PROLOGUE

2074 Words
Warning! Sensitive Content! Read at your own risk! “Nestor!” tawag ng isang malaking tinig sa labas ng gate ng kanilang munting tahanan. Mabilis na tumakbo si Maureen, walong taong gulang, sa tabi ng bintana at sumilip sa maliit na siwang. Nakita niya ang isang grupo ng kalalakihan na nasa labas ng kanilang gate at tinatawag ang pangalan ng kanyang ama. Magulo ang mga ito at maiingay dahil halos sabay-sabay na ang ginagawang pagtawag ng mga ito sa pangalan ng kanyang papa. Bahagyang tumulis ang nguso niya dahil sa nakikita at naririnig mula sa labas ng gate. “Papa?” sambit niya nang makita ang ama na papalapit sa kanyang kinaroroonan. Hindi maganda ang timpla ng itsura nito habang papalapit sa kinaroroonan niya kasama ang kanyang ina. “Elisa, itago mo si Maureen,” mahinang wika nito sa kanyang ina ngunit umabot pa rin sa kanyang pandinig. Tumingin ang kanyang ina sa kanya at ibinalik ang tingin sa kanyang ama na tumango naman. Sa murang edad ay hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Kung bakit ganoon na lamang ang itsura ng kanyang ama nang makita nito kung sino ang nasa labas ng gate nila. Naisip niya na dapat ay masaya ang kanysng ama na mayroon itong bisita dahil kaarawan nito ngayon at tanging silang tatlo lamang ang nagdiriwang niyon. Kahit na sanay na siya sa ganoong setup nilang mag-anak ay ipinagtataka pa rin niya ito. Bilang isang bata ay nais sana niyang makahalubilo ang ibang tao kapag may kaarawan kagaya nang napapanood niya sa telebisyon at naririnig mula sa kanyang mga kaklase. Iyon nga lang kasi ay hindi mahilig ang kanyang mga magulang na tumanggap ng mga bisita lalong-lalo na ang kanyang ama. Hindi sa hindi nila kaya ang magkaroon ng isang party. Sa estado ng kanilang pamumuhay ay kaya naman nila iyon. Simple man ang kanilang pamumuhay ay hindi naman sila salat sa salapi. Mayroong isang maliit na negosyo ang kanyang mga magulang. Mayroon isang tindahan ng mga RTW na damit at madalas din niyang nakikita ang kanyang ama na nagbibigay ng makapal na pera sa kanyang ina. Naibibigay rin ng mga ito ang lahat ng mga pangangailangan niya. Kompleto rin ang bahay nila sa mga kagamitan kahit na sabihing maliit lamang iyon kumpara sa ibang bahay na naroroon. Kaya naman ipinagtataka niya kung bakit hindi sila nag-pa-pa-party sa kanilang tahanan. Ni minsan ay hindi niya naranasan iyon. “Elisa, magtago na kayo. Bilisan mo,” mahina ngunit madiing wika ng kanyang ama sa kanyang ina. “Paano ka?” tanong ng kanyang Mama. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala. Kaya naman nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito na hindi maipinta ang pagmumukha ng mga ito. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang kanilang mga reaksiyon. Bakit kailangan nilang magtago? Kaaway ba ng kanyang Papa ang mga nasa labas? Hindi ba gusto ng kanyang Papa na makita sila ng kanyang Mama? Ang mga iyon ang tumatakbo sa kanyang isipan habang nakatingin sa kanyang mga magulang. “Sige na. Ako na ang bahala sa kanila. Basta ‘wag na ‘wag kayong lalabas hanggat hindi ko kayo tinatawag,” bilin nito sa kanyang ina pagkatapos ay tumingin sa kanya. “Makinig ka sa akin, Maureen. Makinig ka sa lahat ng sasabihin ni Mama, okay? At huwag na huwag kang mag-iingay. Magtago kang mabuti para hindi kayo mahanap. Be a good girl.” “Bakit kami magtatago, Papa?” inosenteng tanong niya sa ama. “Basta makinig ka na lang sa akin, anak. Just be quiet. No sound at all. Pagnagawa mo iyon ay pupunta tayo sa gusto mong pasyalan. Okay ba iyon sa iyo?” masayang wika ng kanyang Papa. Tumango naman siya rito pagkatapos ay niyakap siya nang mahigpit ng kanyang ama. Ganoon din ang ginawa nito sa kanyang ina. Pagkatapos ay inutusan na nito ang kanyang ina na magtago sila. Habang papalayo sa kinaroroon ng ama ay nilingon niya ito at nakitang nakatanaw lamang ito sa kanila ngunit may bahid ng kung anuman ang kanyang mga mata. Sa murang edad ay hindi niya gaanong maintindihan iyon ngunit batid niyang natatakot ang kanyang ama. Masamang tao kaya ang nasa labas ng kanilang bahay kaya natatakot ang kanyang ama? Mabilis ang kilos ng kanyang Mama na nagtungo sa kusina at binuksan ang isang kabinet sa ilalim ng kanilang lababo. Ang bahaging iyon ng kanilang lababo ang hindi madalas buksan ng kanyang ina. Minsan lamang niya ito nakikita ay mabilis din nitong isinasara kapag naroroon siya. Her mother opened the glass door of the kitchen sink. Kasunod niyon ang pagkarinig nila ng mga kalabog at sigawan mula sa sala. Naririnig niya ang boses ng kanyang Papa at iba pang boses. “Bilis, anak. And please huwag kang mag-iingay. Kahit anong mangyari ay huwag na huwag kang mag-iingay. At huwag na huwag mong bubuksan ang pinto nito kahit na anong mangyari. Pagpasok mo ay pindutin mo ang red na switch at hintayin mo kami ng Papa mo bago mo pindutin ulit. Maliwanag?” mahabang bilin ng kanyang Mama. Pansin niya ang paggaralgal sa boses nito maging ang panginginig ng mga kamay nito. Halatang takot na takot ang kanyang Mama lalo na't lumalakas ang mga boses sa sala at ang mga kalabog na naririnig nila. “Nakuha mo, Anak?” wika ng kanyang Mama at hinawakan siya sa balikat at itinulak papasok sa maliit na pintuan ng kabinet na iyon. “Mama?” tawag niya sa ina habang nakaupo sa loob ng kabinet. Maluwang naman ang loob nito lalo na sa bandang likuran at paniguaradong magkakasya pa sila ng kanyang Mama. ‘Di ba sabi ng kanyang Papa na magtago silang dalawa ng kanyang Mama ngunit bakit siya lamang ang magtatago? Bakit hindi sasama ang kanyang Mama? “Iyong red button, Maureen!” bilin ng kanyang Mama na ikinatango niya. “Kahit anong mangyari o kahit anong makita mo ay huwag na huwag kang gagawa ng anumang ingay maliwanag? Promise me. Promise me, anak.” “Promise, Mama,” inosenteng sagot niya sa ina. Their family valued promises so much. Simula nang magkaisip siya ay ipinamulat na sa kanya nvgkanyang mga magulang ang kahalagahan ng isang pangako. Na ito ay sagrado at kaakibat ng tiwala sa isa't isa. Kaya naman hindi nangangako ang mga ito kapag hindi rin naman ito natutupad. Kahit sa murang edad ay hindi niya matanggap ang betrayal at disappointment na kaakibat nito kapag hindi natutupad. “Promise” is a scared word for their family. Hindi pa niya napipindot ang pulang buton nang makarinig sila ng dalawang magkakasunod na mga putok. Sa taranta at gulat ng kanyang ina ay mabilis nitong pinindot ang pulang switch at tumalikod. Unti-unti nagsara ang pintuan ng kabinet at kahit anong gawin niyang pagbubukas ay hindi niya ito mabuksan. Anong klaseng kabinet na iyon at bakit hindi niya maitulak pabukas? Akmang pipindutin niya ang switch ngunit nakita niya ang inang sumenyas na huwag, na huwag niyang gawin and the promise sign of their family. And she remembered her promise to her. She will never make any noise no matter what happens and only wait for her parents to come fetch her. Kitang-kita niya ang ina na tumakbo paalis sa lababo upang magtungo sa sala at tingnan ang ama ngunit nabangga ito ng kung sino man. When she looked at it, it was her father covered with blood. Niyakap ng kanyang ina ang kanyang duguang ama. Kasunod ng mga ito ay ang pagsulputan ng ilang kalalakihan. Sa nakikita niya ay nasa limang kalalkihan ang mga naroroon ay may hawak hawak na baril. Nagsimula nang dumaloy ang mga luha s akanyang mga mata. Itinakip na rin niya ang mga kamay sa kanyang bibig upang hindi kumawala ang mga hikbi. Hindi pa nakontento ay kinuha niya ang laylayan ng kanyang bestida upang ipantakip sa kanyang bibig. Kitang-kita niya ang paghawak ng dalawang lalaki sa kanyang Mama na pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak ng mga ito. Kitang-kita rin niya kung papaano tadyakan, suntukin ng tatlong lalaki ang kanyang duguang ama. Nakikita niya ang pagbuka ng mga bibig ng mga ito ngunit hindi niya marinig kung ano ang sinasabi nila sa kanyang ama na nakahandusay na sa sahig. Kitang kita rin niya ang pagbar!l ng isang lalaki sa paa ng kanyang ama. Sunod niyon ay ang sampal ng isa sa kanyang Mama. Kitang-kita niya ang lahat nang nangyayari sa labas ng de salaming kabinet na kinalalagyan niya ngunit wala siyang marinig na kahit anuman. Nakikita niya ang pagmamakaawa ng kanyang ama sa mga lalaking iyon lalo na nang simulan na nilang pagtuonan ng pansin ang kanyang ina. Sinimulan na nilang hablutin ang damit ng ina habang ang kanyang ama ay gumagapang sa sahig upang pigilan ang mga ito sa masamang binabalak sa kanyang ina. Maganda ang kanyang ina. Matangkad ito sa taas na limang talampakan at apat na pulgada. Maputi rin ito at balingkinitan ang pangangatawan. Mahaba ang paalon-alon nitong buhok. Simple rin kung manamit ang kanyang ina at kahit na nakapambahay lamang ay makikitaan ng kagandahan. Hindi rin nagkakalayo ang tangkad ng kanyang ama. Nasa limang talampakan at walong pulgada ang tangkad nito. Maitim ang kulay ng balat nito ngunit makikitaan pa rin ng kagandang lalaki nito. Sabi nga ng mga ito sa kanya ay kamukha raw niya ang kanyang Papa ngunit naman nito ang kulay ng balat ng kanyang Mama. Hawig na hawig daw siya sa kanyang Papa lalo na ang kulay ng mga mata nila. Sunod na nakita niya ay pagpupumiglas ng kanyang ina habang sinisimulang halay!n ito ng mga lalaki sa harap ng kanyang duguang ama. Labis ang paghihinagpis at pagmamakaawa ng kanyang ama na nakahiga na sa sahig ngunit ang mga mata ay nakatuon sa kanyang ina. Hindi matanggap ng kanyang murang isip ang nagaganap sa kanyang mga magulang kung kaya't iniyuko niya ang ulo habang tahimik na namamalisbis ang mga luha sa kanyang mga mata. Tumatak sa murang isipan niya ang nagaganap sa kanyang mga magulang. Mahabang sandali ang lumipas bago niya muling itinaas ang kanyang ulo at nakitang nagtatawanan na ang mga kalalakihan habang nakatingin sa kanyang inang wala na sa ayos. Puno ng luha ang mga mata nito ay namumula rin ang mga pisngi at may bahid ng dugo ang mga labi. Matapos itong lisanin ng isang lalaki ay akma itong lalapit sa ama ngunit basta na lamang ito binar!l ng isang lalaking may hawak na baril sa tiyan. Nakita niya ang paggalaw ng kanyang ama at pagtangkang paglapit sa ina ngunit nagpaputok muli ng bar!l ang lalaki at ngayon ay sa ulo na ng kanyang ina. Nakita niya ang pagkaupos ng buhay sa kanyang ina habang panay ang pagsisigaw ng kanyang ama na walang nagawa dahil sa kondisyon nito. Sunod niyang nakita ang pagtutok ng baril sa kanyang ama ng parehong lalaki hanggang sa tuluyan na rin itong nawalan ng buhay. Nawalan ng buhay ang mga magulang niya sa mismong harapan niya. Ngunit kahit ganoon man ay pilit pa rin niyang pinipigil ang paglika ng ingay sa takot na kapag lumikha siya ng ingay ay isunod siya ng mga ito. Ngunit ano pa nga ba ang silbi ng buhay niya kung wala na rin ang kanyang mga magulang? Sino ang makakasama niya gayong wala na ang mga ito? Wala rin siyang kilalang kamag-anak dahil ni minsan ay hindi niya nakilala ang mga kamag-anak ng mga magulang. Ano na ang mangyayari sa kanyang buhay? Kahit ganoon man ay pilit pa rin niyang tinatagan ang kalooban. Kailangan mabuhay siya upang mabigyan ng katarungan at pagbayarin ang mga gumawa niyon sa kanyang mga magulang. Nakita rin niya ang pagsenyas ng lalaking iyon sa mga kasama at nagsimulang maglabasan ang mga ito at halughugin ang buong bahay nila. Nakita rin niya ang paglapit ng isa sa tapat niya at ang pagsimulang pagbukas nito sa mga pintuan ng kabinet na kinaroroonan niya. Sumilip ito habang nagbubukas at nang akma nitong buksan ang pintong kinaroroonan niya ay mabilis ang mga galaw na nagsitakbuhan ang mga ito paalis. Ilang sandali pa ang pinalipas niya habang pinagmamasdan ang mga magulang na nakahandusay sa sahig at wala ng buhay. Doon din niya napagtanto na kahit sa bingit ng kamatayan ay kapakanan pa rin niya ang nasa isip ng mga ito dahil nakaharap ang mga mukha ng mga ito sa kinaroroonan niya. Sa lugar kung saan niya nasaksihan ang karumaldum*l na pagpasl*ng sa kanyang mga magulang. At ang tanging nagawa lamang niya ay pagmasdan ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD