Ten years later…
“Rohan?!” malakas na sigaw ni Maureen sa kanyang kapatid.
Nanggigigil na nakatayo siya sa puno ng hagdanan dahil sa kalokohan ng kanyang kapatid. Ngayon ay sumasakit na ang ulo niya dahil sa kagaguhan nito, ng mga ito. Gumawa na naman ito ng kademony*han.
“What?” tanong nito sa kanya na lumabas mula sa kusina. Nagmamaang-maangan pa talaga ito sa kanya.
Sa totoo lang ay hindi naman niya totoong kapatid ang binata. Sampid lang naman siya sa pamilya ng mga ito but she never felt that way. Her foster family loved her so much and she was considered as their own daughter and own sister. Sabi ng kanyang Mommy Pia, magkadugo naman sila talaga dahil malayong kamag-anak nito ang kanyang namayapang ina. Iyon nga lang hindi niya masabi kung gaano ba kalayo ang pagiging kamag-anak nila o baka sinasabi lang nito iyon sa kanya upang maging kampante siya sa pamilya nito.
Her parents died years ago when she was eight years old. Tandang-tanda pa niya ang gabing iyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nabubura sa kanyang isipan. That night was so vivid. Sino ba naman kasi ang makakalimot nang brutal pagpaslang sa mga ito? Kahit sa musmos na isip, lahat ng detalye ay alam na alam niya kahit hindi naman niya narinig pero kitang-kita niya ang lahat.
Ilang sandali pa ang lumipas mula nang maganap ang nakakatindig balahibong kaganapan iyon nang maisipan ni Maureen na pindutin ang pulang buton na iyon. Hindi niya alam kung papaano niya nagawang pindutin iyon upang iyon ay bumukas. Basa pa rin ang kanyang mukha ng luha habang nakatunghay sa duguan at walang buhay ng mga magulang. Wala sa sariling lumapit siya sa kanyang Mama at niyakap ang walang buhay nitong katawan at sunod ang kanyang Papa. Tanging ang palahaw na lamang niya ang naririnig sa mga oras na iyon. Sa murang edad ay alam na niyang hindi na babalik pa ng buhay ang kanyang mga magulang. Duguan na ang kanyang damit ngunit hindi niya iyon alintana. Ang tanging nasa isip lamang niya ay mayakap ang mga ito sa huling sandali.
Matagal siya sa ganoong posisyon nang makarinig siya ng mga kaluskos. Napuno ng takot ang kanyang buong Sistema dahil baka bumalik ang mga taong iyon at isunod siya. Mabilis siyang tumayo at akmang babalik sa pinagtaguan nang marinig niya ang kanyang pangalan.
“Maureen?” tawag sa kanya ng bagong tinig.
Natulos siya sa kinatatayuan hindi dahil sa takot kundi dahil bakas sa tinig na iyon ang takot at awa habang binibigkas nito ang kanyang pangalan. Tinig iyon ng isang lalaki. Dahan-dahan niyang lumingon at tiningnan kung kanino nanggagaling iyon at nakita ang isang matangkad na lalaki at hindi ito kabilang sa mga kalalakihan na pumasok sa kanilang tahanan. Hindi siya nakaramdam ng takot sa lalaking iyon bagkus ay may kung anong humila sa kanya para takbuhin ang kinaroroonan nito at yakapin ito.
Ibinuka ng lalaki ang kanyang mga bisig upang yakapin siya at mahigpit ang ginawa nitong pagyakap sa kanya nang nasa bisig na siya nito. Doon niya ibinuhos ang lahat ng luha niya. Nagsimula na ring manginig ang kanyang katawan dahil sa takot na nararamdaman at naramdaman simula pa kanina. Walang anumang sinabi ang lalaki sa kanya bagkus ay niyakap lamang siya nang napakahigpit. Hindi nito alintana ang duguang damit niya. Binuhat siya nito sa sulok at itinakip nito ang katawan nito upang hindi niya makita ang duguang katawan ng mga magulang. Pagkatapos ay may tinawagan ito.
“Wala ka bang sugat?” tanong nito sa kanya habang sinisimulang inspeksiyonen ang kanyang buong katawan.
Nang wala itong makitang sugat niya ay sinimulan na siya nitong kausapin kung ano ang nangyari sa kanila. Gusto niyang ikwento ang mga nangyari ngunit parang naging bato ang kanyang dila at wala siyang masabi kahit na anong salita. Tanging iyak lamang ang ginawa niya sa harapan nito. Pagkatapos noon ay bigla na lamang nagdilim ang kanyang mundo.
Nang magising siya ay nasa loob na siya ng isang kwartong kulay puti ang pintura. Tanging puti lamang ang nakikita niya. Naroroon din ang mga aparatong umiilaw at may nakakabit din sa kanyang kamay na suwero. Ah! Nasa ospital siya ngunit wala siyang anumang nararamdaman. Blanko ang kanyang utak maging ang kanyang pakiramdam.
“Hija, kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong ng isang ginang na magara ang kasuotan. Bakas sa magandang mukha nito ang pag-aalala.
Alam niyang hindi ito nurse o doctor dahil hindi naman puti ang damit nito. Panay ang salita nito sa kanya ngunit walang lakas ang kanyang dila na kausapin ito. Tanging tingin lamang ang ibinigay niya rito.
Simula noon ay hindi na nawala ang ginang sa kanyang tabi kasama ang dalawang anak nitong lalaki. Laging nasa tabi niya ang mga ito kahit hindi niya ito kinakausap. Hanggang sa makalabas siya ng ospital at hanggang sa mailibing ang kanyang mga magulang. Pero ganoon pa man ay may hinahanap ang kanyang mga mata. Hinahanap niya at hinihintay ang lalaking iyon. Ang lalaking huli niyang nakita bago dumilim ang mundo niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nakikita. Hanggang sa lumipat na siya ng bahay ay hindi pa rin niya ito nakikita. Ngunit isang araw habang naglalaro siya sa garden ay dumalaw ito. Mahigpit na yakap ang ibinigay niya rito nang makita ito.
“Kumusta ka na?” tanong nito sa kanya.
Nagulat siyang nang magsalita siya. Iyon na ata ang unang beses na nagsalita siya pagkatapos nang nangyari sa pamilya niya. Maraming tanong ang lalaking iyon at lahat ng mga iyon ay sinagot naman niya. Nailahad nga rin niya ang nangyari sa kanyang mga magulang. Matapos niyang magkwento rito na puno ng mga luha ang kanyang mga mata ay ipinaliwanag nito sa kanya na ito na ang kanyang magiging pamilya at kailangan niyang masaya sa mga ito. Sinabi rin nito na mababait ang mga iyon at kamag-anak niya ang ginang na gaya nang sinasabi rin sa kanya. Marami pa silang napagkwentuhan hanggang sa nagpaalam na itong aalis ngunit tatawag sa kanya.
Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya.
“What? What lang ang isasagot mo sa akin? Ibang klase ka rin ano?” gigil na wika niya rito. “Matapos mong---”
“I did nothing.”
“You did something!” gigil pa ring wika niya rito.
“Okay! I did but I just talked to him.”
“Nag-usap? Halos nanginginig pa iyong taong nang kausapin ako dahil sa pananakot na ginawa mo, ninyo ni Ryland.”
Napabuntong-hininga ito sa kanya at tsaka basta na lang siya tinalikuran. May sinasabi ito ngunit hindi na niya narinig dahil muli itong bumalik sa kusina. Kaya padabog na pumanhik na lamang siya. Nakasalubong din niya si Ryland ngunit inirapan lamang niya ito. Mabuti na lamang kahit na hindi siya talaga kadugo ng mga ito ay itinuring siyang parang totoong kapatid dahil kung hindi ay matagal na siyang napalayas sa poder ng mga ito. They loved and adored her so much and she was blessed for that matter.
“Bakit nakasimangot ka na naman?” tanong sa kanya ng kanyang Mommy niya. Nakasalubong niya ito sa hallway patungo sa kanyang kwarto.
“The boys threatened my friend again!” madiing wika niya na ikinatawa ng mommy niya.
“Your friend or your suitor?” muling tanong nito sa kanya.
“Mommy, pati ba naman ikaw? Kaibigan ko po iyon. Ni hindi ko manliligaw. Or ni hindi pa nga nagsisimulang manligaw tapos tinakot na nila? I’ll be graduating yet wala pa akong boyfriend dahil sa mga iyon!”
Tawang-tawa ang mommy niya sa litaniya niya na mas ikinainis naman niya.
“Anak, protective lang talaga ang mga kuya mo. They want the best for you, the best guy for you,” wika ng mommy niya.
“Best guy? Sila nga hindi best guy sa dami ng mga babae nila!”
“Hayaan mo na ang mga kuya mo dahil malalaki na ang mga iyon at may mga trabaho na. Hindi pa siguro nila nakikilala ang para sa kanila. And don’t rush to have a boyfriend. Darating din iyon. Akon ga twenty-eight na ako nang makilala ko ang Daddy niyo at first boyfriend ko siya and we ended up together kahit babaero noon,” mahabang paliwanag nito sa kanya. “Oh siya maiwan na muna kita dahil titingnan ko lang ang kuya mo dahil darating daw ang mga kaibigan.”
“Sige, Mommy. Pero pagsabihan mo ang mga boy ha? Dahil kapag ako nainis sa mga iyon lagot sila sa akin,” bilin niya sa in ana tumatawa pa ring iniwan siya.
She stayed in her room and started sketching dresses and gowns. It was her hobby and she wanted to put up her own clothing line someday. Kaya naman mahigpit ang sinturan niya sa paggastos dahil inilalaan niya iyon para roon. Sa totoo lang ay marami na siyang pera sa bangko hindi dahil sa ipon niya kundi dahil sa allowances na ibinibigay ng mga magulang niya, iba pa roon ang naiipon niya. Kahit naman kasi open ang mga ito pagdating sap era ay hindi pa rin niya maiwasang mahiya dahil nasa isip pa rin niya na hindi siya tunay na kadugo ng mga ito. But they kept on insisting that she is their daughter. Tanggap naman niya iyon ngunit hindi lang niya maiwasang mahiya sa mga ito. Napakabuti ng mga ito sa kanya at napaswerte niya sa mga ito.
“Ma’am Maureen, kakain na raw po kayo,” wika ni Glenda na isa sa mga kasambahay nila. Kaedad lamang niya ito. Anak ito ni Manang Mind ana dati ng katulong ng mag-asawa.
Kahit na kaedad niya ito ay hindi sila close dahil inggit na inggit ito sa kanya simula pa noong bata siya. Kaaway rin niya ito noon pa ngunit hindi lamang ito makapalag dahil nga ‘anak’ siya ng mga amo nito.
“Sige susunod na ako,” sagot niya rito. Naiinis man siya rito ay maayos pa rin naman ang pakikitungo niya rito dahil ganoon siya pinalaki ng mag-asawa. Dedman a lang isya tuwing nagpapasaring ito sa kanya kung minsan.
Nang makababa siya ay silang apat lamang ang naroroon at wala ang kapatid na si Rohan. Siguro ay nagtatago na ito sa kanya ngayon dahil sa ginawa nito sa kanya.
“Si Rohan?” tanong niya sa mga naroroon. “Sinabon mo ba, Mommy?”
Natawa na naman ang mommy niya. Nagtatakang napatingin naman ang Daddy niya sa kanya at si Ryland ay tahimik lamang. Nasa harapan kasi ang Daddy nila at siguradong makakarinig na naman ang mga ito dahil siya ang paboritong anak nito.
“Nasa garden kasama ang mga kaibigan, hija. At hindi ko pa nasasabon. Nandiyan naman ang Daddy mo. Paniguradong hindi lang sabon ang aabutin ‘nun,” nakangiting wika nito sa kanya.
“What did you two do this time to my princess?” tanong ng Daddy nila kay Ryland.
Parang naiihi naman si Ryland kaya naman hindi niya maiwasang matawa sa itsura nito. Guilty na guilty ito sa ginawa nila ni Rohan. Malas lamang nito dahil wala ang isa kaya siya ang sasalo sa pagsasabon na gagawin ng Daddy niya. Pero siyempre hindi naman ganoon ang gagawin nito dahil paniguradong ito pa ang magsa-suggest sa gagawin ng mga ito next time. The dinner was fun, as usual. Hindi nauubos ang tawanan nila.
Matapos ang masayang hapunan ay muli siyang bumalik sa kwarto ngunit bago siya magtungo roon ay mabilis siyang pumunta sa balconahe upang silipin ang mga kaibigan nito. Paniguradong naroroon si Stanley na crush na crush niya. Habang papalapit siya ay naririnig na niya ang mga tawanan at kantiyawan ng mga ito sa isa’t isa. Rinig na rinig din niya ang boses ni Stanley.
Mabilis siyang lumabas upang makita ito. Wala namang kaso kung makita siya ng mga ito dahil doon naman talaga ang tambayan niya tuwing gabi bago pumasok sa kwarto. Nang makarating doon ay may umagaw sa atensiyon. Hindi si Stanley iyon. Ngayon lang niya nakita ang lalaking iyon. Pinagmasdan niya ito mula sa kinaroroonan niya. Matikas ang tindig nito, matangkad at kulay kayumanggi ang buhok nito. Hindi iyong natural kundi halatang pinakulayan. And then it sinked, he looked like him. Her savior.
“Sir Elijah?”