“Elijah!” malakas na sigaw ng kanyang amang si Francisco sa kanya nang matumba siya sa ginagawa nilang sparring session.
Hindi siya nito tinawag dahil sa pag-aalala nito sa kanya dahil sa lakas ng kanyang pagbagsak bagkus ay upang pukawin ang isipan niya na ituon ang buong atensiyon sa kanilang ginagawa. Hindi ito nag-aalala sa kanya bagkus ay nagagalit na ito sa kanya. He was a slave when they were inside this training ground. Lahat ng utos ng kanyang ama ay dapat nasusunod at kaunting pagkakamali lamang ay katumbas nito ang ilang ulit na pag-eensayo at walang pahinga, walang tulog, walang kain. Walang awa ang kanyang ama sa kanya kapag naririto sila. Para siyang hindi anak kung ituring nito. Parang isa lamang siyang tauhan nito kung makapag-utos sa kanya ng pagkarami-raming bagay.
“Again!” sigaw ng kanyang ama sa kanya.
Muli niyang kinalaban ang kanyang ama at pagod na pagod na siya dahil kagabi pa sila naririto at halos wala pa siyang tulog. Tanging tubig lamang ang laman ng kanyang sikmura. Pinaparusahan kasi niya ng kanyang ama dahil halos tatlong buwan siyang walang ensayo mula nang umalis ito patungong London para sa trabaho nito. Tatlong buwan ang ginugol niya sa paglalakwatsa dahil na rin sa wala ang kanyang ama. Akala pa naman niya ay hindi siya sisitahin ng kanyang ama ngunit nang dumating ito kagabi ay inutos na nito na magtungo siya sa kanilang training ground. At iyon nga wala pa siyang pahinga. Walang tulog, walang kain. Galit na galit ito sa kanya.
“Hindi ka magpapahinga kapag hindi mo nagawa ng tama ang pinapagawa ko sa iyo, Elijah! I told you to practice and practice and what did you do? You played around! Life depends on you, Elijah. Take it seriously or you will regret it your whole life!” litanya na naman ng kanyang ama sa kanya.
Practice? Halos buong buhay niya ay nagpapa-practice na siya. Tatlong taong gulang pa lamang siya ay sinimulan na siya nitong i-train para maging katulad nito. Maging katulad nitong special agent ng isang ahensiya ng gobyerno hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo. Hindi man gusto ng kanyang ina ngunit wala itong nagawa dahil halos lahat silang magkakapatid ay sinanay na ng ama na maging katulad nito. Tatlo silang magkakapatid at puro lalaki at siya ang bunso sa kanilang tatlo. Ang kuya niya ay ganap ng kagaya ng kanyang ama at nasa misyon ito ngayon. Ang pangalawa naman ay nasa training na ng ahensiya sa US. Siya na lamang ang natitira kung kaya’t lahat ng atensiyon ng ama ay nasa kanya na. He was fifteen years old, and he was to enjoy his teenage life but he couldn’t do it because he must train. He must train harder and hardest. Mabuti nga at wala ang kanyang mga kapatid kundi mas malala na naman ang training na gagawin niya. Siyempre, tatlo ang magbabantay sa kanya.
He wanted to live a normal life but he can’t. Hindi naman sa hindi niya gusto ito, gustong-gusto niya dahil nais niyang maging kagaya ng kanyang ama at mga kapatid ngunit dahil bunso siya ay sa kanya lahat ang atensiyon ng mga ito which was too much for him.
“Let out all your frustrations! Galit ka sa akin? Let it out! Because you will use that in the future,” sigaw na naman ng kanyang ama.
Marami pa itong sinasabi sa kanya na hindi niya nagugustuhan at dumaragdag sa kanyang inis sa ama, sa mga kapatid. He was using his frustrations to let his anger out. Lahat ng mga bagay na nais niyang gawin ngunit hindi niya magawa ay binabanggit lahat ng ama dahilan para mas lumiyab ang kanyang damdamin.
“That’s it! You’re angry now?” hamon pa sa kanya ng kanyang ama.
Nananadya ba talaga ito? Siyempre sinasadya nito iyon. Ano pa nga ba ang ginagawa nito? Para namang bago iyon sa kanya. He started attacking his father. He threw punches and kicks to him. Panay sangga lamang ang ginagawa nito sa kanya. Marami pa itong sinasabi sa kanya ngunit wala na siyang marinig dahil halos punom-puno na ang kanyang dibdib at utak sa mga sinasabi nito. He was blackmailing him too, emotionally. His anger overflow making his strength grew stronger at hindi niya namalayan na napatumba na niya ang ama at nakasakay na siya rito at uundayan na sana ito ng mga suntok ngunit biglang naisip niya na ama pala niya ito. And because he stopped, his father pinned him underneath him.
“Next time, don’t hesitate!” nahahapong wika ng kanyang ama at tumayo. He offered his hand to him which he accepted. “You rest. See me at my study after an hour,” wika sa kanya ng ama bago ito lumabas ng silid na iyon.
Walang lakas na ibinagsak niya ang kanyang katawan pagkalabas ng kanyang ama. Ubos na ubos ang kanyang lakas at ngayon ay nararamdaman na niya ito. At meron lamang siyang isang oras bago sumabak sa kung anong ipapagawa sa kanya ng kanyang ama. And because of that hour, he forced himself to stand up and went out of the room. Mabilis ang kilos niyang tinungo ang kanyang kwarto at naligo. Wala na siyang panahong magpahinga. Matapos malinis ang katawan at tinungo niya ang kusina. Nabungaran niya roon ang kanyang ina naghahanda ng napakaraming pagkain para sa kanya.
“Come, hijo. Feed yourself!” nakangiting wika ng kanyang ina at ipinaghain siya. “Pagpasensiyahan mo na ang iyong Daddy, hijo.”
Napabuntong-hininga siya dahil sa sinabi ng kanyang ina at napalabi. “He’s too much, Mom.”
“It’s for your own good, hijo. You wanted to be like him, right? He was training you to be better than him,” sagot ng kanyang ina.
“Pero hindi naman ganito ang ginagawa niya noon kila Kuya.”
“Huwag ka nang magreklamo, hijo. Nakapagpahinga ka naman ng tatlong buwan. At hindi lang naman ikaw ang nasabon ng Daddy mo. Ako rin kaya quits na tayo,” natatawang wika ng kanyang in ana ikinailing niya.
Paanong hindi ito masasabon? Ito ang nagkunsinti sa kanya na huwag mag-training sa loob ng tatlong buwan na wala ang kanyang Daddy. Sinabi nito sa kanyang mag-enjoy siya habang wala ang ama. Kung alam lamang niya na ganito ang kapalit niyon ay hindi na sana siya nakinig dito. Pero nag-enjoy naman siya kaya okay na rin. Sulit na sulit naman ang pagbabakasyon niya sa training ng tatlong buwan.
He played with his friends and with women. At the age of fifteen, matikas na ang katawan niya dahil sa ginagawang training sa kanya. He has an athelic built, and five-feet, five-inches tall already. Lalo na at may lahing silang amerikano. Kung ang katawan ang pag-uusapan ay parang nasa early twenties na siya kahit pa sabihing bata pa ang kanyang mukha. Baby face naman talaga siya. And one of his assets was his emerald-green eyes too. They said, it was hypnotizing them. See? And with those features, maraming babae ang naghahabol para mapansin niya.
“C’mon! Kumain ka pa. Sigurado akong may ipapagawa ang Daddy mo sa iyo. Susulitin niya ang pamamalagi niya. Aalis na naman iyon bukas,” nakangiting wika ng kanyang ina.
Kumislap ang mga mata niyang nakatingin sa ina. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Tumango ang kanyang ina na ikinangiti niya nang malapad. Magana siyang kumain habang panay ang kwento ng kanyang ina. Matapos kumain ay tinungo na niya ang study ng ama at inihanda ang sarili sa kung anong ipapagawa nito sa kanya. Alam niyang hindi iyon magaan kaya naman kailangan niyang ihanda ang pisikal na katawan maging ang kalooban.
He knocked three times before turning the doorknob. Nakita niya ang ama sa harap ng lamesa nito at may binabasang kung anumang dokumento.
“Come here, hijo.”
Lumapit siya sa ama at sumenyas ito na umupo sa upuan na nasa harap nito. Nang makaupo siya ay may inilapag itong folder sa kanyang harapan. Nagtatanong ang mga matang tumingin siya sa kanyang ama.
“I want you to go to that address tonight. Be there at exactly six in the evening. Use my black car,” turan ng kanyang ama sa kanya and motioned him to open the folder.
Binuksan niya ito at tumambad sa kanya ang larawan ng isang lalaki. Hindi ito mukhang Pilipino o kung Pilipino man ito ay kagaya niyang mayroong ibang lahi. Binasa niya ang pangalang nakasulat doon. “Nestor dela Merced”.
“What will I do?” tanong niya sa ama.
“Just be there the whole night. And if any case you will see any suspicious individuals, give me a ring. You will know when you’re there. Elijah. Be there,” seryosong wika ng kanyang ama.
Isinaulo niya ang address na nakasulat doon. Alam niya ang lugar na iyon dahil nadaraanan niya iyon tuwing pupunta siya sa isa sa kanyang mga kaklase.
“That’s six. Can I go somewhere else before that?” alanganing tanong niya sa ama.
“That’s promise me that you will be there at that time and you may,” seryosong wika pa rin ng kanyang ama.
“I will, Dad.”
“That’s your first mission, Elijah and it is very important one. I am intrusting it to you dahil may iba pa akong lalakarin. I know you can handle it and it was a pretty easy task. Be there and give me a ring. I trust you. Don’t disappoint me, Elijah,” wika ng kanyang ama.
“Yes, Dad. I will not disappoint you. I’ll be there exactly at six.”
Tumango naman ang ama at sumenyas na pwede na siyang umalis. Kaagad niyang tinawagan ang kaibigang si Kurt upang makipagkita rito. Kahapon kasi ay may usapan silang may lalakarin ngunit hindi iyon natuloy dahil sa pagdating ng kanyang ama. Kung kaya naman ay ngayon na nila lalakarin habang binigyan pa siya ng ama na lumabas.
“Where are you?” tanong niya rito.
“Nasa labas ako ng bahay ninyo. Ipagpapaalam sana kita sa Daddy mo. Alam kong dumating na siya kaya hindi ka nakalabas kagabi.”
“Sinabi mo pa! Sige, hintayin mo ako. Lalabas na ako,” bilin niya rito bago kinuha ang kakailanganin sa loob ng kwarto. Kinuha na rin niya ang susi ng sasakyang pinapagamit ng kanyang daddy.
Nang makalabas ng gate ay nakita niya ang sasakyan ni Kurt. Inihinto niya ang dala sa tapat nito.
“Convoy na lang tayo.”
Tumango naman ito sa kanya pagkatapos ay pinaandar ang sasakyan at sumunod naman siya rito. May kalayuan din ang binaybay nila ngunit nasa siyudad pa rin naman sila. Ihininto ng kaibigan ang sasakyan sa tapat ng isang gusali.
“Anong gagawin natin dito?” tanong niya rito. Akala ba niya may lalakarin sila? So ito ba iyong lalakarin nila?
“Malalaman mo pag-akyat natin,” nakakalokong ngiti nito sa kanya.
Napailing na naman siya rito. Paniguradong babae na naman ang lakad na sinasabi nito. He looked at his wristwatch. Mahaba-haba pa ang oras niya bago ang sinabi sa kanya ng ama. He will enjoy this short freedom for the meantime. Sumunod siya sa kaibigan at napangiti nang mabungaran ang silid na pinuntahan nila. Girls were everywhere and all were in their bikinis.
“Akala namin ay hindi ka na makakadalo?” wika ng isa sa mga kaibigan niya.
“Muntik na nga eh!,” sagot niya rito.
“C’mon let's enjoy the party and the girls,” Kurt said.
With that, he started enjoying the place and the girls lalo na't marami ang nagpapansin sa kanya. Dahil sa kawilihan sa ginagawang swimming party ay hindi na niya namalayan pa ang oras. All his attention was with the girls, the beers and the fun that he forgot what his father just said to him. Para siyang nakawala sa lungga na masayang nakikipag-party sa kapwa mga kabataan.Kung hindi pa siya nagbanyo ay hindi pa niya maisip na hanapin kung saan niya nailagay ang kanyang cellphone. When he got hold of it, there were calls and texts coming from his father. With thag he looked at his wristwatch and saw that it was past ten in the evening already. Biglang nawala ang kalasingan niya nang makita ang oras.
Wala siyang sinayang na panahon at basta na lamang tumakbo paalis sa lugar na iyon. Pat@y! Malilintikan siya nito sa kanyang ama. Kung bakit ba kasi hinid man lang niya naalala ang lakad. Masyadong naka-focus ang attention niya sa pagsasaya at pambababae. Mabilis ang ginawa niyang pagpapatakbo ng sasakyan habang tinatahak ang daan patungo sa address na ibinigay sa kanya ng ama.
Nang lumiko siya sa patungo sa address na iyon ay ganoon na lamang ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya dahil sa nakikitang mga sasakyan. Mga sasakyan gaya ng mga patrol ng pulisya at mga ambulansiya. Ano ang nangyari? Mabilis na ipinarada niya ang sasakyan at mabilis na bumababa roon. Ngunit hindi pa siya makakalayo mula roon ay isang malakas na suntok na ang bumungad sa kanya.
“Look what have you done, Elijah! Look!” mahina ngunit puno ng galit na wika ng kanyang ama.
When he gazed up to where his father was looking, two stretchers came out and were covered with white cloth. And he knew what it means.
“What have I done?”