"Pwede ba tayong mag-usap, Jeremy?" Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang malamyos na boses ng isang babae. Nasa may parking lot na ako ng university at akmang bubuksan na ang pinto ng sasakyan. Paalis na sana ako at susunduin si Piggy. Ngayon ang check up niya sa obgyne. Malalaman na rin namin ang gender ni Baby at excited na excited na ako. I'm hoping it's a boy para kapag nagkaroon siya ng kapatid, siya ang magiging tagapagtanggol ng mga ito. Mga? I smiled with that thought. It seemed like gusto kong sundan agad ang anak namin ni Piggy. Ni hindi pa nga naging kami ang kasunod agad ng baby namin ang iniisip ko. Ang advance ko namang mag-isip. Napangisi ako bago sinagot si Angel. "Hi, Angel sure pero ‘di ako pwedeng magtagal dahil check-up ni Piggy ngayon. Anong gusto mong