"Oh ba't sambakol ‘yang mukha mo? Anyare sa'yo?" tanong ni Ashley nang maupo ulit ako sa tabi niya at hinarap ang mga plates namin. "’Wag mo muna akong tanungin, Ashley dahil naiimberna pa rin ako," sagot ko sa kanya na hindi man lang siya tinitingnan. Nanggigigil pa rin ako sa inasta ni Jeremy. How dare he?! "Ay! Ibang klase palang talaga ang pregnancy hormones. Pikunin ka na ngayon, My Loves." "Nakakainis kasi si Jeremy, eh. Umiinit ang ulo ko sa kanya." "Baka naman pinaglilihian mo?" agad nitong tukso sa akin. "Hindi, ah! Tapusin na nga lang natin ‘to para makauwi na tayo," yamot kong tanggi. Parang nawalan tuloy ako ng gana na tapusin ang plates at umuwi nalang dahil inis na inis pa rin ako sa nangyari. How come mas pinaniniwalaan ni Jeremy ‘yung babae na ‘yun kaysa sa akin na mas