“Naks, ang blooming natin ngayon, ah?” Napalingon ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na 'yun at nakita si Ashley na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko. Ni hindi ko man lang napansin na nakapasok na pala siya sa loob at isinasara na ang pinto. "Ewan ko sa’yo, Ashley. Aga-aga nambobola ka saka ang aga mo yata ngayon?" tanong ko sa kanya. Bumangon ako at umupo lang sa kama. Kanina pa ako gising pero hindi ko pa magawang bumangon para maghilamos at mag-toothbrush man lang. Sumandal ako sa headboard ng kama para mas maging comfortable ang upo ko. Si Ashley naman ay umupo lang sa may paanan ng kama. "Wala akong magawa sa bahay, eh kaya pumunta na ako dito. Saka, hello? Sabado kaya ngayon." Gumapang siya sa ibabaw ng kama palapit sa akin at sumandal din sa headboard katabi ko. "Balit