Chapter 2

1189 Words
“Welcome home, hijo,” bati ng kanyang mommy sa kanya. He just came from a mission in South Africa. Yes! Ngayon ay isa na siyang ganap na kagaya ng kanyang ama. Ilang taon na ang nakakalipas mula nang maging ganap na siyang FBI agent. At sa mga taong iyon ay madalang siyang umuwi sa bansa dahil na rin sa may nais siyang mapatunayan sa sarili. At kung umuwi man siya ay hindi pa siya nagtatagal ng isang buwan at muli na namang babalik sa trabaho. Pinakamatagal niyang bakasyon ay dalawang linggo at panay ang reklamo ng kanyang mommy dahil doon. Ngayon ay hindi niya alam kung gaano siya katagal magbabakasyon. Depende siguro iyon kung may bagay na mapag-iintresan siya dahil kung wala ay baka bumalik na lang ulit siya sa trabaho. O kung may ipapagawa ang kanyang ama ay marahil magtatagal siya. Isang taon na kasi ang nakakalipas mula nang magretiro ang kanyang ama at nag-focus na ito ngayon sa kanyang mommy, charity events at negosyo. Kung magiging politiko nga ang ama ay baka manalo ito dahil sa impluwensiya nito. Pero buti naman at hindi nito gusto ang kalakaran ng politika. “How long is your vacation, son?” tanong ng kanyang ama na si Elijah Joaquin Calderon. “That depends, Dad,” tipid na sagot niya rito. “Siya nga pala, aalis din ako. Rohan was calling and everyone will be there.” “Magpahinga ka muna bago ka pumunta roon. Siguradong hanggang madaling araw na naman kayo niyan,” sagot sa kanya ng kanyang mommy. “Have fun with the boys, hijo. Just be careful,” bilin naman sa kanya ng kanyang ama na ikinatango niya. “I’ll rest.” “Padadalhan kita ng pagkain sa kwarto mo,” pahabol na wika ng kanyang mommy. Tumango siya bilang sagot dito pagkatapos ay umakyat ng kwarto. Nang makarating doon ay pabagsak niyang inihiga ang kanyang katawan. Gusto na niyang matulog dahil pagod ang kanyang katawan ngunit nalalagkit siya. Kaya naman kahit tinatamad ay pilit niyang ibinangon ang kanyang katawan upang magtungo sa banyo upang makaligo. Matapos ang paglilinis ng katawan ay naabutan niya na may nakahain ng pagkain sa maliit na mesa na naroroon sa kanyang kwarto. Mabuti na rin iyon at nang makakain na siya bago matulog. He will just alarm his phone para hindi niya makalimutan ang lakad mamaya. Matapos kumain ay humilata na siya sa kama at ilang sandali pa ay nakatulog. Nagising siya hindi sa lakas ng kanyang alarm kundi sa lakas nang pagtawag ng kanyang ina sa kanya. Hindi naman naka-lock ang kanyang pinto kaya pwede naman itong pumasok na lamang ngunit talagang kinatok pa nito ang kanyang pinto. Hindi kinatok kundi binabalya ang kanyang pinto na parang may balak itong sirain iyon. Pupungas-pungas na tumayo siya ay binuksan ang ina. “Hijo, wala ka na bang balak lumabas?” tanong ng kanyang ina. Dahil kagigising pa lamang ay hindi maayos na rumihestro ang nais nitong sabihin sa kanya. “Mom?” naguguluhang tanong niya rito. “Hijo, kanina pa tumatawag ang mga kaibigan mo dahil nakapatay ang cellphone mo,” sagot sa kanya ng ina. Okay that’s it. May lakad nga pala siya ngayon at na-drain na naman ang battery ng kanyang cellphone kaya wala siyang alarm na mahihintay. He looked at the wall clock hanging and saw it was nine in the evening already. Late na naman siya. “I’ll leave now dahil mukhang na-gets mo naman ang ibig kong sabihin.” “Thanks, Mom,” wika niya sa ina bago siya nito iniwan. He hurriedly went to the bathroom and fixed himself. Mabilisan lang ang ginawa niya pagkatapos ay kinuha ang susi at nagpaalam sa mga magulang bago lumabas ng bahay. Mabilis na pinaharurot niya ang kanyang sasakyan patungo sa bahay ng kaibigan. Wala namang okasyon ngunit nang mabalitaan ng mga ito na babalik siya ng bansa ay nag-organisa agad ang mga ito ng jamming session sa bahay ni De Villa. Kompleto ang barkada maging si Brandon na kasama niya sa trabaho ay naroroon din kaya naman hindi niya iyon palalampasin dahil minsan na lamang nangyayari ang ganoong pagsasama nila dahil sa trabaho nilang dalawa ni Brandon. Nang makarating doon ay agad siyang inihatid ng isa sa mga kasambahay ng kaibigan sa garden. Doon daw madalas ang venue ng mga ito kapag nasa bahay ng kaibigan. Napangiti siya nang makita ang mga itong nagkakasiyahan. Siya na lamang talaga ang wala roon. “Francis Elijah!” sabay-sabay na sambit ng mga ito sa kanyang pangalan nang makita siya. Para namang antagal nilang hindi nagkita gayong lagi naman silang nasa video-call. Personally, oo matagal na nga dahil dalawang taon na ang nakalipas mula nang magkita-kita sila. “Akala namin hindi ka na makakarating,” wika ni Stanley sa kanya. “Oo nga. Malapit ka na naming sugurin sa bahay niyo,” sagot naman ni Loui. “Akala namin ay nagtatago ka na naman sa amin. Aba marami ka ng utang sa amin.” “Bakit ako lang ba ang laging wala?” tanong niya sa mga ito. “Hindi. Pero ikaw ang madalas na wala. Kung kalahati ang nadadaluhan ni Brandon, ikaw one-eighth lang, Brad!” sagot ni Bryan sa kanya na ikinailing niya. “Parang hindi niyo naman alam ang trabaho ko.” “Alam na alam namin, Brad,” sagot ni Rohan sa kanya. “Pero ang hindi namin maintindihan ay ang hindi mo pagbabakasyon nang matagal. Nagpapakamatay ka na ba?” Natawa naman ang mga kaibigan sa linyang iyon ni Rohan. Hindi naman siya nagpapakamatay talagang hindi lang niya magawang magbakasyon nang matagal dahil sa personal na kadahilanan. “I don’t even know if you’re getting laid. Aba binata ka pa, Francis,” turan ni Bryan. “Huwag mo akong igaya sa iyo, Bryan!” sagot niya rito. Natawa naman ang mga kaibigan sa sagot niya at nauwi ang pangangantiyaw kay Bryan. Doon din niya nalaman na may dinidigahan pala itong empleyado ng hotel. Medyo tumino na raw ito sabi ng mga kaibigan niya. Masaya ang lahat na nagkakamustahan at panay ang kantiyaw nila sa isa’t isa lalong lalo na pagdating sa mga chick ng mga ito. Masayang nakisali siya sa mga ito hanggang sa may nahagip ang kanyang mga mata sa isa sa mga balkonahe ng bahay ni Rohan. A beautiful girl was standing on the balcony and was looking at them. She was actually looking at them dahil nakaharap ito sa kinaroronan nila. She was a bit tall and slim. Masasabi niyang maganda ito kahit na nasa malayo ito. Mahaba rin ang buhok nitong paalon-alon. Hindi niya masabi kung sadyang kulot talaga o pinaayos lamang sa parlor. Maputi rin ito dahil kahit na may kadiliman ang kinaroroonan nito ay umaandap ang kaputian nito. Sa totoo lang ay hindi pa niya nakikita talaga ang bunsong kapatid ng kaibigan. Minsan lang din niyang nakita ito sa picture dahil todo bakod ang kaibigan sa kapatid. Sa ugali ni Rohan at sa ganda ng kapatid ay talagang babakuran nito ang lahat ng lalaking umaaligid dito. “That’s my sister. She’s off-limits,” wika ni Rohan at tinapik ang kanyang balikat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD