SIREN

2017 Words
Lola ..!" Lolo ..!" Nagulantang si Lola Margarita sa sigaw ng kaniyang apo . nagmamadali sa pagpasok si Isabelle sa kanilang bahay . " Ay, ani ka ba , Isabelle ..., Saan ka ba galing at magtatakip silim na yata .., at bakit ka sumisigaw ? Ano bang nangyari sa iyo ...at nmbakit basa ka yata ? .." nagulantang na sabi ni Lola Margarita . Sinulyapan nina Lolo at Lola ang kanilang apo ma nanginginig sa takot . " Saan ka ba galing , Isabelle ?" Puno ng pagtataka ang boses ng kaniyang Lolo Celso , kasalukuyang naghahanda sila ng hapunan sa kusina . "Teka sandali ikukuha kita ng tuwalya , magpunas ka muna at magbihis , saka mo sabihin sa amin ang nangyayari sa iyo . " Sabi ni lola Margarita . Inabot ni Isabelle ang tuwalya na bigay ng kaniyang Lola , at dumiretso na siya sa banyo at nagbihis . This is the third time that I saw her ! Bakit ako sinusundan ng babaeng iyon ? This is too much , she thought , she needed to tell her old folks about this thing . Hindi na kaya ni Isabelle na itago ang lahat ng kaniyang nararanasan na kababalaghan . May ibig sabihin ang mga bagay na ito , ang awitin na tatlong beses na narinig Niya . Ang pagtawag sa kaniyang pangalan at ang pagpapakita ng babae na kamukha Niya . Hindi ito nagkataon lang ,, hindi ito hallucinations . "Maupo ka ," Sabi ng Kaniyang lola ng siya ay bumalik na sa kusina at nakapagpaiit na ng damit . " Dumiretso ka ba sa dagat mula sa paaralan? Bakit basa ka? Sino ba ang kasama mo ?" "Marga , painumin mo muna ng mainit na gatas si Bella , nanginginig ang iyong apo ..." Lolo Celso pushed the glass of milk towards her . " Salamat lo , " Sabi ni Isabelle , hinawakan Niya ang baso na katamtaman ang init . Oo, giniginaw siya ...dahil sa basa siya . Pero , hindi iyon ang dahilan ng kaniyang panginginig kundi ang nakikita Niya sa laot kanina . Muling nagpakita ang babae na kamukha Niya . Araw -araw na siyang ginagambala ng misteryosong babae , na sa wari Niya ay ito rin ang babaeng naririnig niyang kumakanta at tumatawag sa kaniYa noong nakaraang araw . Agad na ininom ni Isabelle ang gatas , bagama't hindi pa rin nawala ang kaniyang takot , napawi naman ang panginginig ng kaniyang katawan at kamay . Dahil sa tensyon ay biglang tumulo ang luha ni Isabelle . " O , bakit ka umiiyak ?" Nababahala na tanong ni Lola Margarita . Pinahid ni Isabelle ang kaniyang luha. "May itatanong po ako sa Inyo ...sana , magtapat po kayo sa akin ..sana sabihin ninyo ang totoo . " Sabi ni Isabelle . Nagkatinginan ang dalawang matanda . "Lolo , lola ...Sana ipagtapat na ninyo ang tungkol sa aking mga magulang . Ano po ba ang nangyayari sa kanila ? Hindi ba sinabi ninyo na trahedya? Ano pong uring trahedya ? Nasa wastong gulang na po ako , Ilang araw na lang at kaarawan ko na , naiintindihan ko naman ang sitwasyon . Pero , nais ko ang totoo ..." "Ano bang totoo ang nais mong marinig ? Hindi ba sinabi na namin sa iyo ang katotohanan ?" putol ni Margarita sa kaniya . "Marga !" Matigas na sabi ni Lolo Celso . "Tama na , sabihin na natin ang totoo tungkol sa nakaraan nina Uziela at Damian ." matigas na sabi ni Lolo . Nahalata Niya na may kakatwang nangyari sa kaniyang apo . "Pero , bago ang lahat Isabelle , apo ...maari bang sabihin mo sa amin ang nangyayari sa iyo ? Bakit takot na takot ka ? " Hindi na binigyan ng pagkakataon si Margarita na magsalita pa . Hindi na Niya dapat itago sa kanilang apo ang totoo . Isinasalaysay ni Isabelle ang unang gabi ng marinig Niya ang awitin ng babae sa lighthouse , na sa wari Niya ay nagmumula sa alcove ng mabatong bangin . Sinabi Niya na hindi Niya maiwasan ang kabahan sa tinig na kaniyang naririnig , sa wari Niya ay hi-ni- hipnotismo siya ng tinig upang lumapit siya sa babae . Tahimik na nakikinig ang dalawang matanda , pero napansin ni Isabelle ang pagbabago ng kanilang hitsura . Malakas ang kaniyang kutob na ...natakot sina lolo at lola . "Ang ibig mong sabihin , kung hindi dumating si Ronnie ay tuluyan Kang bababa sa bangin ? " tanong ng kaniyang lolo na biglang nataranta . "Opo , bago ako tuluyang nakababa sa tubig ay dumating si Ronnie at hinawakan ang aking braso upang ako ay pigilan ." Napansin Niya ang pagkabalisa sa mukha ni Lolo at Lola . Sinabi rin Niya sa parehong petsa ng gabing iyon , ang huling gabi ng fiesta ay pumasok siya sa museo , muntik ng madaganan ng malaking historical painting ...kung hindi lang dumating si Lucas . Umiwas ng tingin si Isabelle sa kanila ng masambit ang pangalan ng lalaki . "Lucas ?" tanong ni Lola Margarita . " Nakilala ko kaninang umaga si Lucas , mabait na bata .Isang sailor ." Sabi ni Lolo . Sa isip ni Isabelle , sana hindi siya namula ng banggitin ang pangalan ng lalaking mahal Niya . "Paano mo naman nasabing mabait ? Hindi mo pa nga nakilala ng lubusan ang taong iyon . " Sabi ni lola . " Ang bilis mong magtiwala ." usal pa nito . "At ikaw , " Sabi naman ni Lolo Celso . " Ang bilis mong manghukom ng tao . " sambit nito . "Agad Kang nagdududa ." Sinulyapan ni Isabelle ang kaniyang nagtatalong Lolo at Lola, nagkukuwento siya ng mga misteryosong bagay na nagaganap sa buhay Niya , pero nagtatalo pa rin sila . "Anyway , si Lucas ang ...nagligtas sa akin ." Patuloy Niya sa pagkuwento . "Pasensya ka na , Isabelle , apo ...sige ipagpatuloy mo ang pagkuwento ," Sabi ni Lolo . Sinabi ni Isabelle ang tungkol sa iyak na kaniyang narinig bago mahulog ang painting , muling pumaimbabaw ang awitin na narinig Niya sa alcove . Tuluyan ng nabahala ang kaniyang lola ," bakit hindi mo sinabi sa amin iyan , kaagad ?" "Hindi ko rin alam . Baka isipin ninyo na haka-haka ko lamang ito . Lalo na at hindi rin ninyo sinasabi ang tungkol sa pagkatao ko at ng aking mga magulang . " Sabi niya . "Pasensya ka na Isabelle , apo ..." hinawakan ni lola ang kamay ni Isabelle . "Ayaw lang namin na mapahamak ka , gusto lang naman kitang protektahan ." sabi ng Kaniyang lola na parang maiiyak . " Utang na loob , magpatuloy ka sa pagsalaysay ," Sabi ni Lolo Celso . Nakokonsensya siya at pinayagan Niya si Margarita na siya ay manipulahin na ilihim Kay Isabelle ang tunay na pagkatao . Pero , kahit na ilihim nila ang katotohan , hindi maiwasan na susundan pa rin si Isabelle ng Kaniyang pinagmulan . "Doon po sa lumang simbahan lolo , may tumatawag po sa akin . " "Tinatawag ka ?" maang na tanong ni Lola Margarita . Tinatawag Niya ang pangalan ko ..." pagsalaysay ni Isabelle . Hindi Niya maiwasan ang kabahan ng maisip ang dako ng luma at abandonado na simbahan . BumuntunghiningA si Lolo Celso ," tinatawag ka na nila Isabelle ..." Sabi nito sa tingin na nanlupaypay . " Ano po ba ang ibig mong sabihin Lolo ?" hindi maiwasan ni Isabelle na tumayo ang mga balahibo sa kaniyang batok . "Malalaman mo rin ," pahayag ng kaniyang lolo . " Sabihin mo muna sa amin ang lahat ng nangyayari sa iyo . " Lolo Celso added . Sinabi ni Isabelle ang babae sa talon at narinig na naman ang babae na umaawit , sinabi maging ang paggalaw ng circular motion ng tubig sa pool basin ng waterfall. "I swear Lo , nakakatakot po talaga ang awitin kapag narinig mo . Magtatayuan ang lahat ng balahibo mo sa batok , hindi maiwasan ang hindi ka kabahan at mag-isip ng masama . " paliwanag ni Isabelle . "Hindi ko napigilan ang gapangan ng sindak , ng ako ay kaniyang inalok na samahan siya sa dagat . Inabot Niya kasi ang aking kamay ---" "Please , Isabelle ...huwag Kang matukso na lumapit malapit sa tubig , huwag ka ng mag-isa sa tubig .." bilin ng kaniyang lola . Hindi niya alam na namimilegro na pala ang buhay ng kaniyang apo . "Pero , bakit po ..bakit nakikita ko ang babaeng ito ? Ano ba siya ? Sino ba siya ? Bakit nakikita ko sya kahit saang bahagi ng Barangay Manlambus .? Kahit sa paaralan nakikita ko siya . At kanina lang ay nakikita ko din siya ...sa laot ." hindi na itinuloy pa ni Isabelle ang detalye sa laot ng dagat . Ayaw niyang pag-uusapan ang tungkol kay Lucas , baka malungkot lang naman siya sa sasabihin ni Lola Margarita , ukol sa mga mayayaman. Tumango si Lolo Celso Kay Margarita , senyales na siya ang magsasabi ng totoo Kay Isabelle , tutal siya ang may gusto na itago Kay Isabelle ang tungkol sa kaniyang pagkatao . "Pasensya ka na , Isabelle ...at ang pagtago ko sa katotohanan ay nagiging dahilan pa pala upang ikaw ay mapahamak ." Sabi ni lola sa malungkot na tinig . "Makinig ka sa sasabihin namin sa iyo apo ...ito ang magiging sagot ng iyong katanungan .." Sabi naman ni Lolo Celso . "Gaya ng sinasabi namin sa iyo , ang iyong ina ay umibig sa iyong ama , at ganon din naman ang iyong ama , umibig siya sa iyong ina . " paliwanag ni Lola . ""Si Damian , ang aming anak ay umibig sa babaeng sa unang beses nilang pagkikita . Ang babaeng iyon ay si Uziela . Sabi ng iyong ama ay madalas niyang makikita si Uziela sa dalampasigan . Nabighani siya sa ganda nito . Hanggang sa nalaman na lamang namin na may relasyon sila at nagbabalak magpakasal . " She paused . Sinulyapan ang nakasabit na larawan sa dingding . Ang larawan nina Uziela at Damian . Pagkatapos ay muling tinitigan si Isabelle upang ipagpatuloy ang pagkuwento . "Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko maiwasan ang magtaka , wala akong ibang nakita na babae na dinala Niya sa bahay maliban sa iyong ina . Ibig sabihin ay seryoso ang iyong ama sa kaniya . "Hindi namin kilala ang babae , hindi rin namin siya tagarito sa Baryo , kaya nakapagtataka . "Misteryoso ang babae , wala siyang address na maibigay sa amin , hindi rin Niya masabi ang pangalan ng kaniyang mga magulang - patay na raw ang mga ito , ang tanging kasama Niya ay ang kaibigan Niya na nagngangalang Carmela ." Margarita paused . Para siyang nahihirapan na banggitin ang pangalan ng babae . "Isa siyang lason.!" Sabi Niya na mabigat ang tono . Na ikinabigla naman ni Isabelle . "Marga , huwag ka ng magpaligoy -ligoy pa . Sabihin mo na Kay Isabelle ng diretso ang dapat niyang malaman . " usal ni Lolo Celso . Ayaw na niyang patagalin pa ang pagbunyag sa lahat . Pumikit si Lola Margarita . Nag-iisip ng malalim na parang kumuha ng lakas , upang masabi ang totoo . BumuntunghiningA ng malalim at tumingin ng tuwid Kay Isabelle . "Isabelle ...ang iyong ina ay Isang sirena ., at hindi lamang basta -basta sirena ...Isa siyang prinsesa sa kanilang kaharian , sa misteryoso at malalim na karagatan . At ang babae na kasama Niya palagi , ang itinuturing niyang matalik na kaibigan ay Isang sea witch ." Nagbabaga ang mga mata ni lola na nakatingin sa labas ng bintana . Halata ang kinimkim na galit . "Si Carmela , ang sea witch ...ay umibig ng lihim sa iyong ama , kinain ng panibugho ang kaniyang puso ng makita Niya ang pagmamahalan ng iyong mga magulang . Siya ...ang dahilan ng pagkasawi ng iyong mga magulang ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD