Chapter 1

1264 Words
Kasabay ng aking pagsubo ay ang pagbaha ng aking masakit na mga alaala. Alaala naming dalawa. Alaala na sabay naming binuo at magkasamang ginawa sa lugar na ito. Malakas na bumuhos ang ulan, kasabay noon ang aking mga luha. And hearing those raindrops made my heart hurt for a million times. Si Geron na ang aking naaalala sa bawat patak nito. Hindi na si Papa, na unang nagbigay sa akin ng kakaibang kahulugan nito at saya. Pasakit ito nang pasakit sa aking pandinig. Ang bawat patak nito ay tila piraso ng aking masakit na kahapon. “Hija--” “Ang sarap po ng luto niyo Mang Timo,” putol ko sa kanyang nais na sabihin. “Naiiyak po ako sa sobrang sarap.” kurap ko ng mga mata. Patuloy akong humikbi, lalo pang nilakasan ang kanina ay mahinang pagluha. Hindi ko na alam kung paano pa aaluin ang aking sarili. I used to love the heavy rain, the scary lightning and the loud thunderstorm. Madalas ako noong sumayaw, tumakbo at magtampisaw sa ilalim ng malakas na ulan. Gustong-gusto kong amuyin ang mga dahon ng halaman at mga bulaklak nito na basa ng ulan. Nakakahalinang pagmasdan ang pag-agos ng tubig ulan mula sa bubong ng aming bahay patungo sa naghihintay na tigang na lupa. Gusto ko ang mga bagay na iyan gawin noon, bago ko makilala si Geron. Bago dumating ang araw ng pag-alis ni Mama. Noong si Papa palang ang may hawak ng alaala sa akin ng ulan. Noong palagi pa ako nitong kina-kalma at pinapasaya. Subalit ngayon ay nahihirapan na ako itong gawin. Hindi ko alam kung paano ikalma at patahanin ang aking sarili. Wala na ang comfort sa mga patak nito. Sakit nalang ang aking nararamdaman tuwing umuulan. “Marami pong salamat sa libreng pagkain, aling Siruya at Mang Timo.” “Walang anuman hija, ingat ka.” “Pumunta ka dito bukas, Miura.” “Susubukan ko po.” Lalong kumakawala ang aking mga iyak, habang naglalakad pauwi sa aming lumang tahanan na nagsilbi naming pugad. Pauwi sa tahanan na matagal ko ng inabandona. Pabalik sa simula ng aming lumipas na nakaraan. Patungo sa unang pahina ng aming kwentong dalawa. Pabalik sa mga bakas naming dalawa sa maputik na daan sa kalaghatian ng tag-ulan. “Home sweet home Miura.” bulong ko. Maingat akong pumasok sa sirang gate ng aming bahay. Humalimuyak ang mabangong amoy ng mga bulaklak ng calachuchi sa loob ng aming bakuran. May halo ng patak ng ulan. Madamo ang buong bakuran ng aming lumang tahanan. Hindi na ito kagaya noon na inaalagaan. Malago na ang bermuda grass na aming itinanim noon. Patuloy sa pamumulaklak ang mga puno ng calachuchi na bahagyang tumaas na. Nagkalat at nakalatag ang mga tuyong bulaklak nito sa loob ng aming bakuran. Mataas na ang puno ng sampalok na aming itinanim noon ni Geron sa harapan ng aming bahay. Namumulaklak na ito na dinadayo ng marming mga bubuyog. Mabagal akong humakbang palapit sa mga tuyong bulaklak. Pumitas ako ng sariwa at humahanga na sa tatag na kanilang ipinapakita. “Tayo nandito pa, siya nasaan na?” bulong kong nakatitig sa talutot niya, mapait akong ngumiti. Inilagay siya sa gilid ng aking tainga at tumingala sa madilim na kalawakan. “Nasa langit? Nasa lupa? Nasa himpapawid? Nasa bawat patak ng malungkot na ulan? O nasa ating paligid lang?” Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng malalim na paghugot ng hininga. Bumibigat na naman ang aking pakiramdam. Nagbabadya na namang bumagsak ang aking mga luha. Nais makisabay sa marahang pagpatak ng ambon. “Miurasel!” There, comes my bestfriend nasa labas ng bakod ng aming tahanan. Nakangiti at patuloy na kumakaway sa akin. Sa mga bagay, lugar at tao na mga nagbago siya lang ang hindi. “Sana sinabi mong pupunta ka dito.” sambit niya habang humahakbang palapit sa akin, “Kailan ka pa?” “Ngayon lang, pasok na tayo sa loob?” tanong ko na itinuro ang likod-bahay, “Galing ako sa kainan nila Aling Siruya at Mang Timo.” Pilit ang ngiti ko siyang inakbayan. Mabagal na iginiya siya patungo sa likod ng aming bahay. Kung saan samut-sari ang mga alaala namin ditong nananahan. “Sigurado ka bang kumain ka?” pagdududa niya, tumango ako. “Baka mamaya sinasabi mo lang iyan sa akin, para hindi ako mag-alala.” “Kahit itanong mo pa sa kanilang dalawa.” Sa bayan na ng Catanuan ako nakatira. Minsan nalang ako kung dito ay bumisita. Bumibilang ng ilang buwan, minsan ay taon pa ang dumadaan. Nagtayo ako doon ng bake shop at mga restaurant. Nakipagsapalaran sa kahihinatnan nito at pinalad naman, padami na nang padami ang aming mga branch. Si Eriza ay isa ng ganap na guro at nakadestino siya sa lugar na ito upang magturo. Sa luma naming paaralan. Sa lugar kung saan walang katumbas na halaga ang aming mga alaala. “Miura kailan ka bibisita sa kanila?” Nilingon ko siya. “Sa anibersaryo nilang dalawa ni Tito Papa.” tugon ko. “Gusto mo bang samahan kita?” tanong niya, “Magdala tayo ng panibagong puno ng calachuchi.” “Hindi ka ba busy?” “Hindi naman, magpapasukan palang.” ngiti niya sa akin. “O sige, kung iyan ang gusto mo.” “Pero sabihan mo pa rin ako ng maaga,” bawi niya, “Baka may date ako sa araw na iyon e.” Napapailing ako sa kanya. “Tingnan mo na.” nguso ko sa kanya. “Ganun talaga kapag may boyfriend, ops!” takip niya sa kanyang bibig, “Sorry sa walang jowa.” Inirapan ko siya, nang-iinggit ba siya? Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy na sa paghakbang. Sinalubong kami na pamilyar na ihip ng hangin sa likuran. Inilabas ko ang susi sa aming kusina. Isinalpak ko iyon sa makalawang ng doorknob. Ini-ikot ko muna at nang tumunog ay marahan ko iyong itinulak upang tuluyan itong mabuksan. Sinalubong ako ng pamilyar na amoy ng aming lumang bahay. Ang amoy ng pabango ni Mama, ang amoy ng bagong lamang damit ni Tito Papa. Ang katahimikan na madalas naming pagsaluhan noon ni Geron. Sabayan pa ito ng instrumental na tunog ng isang kanta. Paulit-ulit ko iyong narinig, ang kanyang tinig sa aking isip. Humihikbi kong sinapo ang aking bibig. Hinayaan kong bumagsak ang aking mga luha na parang bukas na gripo. Pabagsak akong naupo sa hamba ng lumang pintuan. Malakas na akong humagulhol ng iyak. “Hala ano ba iyan Miura!” sigaw ni Eriza nang makita ang nangyari sa akin, “Ayos ka lang ba?” agad na dalo niya sa akin. “Geron...aking G-Geron...” Nakaramdam ako ng isang malamig at mahigpit na yakap. Nang aking i-angat ang paningin ay ang maamo at nakangiti niyang mukha ang sumalubong sa akin. Mukha niyang bagama't lumuluha ay nakangiti. Mukha niya na muli kong nakita, pagkaraan ng hindi ko na mabilang na mga araw at buwan. “Miss na miss na kita Geron, miss na miss na kita.” patuloy kong hagulhol ng iyak habang papahigpit nang papahigpit ang kanyang mga yakap. “Miss na miss na kita.” “Miss na rin kita, aking Miura.” Kung pwede lang ay ayoko nang matapos pa ang mga minutong iyon. Habang yakap siya, habang nararamdaman ko pa ang pintig ng puso niya. Kung pwede lang sanang humiling sa langit, kung pagbibigyan lang sana ako ng kapalaran at tadhana. Gusto kong paulit-ulit na balikan ang mga oras na aming ilang taon ng dumaan. Memories are worse than bullets. It will make you cry until you're eyes popped out and die.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD