"Paanong wala na kayo?" nalilito kong tanong. Nang-tri-trip ba ito sa akin? "Wala na kami as in break na kami," sagot nito na parang balewala lang sa kanya na magkahiwalay na sila ng babaeng gusto nitong pakasalan. "Teka nga! Nang-tri-trip ka ba? Paanong wala na kayo, eh halos mukha na nga’ng tuko ‘yung tao sa kakakapit sa'yo? Kung saan ka pumupunta nandoon din siya." Humarap ako sa kanya at pinameywangan siya. "Sweet lang talaga si Angel kaya siya ganun," depensa nito. Na napakamot pa sa ulo. I rolled my eyes. Sweet ba ‘yun? Eh, mukhang may sapi ’yung babae na ‘yun. Akala mo aagawan ng jowa..napaka-possessive. Lumapit si Jeremy sa akin at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at marahang pinisil. "I'm telling you the truth. Simula noong malaman ko na buntis ka, kin