Kinagabihan ay hindi mapakali si Ronnie . Masama ang kaniyang loob sa nangyayari sa kanilang dalawa ni Isabelle . Oo , alam Niya na wala siyang karapatan na magselos . Hindi naman Niya girlfriend si Isabelle . Pero ang tagal Niya itong binabakuran , nauwi naman pala sa wala ang kaniyang pag-iingat sa babae .
Alam niyang nasaktan si Isabelle kanina sa kaniyang sinasabi , hindi lang Niya napigilan ang hindi maglabas ng sama ng loob . He knows , walang kasalanan si Isabelle , but --
"s**t !" he said loudly . Sa loob ng kaniyang kuwarto ay nagpalakad lakad siya . Kasalanan ito ng bagong salta ma estrangherong iyon . Kailangan niyang maglabas ng sama ng loob . Hindi Niya pwedeng ayain na lumabas ang kaniyang mga kaklasing lalaki . Alam niyang nag-aaral ang mga iyon , pero siya , heto ...hindi mapakali . Nang hindi na Niya makayanan ang pag-iisip ay lumabas siya ng kaniyang silid .
Nagpaalam sa kaniyang Mommy at Daddy na lalabas ng bahay . Gamit ang motorsiklo , pumunta siya sa syudad at pumasok sa Isang bar . He's eighteen years old . It's legal to drink , kahit naman hindi siya dise -otso sa Pilipinas , pwedeng pumasok sa bar kahit menor de edad . Hindi dinadakip ng authority , saka na lamang malalaman ng pulis kapag may nangyari ng aksidente dahil sa kalasingan .
Nang i serve na ng server sa Kaniyang table ang bottles of beer na inorder Niya ay nagsimula na niyang tinungga ito . At ng maramdaman niya ang lamig ng beer ay bumalik sa kaniyang alaala ang nakita Niya kahapon ng hapon sa may talon . Naramdaman Niya ang sari -sari na emosyon:, pagkabigla , lungkot , at galit.
Ronnie's flashback ...
Si Isabelle , kasama ang estrangherong lalaki ay tumatakbo mula sa talon patungo sa kubo ? Siguro , magpasilong dahil sa biglang pag-ulan . Mula sa aking kinaroroonan sa lilim ng malaking Sitka Spruce tree ay kinakabahan ako na nagmasid sa kanila .
Gusto ko siyang dalawin at kausapin dahil hindi siya tumawag at nagpaliwanag kung bakit siya umalis ng hindi nagpaalam . Hindi rin Niya sinasagot ang tawag ko at text , it's so unlikely of her not to respond .
Kaya lang ng puntahan ko na siya sa madalas niyang pasyalan , walang iba kundi ang dalampasigan, lighthouse at talon ay nakapagtataka ang biglang pagbabago ng panahon. Lumakas ang ulan at hangin na lalong dahilan ng malakas na paghampas ng mga alon sa dalampasigan . What should I do ? Susundan ko ba siya sa kubo ? Kasama ang lalaking iyon ? I cursed in disappointment .
Mula sa kinaroroonan ko ay sinulyapan ko ang lighthouse tower , nakikita ko ang Isang Yate na sinasaklot -saklot ng dagat . Sa palagay ko , pag-aari ng lalaki ang Yate , ayon sa narinig Kong kwento mula sa Baryo .
Kasamahan palA ito ni Kenneth Diola , Isang navy officer . Siya pala ang lalaking tinutukoy nina Mang Badong na kasama ni Isabelle sa museo . Bakit siya sumasama rito ? Hindi Niya kilala ang lalaking ito . Kumunot ang aking noo., kung titingnan malaki ang tanda ng lalaki . Kahit pa sabihin na na-a-attract siya sa lalaking iyon , halata ang agwat ng kanilang edad . He was a fully grown up man .
Malungkot ako habang tinapunan ko ng tingin ang kubo , what are they doing ? Napuno ng panibugho ang aking puso ...
He was a stranger . Lalayo at iiwan lamang si Isabelle , masasaktan lamang siya , bakit siya sumasama sa navy na iyon ? Binaling ko ang aking tingin sa lighthouse . At muling tiningnan ang Yate , an expensive yacht , big time ang sailor na ito .
Nang pinuntahan ko ang bahay nina Isabelle ,sinabi ng dalawang matanda na ang kanilang apo ay nagpalakad lakad sa dalampasigan . Pero iba ang nakita ko .
The anticipation of what they were going to do inside the hut , makes my blood boiled . Hindi rin nakatulong ang masamang panahon , tumakbo ako papunta sa kubo upang magpasilong , kahit basa na ako ..basang -basa dahil sa malakas na ulan , at least ...hindi ako masyadong giginawin sa loob . But the truth is , gusto ko lamang na makita si Isabelle kasama ang pangahas na estrangherong iyon .
Nang malapit na ako sa pintuan ng kubo ay naririnig ko ang mga ungol at sigaw ni Isabelle , na parang nasasarapan . I was dead on my track . Ang aking kamay ay nanatili na nakahawak sa pintuan , na sa palagay ko ay bukas lamang . Natigilan ako sa mga halinghing ng dalawang nilalang sa loob ng kubo . Mga mabibigat na hininga na dinig na dinig ko sa Kabila ng malakas na unos .
Nanlumo at nanlupaypay ako , ang pakiramdam ko ay sobrang bigat , at hindi maiwasan na tumulo ang luha sa aking mga mata .
F*ck! umiling si Ronnie , ipinilig ang KANIYANG ulo . Damn , Isabelle ...what did you do ?
Galit na tinungga ang pangalawang bote ng beer at muling nag-order ng dalawa pa . He glanced at his surroundings to see some familiar faces , pero wala siyang nakita kahit Isang estudyante sa senior high . Sino ba naman ang magkamali na magliwaliw sa gabing ito , lunes na lunes pa lamang .
Pero na bad trip lang si Ronnie na hindi Niya kayang sabihin Kay Marcy at Mariel ang totoong nangyari . Ang dalawa niyang kaibigan ay matagal ng alam na may pagtatangi siya Kay Isabelle . Bagama't , hindi nila sinabi Kay Isabelle , dahil sinabi ni Ronnie na huwag siyang pangunahan .
Pero , naunahan na siya ng estranghero ...at ang masama kinuha na ang dAngal ni Isabelle . Muling tinungga ni Ronnie ang ikatlong bote ng beer . Galit na galit siya kanina sa classroom ng makita si Isabelle . Hindi Niya alam Kong kanino siya nagagalit - basta galit na galit siya .
Siguro nga nagalit din siya Kay Isabelle dahil sa ang bilis nitong naipagkaloob ang kaniyang sarili sa Isang estranghero . Siguro nagalit siya sa estrangherong lalaki dahil sa ginawa Niya Kay Isabelle . At siguro nagalit siya sa kaniyang sarili , dahil ang tagal niyang iningatan ang babaeng mahal na mahal Niya . Pero , matagal din niyang hindi nasabi ang kaniyang saloobin , ayan tuloy , naangkin na ng ng iba .
Lumipas pa ang limang minuto ay naramdaman na ni Ronnie na tinamaan na siya ng alak . Umiikot na ang kaniyang paningin at parang nasusuka . Pero , sa wari Niya ay pwede pa siyang mag drive ng motor . Hindi siya ang tipo na naglalasing , masama lang talaga ang kaniyang loob . Kaya pa Niya , alam Niya , kaya pa Niya ang sumakay sa kaniyang motorsiklo pauwi .
BumuntunghiningA si Ronnie , mabigat pa rin ang kaniyang loob , ang Akala Niya ay mabigyang linaw ang kaniyang pag-iisip . Subalit hindi , bumabalik pa rin ang sama ng kaniyang loob . At dahil sa may tama na siya ng alak , ay hindi siya umuwi ng bahay sa bagkus ay pumunta siya sa dalampasigan . Hindi pa siya dinadalaw ng antok , magpapalipas muna siya ng kahit ilang minuto pa bago tuluyang uuwi ng bahay .
Nang makarating na siya sa gilid ng baybayin , sa sanga ng kahoy na madalas nilang upuan ni Isabelle ...ay naaalala Niya ang mga pagkakataon na sila ni Isabelle ay namamasyal sa dalampasigan kapag gabi , nagpahangin . Nanood sa kabilugan ng buwan , pinagmasdan
ang reflection ng sinag ng buwan na humahalik sa dagat .
Kapag gabi ay lalong naging misteryoso ang dagat . Ang anino na dulot nito dahil sa sinag ng buwan ay gumagawa ng Iba't Ibang imahe .
Maya-maya pa tumayo ang balahibo sa batok ni Ronnie , parang may malamig na hangin na bumuga sa kaniyang likuran . Nakaramdam siya na parang may tao sa kaniyang likuran , nakamasid at ano mang oras ay pwede siya nitong dakmain . Well , maybe ...epekto lang ito ng aking nainom na alak , he thought .
Halos mapalukso si Ronnie sa bigla, ng maramdaman Niya ang malamig na kamay na humaplos sa kaniyang likuran . Agad siyang humakbang palayo at gusto niyang kumaripas ng takbo , Pero may kung anong bagay na pumipigil sa kaniYa .
"Ronnie ..." tinig ng Isang babae ang kaniyang narinig . Ang kamay nito ay nakahawak pa rin sa kaniya malamig , para siyang giniginaw sa bawat haplos nito sa kaniyang likod . Mula sa likuran ay humakbang sa kaniyang harapan ang babae . Nanlaki ang mga mata ni Ronnie ng makita ito . Ang liwanag ng lighthouse at sinag ng buwan ay tumatanglaw sa kaniyang paningin .
"Isabelle ?" maang na sabi ni Ronnie . Paano Niya nalaman na nandito ako sa dalampasigan ? Hindi na siya lumalabas kapag ganitong dis oras ng gabi , maliban na lang kung may okasyon . Bakit parang ...kakaiba siya ngayong gabi ? Hindi maipaliwanag ni Ronnie pero , iba ang vibes niya Kay Isabelle tonight . He just couldn't explain , but he thought , something was off . She seems mysterious.
""W-hat are you doing here ..?" nagtataka na tanong ni Ronnie . Akala Niya ay galit ito sa kaniya kanina dahil sa kaniyang sinasabi . Nasaktan Niya ang kaniyang damdamin . Pero , bakit ngayon , parang ang lagkit ng tingin nito sa kaniya? At ang kaniyang mga haplos ...bakit parang nanunukso ? Kumunot ang kaniyang noo, hindi naman ito ugali ni Isabelle .
Hindi sumagot ang babae sa kaniya, sa bagkus ay niyakap siya nito ng mahigpit . , habang sila ay nakatayo sa lilim ng puno ng Sitka Spruce. "Isabelle ..." ang kamay ni Isabelle na maginaw ay hindi nagiging hadlang sa init na kaniyang nadarama ng hipuin nito ang maselang bahagi ng kaniyang katawan . " ...ano ba ang ginagawa mo ..hindi ba --"
She put her finger to his mouth to shush him . " Shh.." sabi ng babae habang patuloy siyang hinihipuan . " Huwag mong sabihin na hindi mo nagustuhan ang ginagawa ko ?" Marahas na tanong nito Kay Ronnie .
Lumunok ng laway si Ronnie , parang nawala ang espiritu ng alak sa kaniyang sistema , ang pumalit ay ang excitement na dulot ng mga hipo at panunukso ni Isabelle sa kanlYA. Ang ipinagtataka niya ay ...ang kaniyang pagiging mapangahas . Pero , naisip ni Ronnie na nagawa nga nitong makipagtalik sa sailor na iyon ...siguro ay ---
He gasped , when he felt her hand slipped inside his trousers . " Take me now , Ronnie .." she commanded . Hindi makapaniwala si Ronnie sa kaniyang narinig , " But ...but ...I thought ..you and the stranger ..are --"
Hindi na natuloy ni Ronnie ang kaniyang sasabihin ng hinalikan ng babae ang kaniyang mga labi . Agad na niyakap ni Ronnie si Isabelle at tuluyan ng nadarang sa panunukso ni Isabelle .
Baka nagbago ang isip nito , baka napagatanti nito na may pagtingin din ito sa kaniya . Hindi na napigilan ni Ronnie ang kaniyang sarili . Sa dalampasigan ng maputing buhangin ng Sitio Busay ay inangkin ni Ronnie si Isabelle ng paulit-ulit .
Hanggang sa halos nawalan na ito ng lakas at basta na lamang nakatulog sa buhangin.
Matalim ang tingin ng babae sa natutulog na si Ronnie . Ang kaniyang anyo ay biglang nag-iba , nanlilisik ang kaniyang mga mata na nakatingin sa binata . " Hmmn , magagamit ko ang isang ito.." tumawa siya ng isang nakapanindig balahibo na tawa . Tumayo ang babae at iniwan si Ronnie sa dalampasigan .
Bago tuluyang bumalik sa dagat ang babae , ay sinulyapan Niya ang mangrove trees ...kung saan nakatayo ang bahay ni Isabelle . Pagkatapos ay tinapunan ng tingin ang lighthouse at ang nakaangkla na yate .
Dahan -dahan na lumakad ang babae sa tubig ...at ng siya ay lumusong na ay isang malakas na alon ang humampas at sinaklot ang babae patungo sa laot hanggang sa ito ay mawala .