Pagbukas ko pa lang ng mga mata ko ay nakangiti na kaagad ako. Sino ba naman ang hindi mapapangiti? Naging successful ang first base ko kahapon at nasabi ko na rin sa kanya ang gusto kong sabihin matagal na. P*cha! Hanggang ngayon ay para pa rin akong dinuduyan sa alapaap sa sobrang saya. Bumangon na agad ako at nagdesisyong maghanda na dahil pupuntahan ko ang mag-ina ko sa bahay nila. Besides, I have to tell her parents too about the situation. And even though she’s living by herself, sooner or later malalaman nilang buntis si Piggy. Mabilis akong nagligo at nagbihis. Ni hindi na ako nag-breakfast para sabay na kaming kakain ni Piggy ng pananghalian. At least para sa akin brunch ko na iyon. Masigla akong lumabas ng condo. Sinigurado kong naka-lock iyon bago ako umalis. Nakasuot ako ng