saan nagmumula ang pag-awit? Nanindig na naman ang balahibo Niya sa batok habang iniisip ang pangayayari sa lighthouse , kasunod ng pag-awit ay ang hindi Niya mapigilan na paghakbang sa bangin pababa ng alcove kung saan Niya narinig ang awitin . Kung hindi dumating si Ronnie ay ...mapapahamak kaya siya ?
Ngayon, dito sa museo mas higit ang kaniyang pagtataka ng marinig na naman Niya ang awitin , isang magandang himig na pag-awit . Hindi rin Niya mapigilan ang paglapit sa painting kung saan sa wari Niya ay doon nanggaling ang pagkanta. Kung hindi dumating si Lucas , tiyak na mapapahamak siya .
"Are you okay ?" Natigil ang kaniyang pagmumuni at lumingon sa kaniyang tabi . Tipid na ngumiti si Isabelle Kay Lucas na matiim na nakatitig sa kaniya .
" I've never seen such a beauty ..." narinig niyang sabi ni Lucas , mahina ang pagkasabi nito , ngunit sapat naman upang marinig ni Isabelle . Agad na namula ang pisngi ni Isabelle dahil sa mga malagkit na titig sa kaniya ng lalaki . Naramdaman niyang uminit maging ang kaniyang --
"What are you doing alone in this museum , mademoiselle ..." tanong ni Lucas na iniangat nito ang kaniyang mukha dahil siya ay yumuko . Naramdaman na naman ang init ni Isabelle ng dumampi ang mga dAliri nito sa kaniyang panga .
" Please , don't ..." utos ng lalaki sa kaniYa . " You shouldn't hide this beautiful face of yours ..." Isabelle gasped when his fingers started to moved around her face . Agad namang iniwan ni Lucas ang kaniyang mukha , binaba ang kamay .
"I'm sorry , please forgive me . I just can't stop touching ...no , I'm sorry ...I didn't mean to scare you .." hindi magkamayaw ang lalaki sa paghingi ng tawad . " Hindi ko sinasadya ang kapangahasan , sa totoo lang ay---"
"It's okay .."Putol ni Isabelle sa kaniya . " Malaki ang pasalamat ko sa iyo , kung hindi ka dumating ay tiyak na napahamak ako ..." muling sinulyapan Niya ang ngayon ay malinis na semento ng dalawang lalaki kung saan ang painting ay bumagsak . Sinundan ni Lucas ang kaniyang tingin .
"Walang anuman , Isabelle ..." hinawakan Niya ang kamay ng dalaga . Kahit nabigla si Isabelle ay tinatago Niya ang kaniyang reaksyon dahil sa loob - loob Niya ay gusto Niya ang magdampi ang kanilang mga balat . She felt safe , kapag naramdaman Niya ang kanyang paghipo , it's strange - Pero ito ang kaniyang nararamdaman .
"Are you around from here , mademoiselle ?" tanong na naman ni Lucas . Hindi pa Niya nasagot ang tanong nito kanina , sa isip ni Isabelle , ngunit muli na naman itong nagtanong sa kaniya . " Uhmm, oo ...tagarito ako sa Barangay Manlambus . Pero ang bahay ko ay sa Sitio Busay , malapit sa dagat . " Paliwanag ni Isabelle . " At Kaya ako narito ay dahil inaya ako ng mga kaibigan ko na ---" She paused . Ang kaniyang mga kaibigan nga pala , baka hinahanap na siya nina Ronnie , Marcel at Mariel.
"How old are you ... mademoiselle ?" narinig na naman niyang tanong ng lalaki . " I'm , turning eighteen this coming Saturday ..." nabigla si Isabelle , paanong nasabi Niya sa Isang estranghero ang tungkol sa kaniyang edad ? Hindi ba dapat ay pamilya at malapit na kaibigan ang pwede na makaalam sa espesyal na kaarawan ?
"Oh, that would be next Saturday . One week from now .." parang nakikita Niya na nag-isip ang lalaki .
" Isabelle , hmm ...the name suits you , a beautiful name for a beautiful young lady ..." Sabi na naman nito sa tinig na para bang tinutukso siya at hindi maiwasan na ang kaniyang kalamnan ay uminit . Who is this stranger who is capable of making her nervous ? Yet , in a good way .
"Can I invite you for a walk ? Do you mind getting out of here ?" Naalarma si Isabelle .
"Walk ?" muli niyang tanong . Saan naman kami pupunta? Iiling na sana si Isabelle dahil inaalala Niya ang kaniyang mga kaibigan , baka mag-alala ito sa kaniya . Baka nga hinahanap na siya ng mga ito .
"Please ," narinig niyang sabi ng lalaki . Hindi maiwasan ni Isabelle ang kiligin ng makita nito ang mapupungay nitong mga mata na sa wari ay nagmamakaawa sa kaniya na siya ay samahan . Ang ipinagtataka niya ay ang kaniyang sarili, sa loob Niya ay gusto niyang makasama ang lalaking ito . Well , maliban sa superhero Niya ito sa gabing ito , ay inamin naman Niya na ayaw Niya ang magulong perya , ayaw Niya ang sobrang lakas ng tugtugin sa plaza . May palagay siya na nagsisimula na ang sayawan ngayon .
Siguro naman ay hindi siya hahanapin ni Ronnie na may kasamang babae , si Mildred . Baka hindi pa tapos ang kanilang pag-uusap . At duda siya , na hindi ito pakawalan ni Mildred ng maaga . Sina Marcel at Mariel naman , i-ni-enjoy ang mga rides , sigurado siya ..dahil kaninang umaga pa hindi na mapakali sa kanilang plano na pamimiyesta , ang dalawa niyang kaibigan na babae . Ayaw naman niyang sirain ang huling gabi nila .
"Saan mo naman gustong ...mamasyal ? tanong Iya sa binata na kumislap ang kaniyang mga mata sa narinig na pagpaunlak ni Isabelle .
"Well , why not start with your place , hind ba sabi mo , nakatira ka sa Sitio Busay ? " tanong ni Lucas . Tumango si Isabelle . " Well , I want to see where you live ..." Ngumiti na naman si Lucas sa kaniYa na muntik ng ikinalaglag ng kaniyang pant* . Agad siyang umiwas ng tingin ng maramdaman niyang may uminit sa bahagi ng kaniyang katawan .
"Baka mahirapan Kang maglakad , medyo may kalayuan din naman ang Busay mula rito sa Plaza . Sa palagay ko wala tayong masakyan na traysikel o traysikad man lang . Tiyak na ang mga driver ngayon ay nag- iinuman na sa gilid ng daan o sa loob ng kanilang bahay . I-ni-enjoy ang piyesta . " paliwanag ni Isabelle .
"Don't worry about that ?" Sabi ni Lucas na hindi mawawala ang ngiti sa kaniyang labi . " I have my big bike with me - a motorcycle actually , you don't mind riding at my back , will you ?"
Lumunok ng laway si Isabelle . Sasakay siya sa motorsiklo ng lalaki ? Ibig sabihin ay yayakap siya sa kaniyang likod . ibig sabihin ay hindi maiwasan na maglalapat ang kanilang katawan ? Ang kaniyang dalawang bundok ay tiyak na---
"Come ," inabot ni Lucas ang kaniyang kamay Kay Isabelle , nakatayo na ang binata . Parang sumakit ang leeg ni Isabelle sa pagtingala sa lalaki , ang tangkad -tangkad talaga Niya . Inabot Niya ang palad ng lalaki at hinawakan siyA nito hanggang sa sila ay lumabas ng museo . Hindi nila napansin ang dalawang mga mata na nakamasid sa kanila . Nanlilisik sa Isang sulok , puno ng pag -iimbot at parang gusto ng umataki anumang sandali .
"Gaano ba kalayo ang iyong tirahan mula rito Bella ..Can I call you Bella ? or Belle ? But I , prefer Bella ..can I ?" Tanong pa nito sa dalaga ng sila ay makalabas na sa gate ng museo , hands entwined as they were walking towards the motorcycle that was parked across the museum building .