"What bought you here, Calderon? 'Wag mong sabihing ako na ang bago mong trabaho ngayon?" sarkastikong wika ni Rohan kay Francis nang pumasok ito sa loob ng kanyang opisina.
Kararating pa lamang niya kasama ang kanyang asawa at halos ilang minuto lamang ang lumipas bago tumambad sa kanya ang pagmumukha ng kaibigan. Himala yatang pakalat-kalat ito ngayon. Alam naman niyang bakasyon nito ngunt hindi naman ganito kadalas magpakita ang kaibigan noong nakaraang bakasyon nito. So isa lamang ang ibig sabihin nito, he was here for her sister. Mukhang napukaw ng kanyang kapatid ang interes ng kaibigan kung kaya't lagi na lamang itong sumusulpot.
Lalaki siya at alam niya iyon. Alam niya kung kailan nagkakainteres ang katulad niyang dating babaero. Oo dati iyon. Now, he was a changed man because of his wife. Okay going back with Francis, noong nakita niya ang mga titig nito sa kanyang kapatid noong nagkita ang mga ito sa kanyang opisina ay alam na niya. Ngunit paniguradong hindi lamang iyon ang unang pagkakataong nakita nito ang kanyang kapatid.
There was this time when Maureen was only eighteen and Francis went to their home. Bakasyon ng binata iyon at nagkataong nagkaroon sila ng get-together. Although he didn't really saw his sister upclose, there was something in his eyes that night. He was attracted to her sister despite the distance between them. Nasa balconahe ang kanyang kapatid noon at sinisilip ang kanyang kaibigang si Stanley na crush na crush nito.
Iyon lang ang alam niyang pagkikita ng mga ito because Francis never came after that time. But looking at him that day, panigurado siyang nakita nitong muli ang kanyang kapatid. He doesn't know when and where but he was sure of it.
At ngayon ay heto na naman ito at nakapaaga pa. He was thinking kung may lahing Intsik ito ngunit sa pagkakaalam niya ay wala naman.
"Masama bang dalawin ang kaibigan kong busy sa pagpapayaman?" sagot nito sa kanya.
"So you miss me again? Tapatin mo nga ako, are you changing your preference now at ako na ang tipo mo? O baka naman..." pambibiting wika niya.
Natawa naman ito sa kanya dahil sigurado siyang nakuha nito ang nais niyang sabihin. Francis sat on the chair just infront of his table.
"Hindi ko alam manghuhula ka na pala ngayon, De Villa," sagot naman nito sa kanya.
Tiningnan niya ito nang maigi. Nagbabanta ang mga tinging ipinupukol niya rito ngunit dedma lamang ito sa kanya. Of course sa uri ng trabaho nito ay hindi ito basta-basta nasisindak. Hindi nga ito takot sa mga bala at bomba sa kanya pa kaya.
"Spare my sister, Calderon. Hindi siya nababagay sa iyo. She's fragile and you know that. You know that of all the people around her," makahulugang wika niya sa kaibigan.
"You're too protective and defensive, De Villa. Wala naman akong ginagawa sa kapatid mo," sagot nito sa kanya.
"You don't need to do something for me to warn you. You, just being here, your presence says it all."
Nagkibit-balikat naman ito sa kanya na parang balewala lamang ang mga sinabi niya rito. He was stubborn like him kaya nga sila magkaibigan together wih the others dahil sa ugali nilang iyon.
"So what brought you here?" muli niyang tanong sa kaibigan.
Sumeryoso ang mukha nitong napatingin sa kanya. Malalim din ang iniisip nito na animo'y tinitimbang ang mga sasabihin sa kanya.
"Give your blessing to me. I like your sister," seryosong wika nito sa kanya.
Sinasabi na nga ba niya. Tama nga siya ngunit nakakagulat na basta na lamang nitong sasabihin iyon sa kanya. Matapang din naman talaga ito para gawin iyon sa kanya.
"Did something happen last night?" seryoso ring tanong niya sa kaibigan.
"I just realized that my attraction towards her was deep. I remember her and your warning years ago. And her stubborness caught my attention too. Aside from maganda siya, sexy, her personality was different from the women I met. And there's something more..." sagot nito sa kanya.
Something more? Anong something more naman kaya ang sinasabi nito sa kanya? Something deeper from mere attraction or was his ego being bruised because of her sister's stubborness? Which is which? At hindi naman niya iyon malalaman kung hindi niya ito hahayaan. Pero what if masaktan ang kanyang kapatid? She was too fragile. Mataray man ito at may pakasamaldita ngunit basag-basag pa rin ang kalooban nito, ang pagkatao nito because of her past. At hindi niya hahayaan na masaktan ang kanyang kapatid kahit pa sa kaibigan niya.
"You know how fragile she is, Francis. Hindi ko gustong masaktan ang kapatid ko lalo na sa isang kagaya mo. We're friends and we know how we are when it comes to women---"
"You've changed when you met your wife. I could be the same, De Villa. The same reason why I am here asking for your consent. Pero kahit hindi mo ako bigyan you know I will still do what I wanted to do," putol ni Francis sa kanya.
Nagtangis ang baga niya at nagsukatan sila ng tingin ng kaibigan. Tama nga rin nama ito na gagawin pa rin nito ang nais ngunit hindi pa rin siya dapat makampante. Ayaw niyang masaktan ang kapatid at kapag nangyari iyon ay baka magulpi or worst pa ang magawa niya sa kaibigan.
"It's not my decision to make, Calderon. But I am warning you, if and if you hurt my sister ay magtago ka na. You're job won't save you," sagot niya rito.
Bigla na lamang itong ngumisi sa kanya nang pagkalapad-lapad. Parang nanalo ito sa lotto kung makangisi. Nagningning din ang mga mata nito.
"Don't worry. I've failed to protect her, I won't let that happen again, brother-in-law," sarkastikong wika nito sa kanya.
Wala sa sariling kinuha niya ang ballpen at basta na lamang itong binato sa kaibigan na mabilis naman nitong nasalo at inilapag sa kanyang lamesa.
"So iyon lang ang ipinunta mo rito? Ang ipagpaalam ang panliligaw mo sa kapatid ko? Kung iyon lang ay makakaalis ka na. May trabaho pa ako," pagtataboy niya rito.
"I'll stay here for awhile. Hindi ko pa nakikita ang kapatid mo," sagot nito sa kanya.
"This is not her office, Calderon. Puntahan mo sa opisina niya at doon ka mameste," wika niya sa kaibigan.
Sasagot pa sana ito nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang kanyang kapatid na mukhang nagulat din sa pagkakita sa kanya at sa kanyang kaibigan. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa kaibigan at mukhang nagdadalawang-isip ito kung papasok ba o hindi.
"What brought you here, Mau?" tanong niya sa kapatid at pumasok naman ito nang tuluyan sa loob ng kanyang opisina. May hawak itong folder.
"You need to sign something and I was about to talk to you about the proposal...but mamaya na lang siguro," sagot nito sa kanya habang lumalapit sa table niya.
"Oh! We'll talk about it now dahil paalis na rin naman si Francis." Tumingin siya sa kaibigan at mukhang naintindihan naman nito ang nais niyang iparating dahil tumayo na ito mula sa pagkakaupo.
"Yeah! Paalis na ako actually," wika nito pagkatapos ay nagpaalam na. Ngunit hindi pa ito tuluyang nakakalabas nang bigla itong magsalita. Tumingin ito sa kanyang kapatid na nakatingin lang din naman sa papaalis ng kaibigan. "Are you free tonight? Let's have dinner together."
Bilib talaga siya sa tapang nito. Straightforward din. Wala nang paligoy-ligoy pa. Pero panigurado siyang kailangan nitong dagdagan ang pasensiya nito lalo na sa nakikita niyang itsura ng kanyang kapatid ngayon. Nskataas na ang isang kilay nito habang nakatingin sa kaibigan niyang naghihintay ng sagot nito.
"So?" muli nitong tanong sa kapatid.
His sister took a deep breath and she looked pissed too. Paniguradong hindi rin maganda ang mood nito o rather hindi nito gusto ang binata.
"You're asking for a date?" tanong ng kanyang kapatid sa kaibigan niya na ikinatango naman nito. "Sorry but may date kami ng boyfriend ko mamayang gabi."
Doon na siya napatingin sa kapatid. Hindi siya makapaniwala sa narinig kaya nagtatanong ang tingin ipinukol niya kapatid. When he looked at Francis' reaction ay parang wala lang ang sagot nito. Like him, hindi rin ito naniniwala sa sinabi ng kanyang kapatid.
"Okay. Suit yourself then. But if hindi ka na naman sinipot ng boyfriend mo you know my number. Just give me a call," wika nito at talagang binigyang diin pa nito ang salitang 'boyfriend'. Matapos ay tuluyan na itong nagpaalam sa kanila.
Nang makaalis ang kanyang bisita ay hinarap na niya ang kanyang kapatid na ngayon ay komportable nang nakaupo sa harapan niya.
"Boyfriend?" tanong niya na ikinalingon nito sa kanya.
Binigyan siya nito ng nakakalokong ngiti kung kaya't hindi na niya kailangan pang usisain ang buong detalye para sa sagot nito. She was just fooling around to shoo away Francis. Pero mukhang hindi rin kinagat iyon ng kanyang kaibigan.
"Okay, let's ge down to business. As I was saying, pirma mo na lang ang kulang para sa pagsisimula," wika ng kanyang kapatid.
"I won't ask if you are sure about this because we both know you are dead serious about this one. Pero hindi mo talaga gustong maki-tie-up sa kompanya? You will get more funds for your business."
"Rohan, napag-usapan na natin ito. I will ask for your help in the construction and everything but it will be my own---"
"I get it. I get it. Wala na akong masasabi pa. Pero idagdag mo ang trust fund mo sa banko. It's your money coming from mom and dad."
"Don't worry, Rohan everything is taken cared of. Pumirma ka na para masimulan na," giit pa rin ng kanyang kapatid.
"How about your position in my company?" tanong niya rito.
"I will resign. Maghahanap pa ako ng kapalit ko kaya 'wag mong problemahin iyon. Many are qualified and we will make sure na wala kang magiging problema especially that Joyce will be here."
"Okay. You have all my support," wika niya sa kapatid na ngumiti naman.
Hindi na niya kailangan pang usisain ito dahil alam niyang matagal na nitong pangarap ang magkaroon ng clothing business upang mabuhay ang alaala ng mga magulang nito. They used to have a clothing business, RTW, when she was a child. Nakamulatan na nito iyon kaya naman hinahanap-hanap din ng puso ang bagay na makakapagpapaalala sa tunay nitong mga magulang.
"Have you talk to the old couple about this?" tanong niya sa kapatid.
"Oh, yes. They were happy especially Mom. Malilibre na raw siya sa pagbili ng mga damit," sarkastikong sagot nito sa kanya na ikiniling niya.
Nag-usap pa sila saglit ng kapatid bago ito nagpaalam na babalik na sa opisina ngunit katatayo pa lamang nito at bigla na lamang siya nitong tiningnan nang napakaseryoso.
"What? May problema pa?" tanong niya sa kapatid na nakatingin lang sa kanya.
"Rohan, my nightmares are coming back."